02

745 37 3
                                    

Chapter 2

"Here's your Margarita ma'am" sabay abot ng dalawang baso ng alak sa babaeng nasa harapan ko. Namumungay na ang mga mata nito pero hindi pa rin siya humihinto kakainom. Mukhang broken hearted.

"George! It's been a while" sabi ni Shawn na kakarating lang, isa siya sa mga waiter dito sa bar.

Kahapon lang naman ako wala. Tsk.

"Puro ka daldal magtrabaho kana" sumimangot pa ito bago bumalik sa pwesto niya.

Hating gabi na rin kaya lalong dumami 'yung mga tao dito sa bar. Isa ito sa mga trabaho ko. Nasa legal age na rin naman ako kaya pinayagan akong magtrabaho dito. Isa pa mataas magpasahod si Mr. Chu, libreng alak pa after ng shift.

"Oh. The Handsome Bartender" napatingin ako sa babaeng bagong dating.

"Your order miss?"

"I don't want to get drunk but can I have you instead?" Haaay

"I'm not available, Miss"

"You're hot"

"Thanks"

"Sexy"

"Ikaw rin"

"And I want you"

"But I don't" sumimangot ito sa sagot ko.

"Too bad. But! In case you change your mind. Call me" sabay abot nito sa calling card niya. What the heck? Seryoso talaga siya?

"Bye Handsome" tsk.

Ilang minuto rin at dumating na ang kapalit ko. Hanggang hating gabi lang kasi ako dito dahil may pasok pa ako sa umaga.

"Ingat ka" tinanguan ko nalang ito.

Antok na antok na ako. Gusto ko ng mahiga at matulog. Haaay

***

Nagising ang diwa ko habang pababa ng hagdan ng  maamoy ko ang mabangong almusal na luto ni mama.

"Tinanghali ka na naman ng gising. Anong oras klase mo?"

"Mamayang 10, ma" tumango na lang ito at nagsimulang mag salin ng gatas sa baso.

"George, paubos na allowance ko" himala nagsalita ang isang 'to.

"Bastos ka talagang bata ka! Galangin mo ang ate mo"

"Pero Ma hindi siya mukhang ate" sinamaan ko ito ng tingin. Hayop 'to.

"Ate mo pa rin siya, Tim. Babawasan niyan allowance mo sige"

"Ate~~" geez. Kadiri. Nakakakilabot!

"Wag ka na ngang magsalita! Bibigyan na kita ng baon!" Sigaw ko sa kaniya at tumayo para maghanda na.

Hindi talaga ko sanay na tinatawag na ate. Nagtataasan ang balahibo ko sa katawan.

"Thank you Ate!"

"Gago!" Sigaw ko.

"Georgina! 'Yang bibig mo!" Sigaw ni mama.

"Sorry ma!" Paumanhin ko bago pumasok sa cr.

Gago ka talaga Tim. Lagot ka sakin mamaya.

***

"Kuripot mo ngayon a"

"Manahimik kang bata ka. Marami akong gastusin"

"Ako rin maraming gastusin" aba!

"Magtipid ka. Next week pa 'yung sahod ko" kumindat pa ito sakin bago sumakay ng tricycle.

Pricess Charming (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon