[ A/N: Forgive my typos and errors. Feel free to correct me ^__^ Picture ni Altrey Vince Chua a.k.a. Kuya Trey ni Thea sa right side. ]
><><><><><><><><><><><><>>><><><><><><><><><><><><
"Theaaa!"
"Hoy Thea! Hintaaaay ngaaa! Chuaaaaa!" Natauhan lang ako ng makita ko si Tasha na papalapit sakin. Hinahabol niya pa ang hininga niya.
"Hoy Althea! Kanina pa kita tinatawag! Walanjo ka! Nagdadaydream ka na naman!" Sabi niya sabay irap.
"Aba! Aba! Nagiging hobby mo na yang pag-irap ahh."
"Eh ksi po. Iniisip mo na naman yang walang kwentang panaginip mo! Di ka pa ba nagsasawa sa Lance na yan?"
"Bat naman ako magsasawa sa future boyfriend ko?"
"Mamuti sana mata mo kakahintay sa lalaking yan!" Ang sama ng babaeng 'to =_=
"Wtvr. Tara na nga! Malalate na tayo ehh!"
So ayun nga, naglakad na kami papuntang classroom. Ang sweet din namin nuh? Nagsisigawan sa hallway. Sanay na mga tao samin ehh. Everyday ba naman namin ginagawa yun di pa sila masanay?
-- CLASSROOM --
"Good morning class!" bati nung adviser namin. "You have a new classmate."
Biglang umingay yung klase. Ang dami na namang comments everywhere.
"Wow! Sana gwapo! *u*" Isa lang yan sa mga narinig kong bulungan ng mga babae dito. tss. Lande.
"Tashhhh!" Tawag ko kay Tasha.
"Oh ano?"
"Pwede pa ba magtransfer? July na ahh. Makakahabol pa ba yun?"
"Ewan? Pwede pa siguro. Nakatransfer nga yun eh"
"sabagay. Sana mabait :)" Nagngitian nalang kami ni Tash.
"Okay class. Settle down" tumahimik naman yung klase. "Mr. Soriano, please come in."
Soriano? Familiar yun ahh.
Bago pa man pumasok ung Mr. Soriano ehhh nagsalita ulit si Sir. "Class, please be good to him. He's the grandson of Mr. Albert Soriano, the president and owner of this school." He explained.
Ahh. Kaya pala familiar. Yun pala family name nung principal namin. Pero mali naman ata ung last na sinabi ni Sir. Special treatment lang? Porket apo ng presidente ng school ehh. tss.
Tumigil na sa pagsasalita si Sir dahil may pumasok na lalaki. And to my surprise, napatayo ako...
I-it was... HIM O.o
"Lance?!"
OMG! OMG! OMG! Am I dreaming?! *sapak sapak ng mukha* OMG! Is this really happening?
"Ms. Chua, is there something wrong?" -- Mr. Castilla
"Ha. Ah ehh. No sir" Oh shoot. Lahat na pala nakatingin sakin. Tumayo lang naman kasi ako at sumigaw ng bonggang bongga =_=
All eyes on me. Including Mr. Castilla...
And HIM.
Nakakahiya ako. tss. Umupo nalang ako.
BINABASA MO ANG
Dreams vs. Reality [ hiatus ]
Teen FictionWhat happens when your dreams are surrendered to reality? READ. COMMENT. VOTE. BE A FAN? HAHA. THANKS :*