10

271 12 0
                                    

Chapter 10

Nakalagay ang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko habang naglalakad papuntang University.

Ka-aga aga pero init na init ako

Wala pa akong dalang payong

Wala kasing ruta yung mga jeep sa way ng university namin kaya no choice ako kung hindi maglakad. Dalawang kanto lang naman kaya malapit lapit na rin.

Nahinto ako sa paglalakad

"Sige na Miss isang kiss lang ang damot"

Pinaningkitan ko ng mata yung lalaki. Naka akbay siya sa babae na pilit nitong inaalis.

"Masarap naman akong humalik hindi ka magsisisi"

Hayop 'to

Lumapit ako sa pwesto nila

Kaya pala pamilyar 'yung babae

Tsk

"Hoy anong ginagawa mo?" Sabat ko.

Sabay silang lumingon sa akin.

"Wag kang makigulo dito Brad. Syota ko 'to"

Nakangisi akong lumapit sa pwesto nila hinawakan sa balikat si Celine. Yeah. Si Celine.

"Kilala mo ba 'to?" Dahan dahan itong umiling. Kaya dinala ko ito sa likod ko.

"Di ka naman pala kilala"

"Ano bang pakialam mo?! Umalis ka dyan!"

"Bakit ako yung aalis? Ikaw ang umalis"

"Gago ka pala! Kilala mo ba kung sino ako?!" Galit na galit na ito.

Pangit mo magalit

Sinenyasan ko si Celine na umalis na. Baka malate pa ito.

"Hindi. Sino ka ba para kilalanin ko? Tabi nga. Sinasayang mo oras ko"

Pinauna ko muna si Celine na maglakad bago ako sumunod sa kaniya.

Pero hindi ko inaasahan 'yung ginawa ng lalaki sakin.

Pucha!

Masakit 'yon!

Dahan dahan kong hinilot yung pisngi kong napuruhan niya.

Shit talaga!

Ramdam ko rin yung sakit sa gilid ng labi ko

Dumura ako

Leche

May dugo

"K-kap" nilingon ko ito. Bakas sa mukha nito ang takot. ,

"Mauna kana" utos ko at hinarap na yung gago.

Malawak ang ngisi sa mukha nito.

Sisigurahin kong mauubos 'yang ngipin sa bibig mo

"Ayoko sanang pumatol sa pangit kaya lang pinapainit mo 'yung ulo ko"

"Sinong pang---"

Hindi ko na ito pinatapos magsalita. Sinuntok ko siya sa panga sabay tadyak sa sikmura.

"Lumapit ka dito hindi pa ako tapos sayo"

Bumilang ako ng tatlo at tumakbo sa direksyon niya

At sinipa ito sa mukha

Kitang kita ko kung pano umagos ang dugo sa bibig niya.

May nakita rin akong ngipin na tumalsik

Tsk

"Sa susunod na makikita kita. Mauubos na 'yang ngipin sa bubig mo"

"Naiintindihan mo ba!?"

Pricess Charming (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon