04

616 29 3
                                    

Chapter 4

"Very good everyone! I didn't expected this, good job!"

Tuwang tuwa naman ang mga kaklase ko sa papuri ni sir Ivan. Tsk. Mabuti nalang at nagustuhan niya dahil hindi biro ang pinagdaanan ko 'don.

May sumundot sa tagiliran ko.

Kilala ko kung sino

Pero hindi ko pinansin

Naaasar pa rin ako sa ginawa niya

Kelan pa ako ng kacrush?!

At sa Kuya pa niya!

Nakakadiri

Nakakasuka

"Babe"

"..."

"George"

"..."

"Sorry na kasi. Wala lang akong choice"

Tumingin ako sa kaniya.

"Anong walang choice? Meron kang choice. At 'yun ay ang di gumawa ng kwento"

"Eh! I'm so sorry na nga. Alam mo kasi si Kuya may pag ka vain at uto uto"

"At sa tingin mo mauuto mo ako sa dahilan mong 'yan?"

"Believe me. Kuya is so madaling utuin lalo na kapag itsura na niya ang topic. Kaya naisipan kong sabihin 'yon para hindi na niya tayo kulitin"

"Pero pwede namang ibang tao 'yung banggitin mo at hindi siya"

"That's the point! For sure tuwang tuwa si Kuya nang malaman non na may nagkakacrush sa kaniya" gusto kong matawa. Ganun pala katanga yung kuya niya? Haha

"May saltik din pala 'yung kapatid mo. Akala ko ikaw lang"

"Mean!"

"I know"

"So bati na tayo?"

"Tsk. Ano pa nga ba?"

Sa sobrang tuwa nito lumingkis na naman siya. Kahit kelan napaka clingy ng isang 'to.

Lumipas ang oras at uwian na namin. Half day lang kami kaya pupunta ako sa isa ko pang trabaho. Sa isang coffee shop.

Pero bago 'yon. Kailangan ko munang maglinis ng room. Ako ang nakatoka ngayon.

"Tulungan na kita Kap!" Nilingon ko yung nagsalita. Si Dash Flores at kasama niya si Richardson David.

"Umalis na kayo. Kaya ko na 'to mag isa"

"Hindi Kap! Tulungan ka na namin!"
"Oo nga!" Pang gatong pa ng isa.

"Aalis kayo o kayo ang gagawin kong basahan dito?"

Bago ko pa sila malapitan nakatakbo na ang mga ito. Tsk. Mabilis naman palang kausap.

Umalis pala agad si Sab. May date daw sila ng mommy niya kaya walang nakabuntot sa akin.

Nakailang punas, walis at ligpit pa ako bago makuntento.

Hmm. Malinis na. Halos wala na kong makitang alikabok sa paligid.

Siguraduhin lang nila na hindi ito mabababoy bukas dahil malalagot silang lahat sa akin.

***

"Espresso for miss Cathy" may lumapit na babae at kinuha ang order nito.

Isa akong Barista dito sa isang coffee shop at sa gabi ay isa akong Bartender sa isang bar. 'Yang dalawang trabaho na 'yan ang pinakastable part time job ko. Minsan rumaraket din ako sa ibang trabaho lalo na kapag marami akong free time.

Pricess Charming (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon