Chapter 1(First Impression)

1.1K 13 1
                                    

“ Mae, may plano ka bang ipakita yang report card sa parents mo?” tanong ni Fiona sa kaibigan

“Gaga!! Edi nasira highskul life ko niyan..Alam mo naman ang mga iyan masyadong mga perfectionist”

“Mahal na kamahalan may nakilagay pong PARENT’S SIGNATURE IS REQUIRED!! Baka yata nakalimutan niyo”

“Problema ba yan? Magaling yata ako sa ganitong bagay, planado lahat iyan, ”

“Aber..? anu yang plano plano mo nayan?”

“I fu-furge ko signature nina Mommy!!”

“WHAT!!!!!!!!!!!” napasigaw na lang si Fiona sa sinabi nitong kabalbalan. “Anu ka ba,sira? Baka makulong ka niyan?” patuloy nito sa nagaalalang tono.

“Wow, akala ko ako lang bobo sa atin ,pati ba naman ikaw? Anu peg natin ngayon..gaya gaya? Best, you should also be reminded na 16 years old pa tayo so 2 years pa, huwag kang masyadong atat,excited masyado”

“Ewan ko sa iyo!!”padabog na sabi ni Fiona. Kasalukuyan kasing nasi Gym sila at hinihintay na magsimula ang program na isinaayos ng SSG ng kanilang paaralan.

Medyo napaaga ata tayo?” nagtatakang tanong niya sa kaibigan na kasalukuyang nagpapaganda.’

“Am,..Yeah…para ako ang unang makakita kay Bryan” kinikilig na sabi nito sabay tingin sa lalaking nagprapraktis sa entablado. Kilala niya yang Bryan, na iyan..Classmate niya yan noong………ah basta .. at ang pagkakaalam niya ay ito ang P.I.O(Public Information Officer) ng skul nila. At sure siya na ito ang magsisilbing emcee sa programang ito.

“Gaga, !!!!”

Ilang minuto rin ang lumipas at nagsidatingan na rin ang ibang mga estudyante.

Anu naman kaya ang sasabihin nang mayabang nilang SSG president”sabi niya bagamat kahit minsan ay hindi niya pa ito nakikilala. May sariling world kasi siya at nakakalimutan na niya ang nangyayari sa paligid at ang tanging nalalaman niya ay ito ang kanyang binoto noong nakaraang halalan sa skul nila. And Gosh, It’s only a month at nakalimutan na niya ang pangalan nito.

“Clarence, yun yun..yung pangalan niya!!” Wala sa sariling bulalas niya at sinita agad ng kanyang kaibigan.

“Who’s Clarence?”

“Yung SSG President natin!!”sagot niya.Laking gulat niya nang tumawa ng malakas ang kaibigan niya.

“Huh?”

“Lawrence,pangalan non!!”

Gusto niyang sipain ang sarili dahil sa pagkakamaling kanyang nagawa,Kung hindi lang talaga minamalas,oh!!

“Good morning, fellow Schoolmates” masayang bati ni Bryan sa tonong britsh na agad na mang ikinatili ng mga kababaihan sa skul nila kabilang na si Fiona.’

“So to finally start this program,let me introduce to you..Mr. Lawrence Cruz our SSG President.

Hiyawan dito, hiyawan doon..mga tiliaan na di niya mawari at pagtingin niya sa Stage ay lumabas ang lalaking may pagka geek ang dating, four eyed ito ngunit napaka cute pa rin. No wonder maraming babae ang nahuhulog dito. Saan ka ba naman hahanap ng lalaking gwapo na at over pa sa talino, baka mahanay pa yata itong isa sa pinakatanyag na scientist sa buong mundo kasama syempre sila ni….(yung lalaking walang suklay ang buhok…?).ah basta in the future.

“ Goodmorning, !!!” nakangiting sabi nito.. “This is your SSG President, Mr. Lawrence Cruz"I'm happy na nandito kayo para makinig sa amin, thanks for the time, we really appreciate it!!,”

Mae's Side

“ Asus, pasikat talaga at ang yabang, kalo mo!!!!!!!! nakakainis!!!!!!!!!!!!” gigil na gigil na sabi ni Mae sa kaibigang si Fiona.

“ Shhhhhhhhh..tumahimik ka nga, tingnan mo pinagtitinginan na tayo ng mga tao”

“ Yan kasing Mr. Pedroza na yan,napaka yabang!”

“ Gaga wala namang ginawang masama si Lawrence sayo, at kung maka-asta ka diyan, parang pinagtaksilan ka!!” naiinis na sabi ni Fiona sa kaibigan. Ayaw nang patulan ni Mae ang kaibigan kaya't napagpasyahan na niyang lumabas sa Gymnasium, para hindi na masira ng tuluyan ang araw niya. Hindi niya talaga maiintindihan kung bakit galit na galit siya kay Lawrence, na kung iisipin ay hindi naman niya masyadong kilala, But may bahagi ng utak niya na nagsasabi na may anu something dito, kaya siya naiinis dito, pero di lang niya talaga mapagtanto kung ano ito.

Sa bahay ni Mae.............

“ Good evz, ma” sabay halik sa ina.

“ good, evz, iha!!' nakangiting sabi ng kanyang ina “Kain ka muna”

“ Huwag na ma, may gagawin pa ako,” nakangiti niyang sabi sabay takbo sa itaas.

“Mae!”

Bigla siyang napahinto nang makita ang tatay niya, galing pa la ito sa kanilang mini library at seryosong seryoso ang pagmumukha nito

Patay, ako nito, baka alam na nila! Bakit pa kasi nauso ang pagkachismosa sa school namin” sabi ng isip ni Mae

“ Mae, alam kong may nangyari sa school niyo, at balak mo pa talagang itago ang Report card  mosa amin ng mommy mo!, how dare you, yan ba ang napapala mo ngayon,..Gosh!! pinag aral ka namin sa isang exlusive school, at yan lang pala ang mapapala mo!”

“Sorry pa, I'll promise na hindi na to mauulit”

“I don't need promises, I need action, kaya napagdesisyunan ko nang mag hire ng tutor mo, nakausap ko na rin siya at sa susunod na linggo na siya magsisimula,”

“but dad!”

No buts, young lady.. !! Gragraduate ka na , at hindi namin kakayanin na kung hindi ka makamartsa, sino na lang ang mag mamanage ng kompanya?”

“Ok dad, sorry” walang ganang sabi niya at agad na pumunta sa kwarto niya. She's sick and tired of this high expectation na ipinupukol sa kanya. Simula pa pagkabata sinasabihan na siya ng ganito at kahit kailan ay hindi siya binigyan ng pagkakataong makapagdesisyun para sa sarili niya. Kaya ito, naging isang rebel siya.

My Four Eyed HeroWhere stories live. Discover now