Chapter 7
Sumasakit 'yung ulo
Masakit talaga 'yung ulo ko
Pero lalo itong sumasakit dahil sa mga 'to
Ang ingay nila
Puro boses nila ang naririnig ko at hindi ako natutuwa!
"Isa pang ingay ang marinig ko. Ihahagis ko na sa inyo 'tong upuan dito"
"...."
Sa wakas
Nanahimik na rin sila
Gusto kong matulog, mawala lang 'tong sakit ng ulo ko.
May trabaho pa ako mamaya
Sayang kung aabsent ako
"Babe? Okay ka lang?"
"Hindi. Masakit 'yung ulo ko. Kaya manahimik ka rin dyan" sabi ko habang nakadukdok.
"May meds ako dito. Inom ka muna"
"Sige mamaya pagkagising ko"
Ayon nakatulog na nga ako nang matiwasay.
Mabuti naman
***
May tumatapik sa akin.
"George gising na"
Agad kong iminulat ang mata ko. At inayos ang sarili.
"Maglunch ka muna tapos inom ka ng gamot"
Inayos ko muna ng wisyo ko bago sumunod sa pinapagawa niya.
"Papasok ka pa rin ba sa work mo? 'Di ba pwedeng mag absent ka muna?"
"Kaya ko naman na"
"Pero magpahinga ka muna"
"Kaya ko Sab. Don't worry" sagot ko at uminom na ng gamot.
Siguro naman mawawala na ang sakit ng ulo ko nito.
"Pasok na ako sa trabaho ko. Ikaw umuwi kana sa inyo"
"Hatid na kaya kita? I have my car"
"Ang seryoso mo. Hindi ako sanay"
"Eh! Nag aalala ako sa'yo! Wag mo akong tawanan!"
"Nakainom na ako ng gamot diba? Kaya okay na ako"
"Baka mamaya mahimatay ka dyan!"
"Kung ano anong iniisip mo. Umuwi kana"
"But-"
"Uwi na. Kaya ko ang sarili ko" nag aalangan pa ito bago sumakay sa kotse.
"Magingat ka a!" Pabahol niya bago umalis.
Siya lang dapat yung bi-ne-baby hindi ako. Tsk
***
Nandito ako sa kusina sa loob ng coffee shop. Psh. Pasalamat siya at customer siya dito.
Ang sarap niyang patulan sabay hagis sa labas
Napaka bastos
Akala niya ba porket tauhan lang ako dito ay hahayaan ko siya?
Psh. Kingina niya.
Pumasok na sa loob si sir Mark 'yung manager nitong shop. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya.
"Hindi ko gusto ang ginawa mo George" seryoso nitong sabi.
"Hindi ko rin gusto yung ginawa niya Sir"
BINABASA MO ANG
Pricess Charming (ON-HOLD)
Fiksi RemajaHindi siya tulad ng iba Maraming nalilito sa pagkatao niya Mapababae o lalaki ay nagugustuhan siya She will never be your damsel in distress But She can be your PRINCESS CHARMING That will charm your heart in any possible way Do you want to know he...