- Vivian -
"Don't worry, ate Vi. Mabilis lang ang dalawang taon baka hindi mo mamalayan na andito muli ako," sabi ko sabay yakap kay ate kasi for the first time ay magkakahiwalay kami nang matagal.
"Loko ka pero huwag mong kalimutang balitaan ako kung okay ka lang dun ha? Mamimiss ko ang kapilyahan mo. Basta magbehave ka dun, okay?" Nanginigiyak na sabi ni ate at napatawa lang ako pero nalulungkot kasi wala na akong aasarin pa.
"Oo promise yan, ate. Magbe-behave ako at aabutin na natin lahat ng pangarap natin. Malay mo uuwian kita ng jowang blue eyes." Biro ko sa kanya at muntik akong makurot na naman.
Hinatid ako ni Boyet sa may dock upang makisakay sa pupunta ng poblacion at kuwan ay sasakay ng van patungong Palawan dahil nandun ang airport.
"Ingat ka dun sa ibang bansa. Pasaway ka pa naman, Viv." Lalapit sana si Boyet para yakapin ako pero tinapik ko ang ulo niya.
"Tseh! Oh basta bantayan mo si Ate Vi ha? Especially yung mga umaaligid sa kanya, lalung-lalo ka na. Pagbalik ko dadalhan kita ng maraming chocolates." Pagbibiro ko at napailing na lang si Boyet pero alam kong hindi niya pababayaan si Ate.
As I stepped inside the ferry boat, I looked back at the villa where I first saw Rhys and was sad that I wasn't able to say good bye.
The travel from El Nido to Palawan took about 7 hours kaya pagod na pagod ako at masakit ang katawan dahil sa nangyari kagabi. Hindi man lang ako nakapagpahinga kasi kailangan daw na nasa Maynila kami kinabukasan kaya nagbook ako ng ticket.
Pagkarating ko sa Maynila ay sinundo ako ng pinsan namin na nakatira sa Pasay at doon muna ako sa kanya maninirahan habang inaayos ang ibang requirements. Kinabukasan ay pumunta ako sa accredited clinic para magpa-check up kasi requirement daw iyon bago umalis.
Habang nasa clinic ako ay bigla kong naalala na hindi kami gumamit ng proteksyon ni Rhys kaya bigla akong kinabahan pero buti na lang ay umiinom ako ng birth control pills para sa hormonal disorder ko. I don't think na merong sakit si Rhys kasi he reeks of health and wealth.
I promised to myself that I will not fall prey to any man's charms again. One glorious night with a man like Rhys was enough. More than enough if I might add.
A few days after ay pinatawag kami ng agency at kailangan daw in person magbigay ng placement fee kaya pinuntahan ko ang address nila sa Baclaran at buti malapit lang sa MRT kaya nilakad ko na lang para makatipid ng pera. Nakailang pasikot-sikot na ako sa mga eskinta at muntik na ako mahimatay dahil sa init saka sa dami ng tao. Baclaran Day pa naman!
Napatigil ako sa may isang building na mukhang haunted na ospital at nakita ang karatula ng agency na kinakalawang na. Umakyat ako sa hagdan at nandiri sa dami ng kalat sa paligid. Nagdadalawang -isip ako kung talagang legit tong address nila kasi mukhang pinamumugaran ng multo sa sobrang luma.
"Ah eh...eto po ba ang M.A.C.S. Manpower Services?" Tanong ko sa may babaeng na nasa loob at mukhang espasol sa sobrang kapal ng foundation.
"Oo at ako ang manager. Anong kailangan mo?" Mataray niyang tanong habang naglalagay ng lipstick na nude color na nagmukha tuloy siyang bangkay sa kulay.
"Eh kasi ako po si Vivian Almonte, magbabayad ng placement fee." Biglang kuminang ang mata ng multo este ng manager pala.
Nagwithdraw ako kahapon sa airport at napaiyak dahil paubos na ang perang inipon namin ni ate sa savings account.
"Asan na fifty thousand mo?" Tanong niya at tila nagmamadaling makuha ang pera kaya kinuha ko ang sobre mula sa bag at inabot sa kanya pero ayaw kong bitawan pa.
"Ibibigay mo ba o hindi?" Pagalit niyang tanong at hinablot ang sobre saka binilang agad ang pera. Nang mabilang na niya lahat ay bigla siyang tumayo saka ipinasok ang pera sa may bag niya.
"Te-teka po ma'am. Wala po ba kayong resibo na ibibigay?" Pigil ko sa may manager na amoy mothballs ang damit.
"Wala kasi naubusan kami ng kopya. Importante naibigay mo na ang placement fee kaya hintayin mo na lang ang tawag. " Pagkuwan ay lumabas na ito saka nilagyan ng karatula sa labas na closed ang opisina nila at naiwan ako sa silid tila gulung-gulo sa proseso nila.
Tumawag ang agency muli saka pinabalik kami sa funeraria este sa opisina pala nila para kunin ang visa at boarding ticket tapos bukas na daw kami lilipad patungo ng New Zealand. Hindi ako nakatulog sa sobrang excitement at kaba sa bagong landas na tatahakin pero sana nga ito na ang katuparan ng mga pangarap ko.
Umaga ang call time daw namin sa may airport kaya inagahan ko na para hindi trapik patungo sa NAIA. Naisipan kong magcheck in na rin para makapagpahinga ako kaya pumila na ako sa nang makarating sa immigration ay napakunot-ulo ang officer.
"Miss, sorry pero hindi ka makakalipad kasi fake tong visa mo." Sabi ng immigration officer at tila hindi ako makapaniwala.
"Su-sure po ba kayo sir? Kasi sa may M.A.C.S. agency ko po yan nakuha. Nagbayad akong placement fee ah," Tila naluluha na ako sa narinig ko.
"Basta alam ko na peke po ito. Mukhang na-scam kayo kasi sa pagkakaalam ko po walang placement fee patungong New Zealand."
Pinalabas na ako kaya tinawagan ko ang agency pero out of coverage area na kaya naisipan kong magsumbong sa airport police at nalaman kong hindi ako nag-iisa na niloko ng M.A.C.S. agency na kung babaliktarin mo ay SCAM pala!
Nanlumo ako sa may labas ng departure area kung saan ako iyak ng iyak kasi lahat ng pinaghirapan namin ni ate ay nauwi sa wala.
Hindi ko alam anong gagawin ko kasi ang natitirang pera ko ay hindi sapat para bumili ng ticket pabalik ng El Nido let alone sa Palawan. Wala akong mukhang maiiharap kay ate kasi ako yung nagpaloko sa agency. Muntik na akong mahimatay sa hinagpis nang may humawak sa akin mula sa likod bago ako matumba.
"Are you okay, miss?" A baritone voice asked from behind and I tried nodding but I was too weak and dizzy that I finally succumbed to the darkness.
.
.
.
.
.
.
#TeamAbangers na naman sa next chapter. Don't forget to vote, comment or share this to your friends.
Good night!:)
BINABASA MO ANG
The Tycoon's Redemption
Любовные романы⚠️ For 18+ Readers only ⚠️ NO LONGER AVAILABLE FOR REPRINT NO. 1 IN BILLIONAIREROMANCE (JULY 2020) Blurb: Rhys I was one of the most sought-after billionaire bachelors in the world until a recent scandal destroyed me. I flew to the Philippines to f...