Chapter 1

19 2 0
                                    

Nyxxyvelle Vondergeist



"Im so lucky to be your man babe."



"I promise hinding hindi kita iiwan."



"Problema lang yan, Nagmamahalan tayo."



"I love you so much Nyxx, to infinity and beyond."



"Tangina, umalis ka na Nyxx! Ayoko na sayo! Hindi na kita mahal!."


Hindi ko namalayan, unti unti na palang tumutulo ang luha ko. Alas syete na ng umaga at pupunta pa ako mamayang alas otso sa school dahil may pasok pa ako pero nandito parin ako nakahiga sa kwarto ko. Sariwa parin lahat ng sakit at parang kailan lang ito nangyari, apat na taon na ang nakalipas, apat na taon, pero nandito parin yung sakit.

Pinunasan ko ang aking luha at pumunta sa banyo para maligo, wala naman akong mapapala kung mag eemote ako. Kahit masakit kailangan ng tanggapin, kailangan ko ng mag move forward. Its been 4 years kaya dapat nakarecover na ako, dapat masaya na ako.

"You should be happy, you don't deserve this pain." pagkukumbinsi ko sa sarili at nagpatuloy sa paghahanda.

***

Nikki's P.O.V

Nikki Dane Encarnacion, yes it's me the one and only, nandito ako ngayon sa plaza katapat ng school ko. Kung bakit? wala lang trip ko lang, de joke lang hinihintay ko si Nyxx kasi may usapan kami na sabay kami pumasok.

Speaking of, nasaan na ba yung babaeng yun? napakalate comer talaga! Naiistress ang legs ko sa pinaggagawa nya, palagi kong  nasasaksihan ang pagsugod sa kanya ng mga girlfriends ng kafling nya! Kung hindi ko lang talaga sya kaibigan ay pinatapon ko na talaga sya sa Marawi.

Tududundundundundundundundundun...
(ringtone po yan sa iphone)

Kristal Calling...

Hala shet tumatawag si Kristal.

"Hello?"



"Nikkiii! God i miss you!"



"Hehehe I miss you too, napatawag ka?"



"Hindi man lang ako kinamusta! Anyways may balita ako sayo."



Balita? Anong klaseng balita? "Ano naman yun?" kinakabahang tanong ko.



"Hulaan mo muna."



"Bat ko pa huhulaan? Sabihin mo na kasi ang daming pasikotsikot eh!"



"Napakataas talaga ng pasensya mo no? So yun nga, After 4 freaking years finally uuwi na kami ng family kooo!"



"Seryoso? Omg! Excited nakong makita ka! Kasama ba sila tita at tito? Si ate Kirsteen? H-how about Kirk?"



"Syempre kasama sya! Kami nga diba?"



"H-ha?Bakit kasama sya?"



The AntagonistWhere stories live. Discover now