The Whole Story

90 4 3
                                    

FAYE'S POV

Dati, gumigising lang ako para pumasok sa eskwela. Pero simula nang dumating si Arashi at ang dala-dala niyang papel, biglang nagbago ang buhay ko. Panay na ang punta ko sa kung saan-saang lugar at pakilala sa kung sinu-sinong tao.

Yes, you got it right.

Ang papel na iyon ang nagpabago sa takbo ng buhay ko.

Today, I am now known as Ms. Faye Summers - the "next big singing sensation" of the Philippines.

It all started that Christmas Day of 2014. Kasama ako sa grupo ng mga nagka-caroling nang mapadaan kami sa isang malaking bahay na kulay berde. Eksaktong lumabas ang may-ari ng bahay - seryoso ang tingin niya sa akin. 

Pagkabigay niya ng pera sa grupo, sinabi niya sa mga kasama ko:

"Can I have a pep talk with this innocent and sultry girl? Even just for a while?"

Pagkaalis ng ibang mga kasama ko, tinanong niya ang mga bagay na tungkol sa akin, mula sa pangalan hanggang sa address ko. Pagkatapos, may iniabot siya sa akin na calling card. 

"ARASHI - The Star Maker

Manager of Some of the Country's Hottest Stars

Contact (02) 143-2525"

At ang sabi niya, "Miss Summers, I heard you singing with them. Your voice was a stand-out! Now, I want to say this to you:

YOU DESERVE TO BE A STAR!

This is a once-in-a-lifetime chance to be the next big singing sensation of the Philippines! Why not take it?"

Noong araw na iyon, hindi pa ako handa. Siyempre, nag-a-aral ako. At inuuna ko ang kapakanan ng aking pamilya bago ang aking sarili. Kaya magalang kong tinanggihan ang offer niya.

Pero biglang nagkasakit nang malubha ang aking ina, at kailangan ng 300 libong piso para maisagawa ang operasyon niya. Kaya palihim akong pumunta kay Ginoong Arashi para humingi ng tulong, at sinagot niya ang gastos sa operasyon. Gumaling din ang aking ina.

Ito ang dahilan kung bakit narito ako ngayon sa lungsod. Kasama ko si Arashi - na ngayon ay manager ko. At malayo sa piling ng pamilya ko - at ng best friend ko, si Jared. 

JARED'S POV

Ang tagal na rin mula nang biglang umalis si Faye papunta ng lungsod. Graduate na ako, pero hindi na niya iyon nasaksihan. Hanggang may nakita ako sa panonood ko ng TV kahapon.

Si Faye! Hindi ako pwedeng magkamali! Siya 'yung babaeng pino-promote ng Best Things Entertainment bilang "next big singing sensation"!

Kaya pala ang tagal niyang nawala!

In fairness, lalo siyang gumanda. At ang boses niya, hindi ko makalimutan.

Ipinapangako ko, Faye, magtatagpo tayong muli. Wala akong pakialam sa kahit anong sabihin ng iba. Basta sa ngayon, ang mahalaga, makita kitang muli.

FAYE'S POV

Kakagaling ko lang sa rehearsal para sa Best Things Live nang isang lalaki ang biglang gumulat sa akin.  At kilala ko pa!

Faye: That One-Hit WonderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon