NAGULAT si Charry ng pagbukas niya ng pinto ng kwarto niya ay nakita niya si Dani na nasa tapat ng kwarto. Akmang kakatok din ito sa pinto ng kwarto niya dahil nakataas sa ere ang kamay nito.
"Oh, bakit?" tanong niya ng magtama ang mga mata nila.
Binaba ni Dani ang kamay na nakataas. "May naghihintay sa'yo na bisita sa labas." imporma nito.
Bahagyang kumunot ang noo niya. "Sino?"
"Bago mo yatang manliligaw." nakangising sagot ni Dani dahilan para manlaki ang mata niya.
"Nagpapasok ka ng hindi mo kilala sa loob ng apartment natin, Danilalay?" ani Charry sa kaibigan sabay hampas ng mahina sa balikat nito. "Paano kung masamang loob ang lalaking pinapasok mo? Paano kung magnanakaw siya? Paano kung rapist pala siya?" nanlalaki ang mga matang bulalas niya rito.
"Huwag kang mag-alala, Charita Bonita. Wala sa hitsura niya ang gagawa ng masama. Hindi din siya mukhang rapist. Sa hitsura ng lalaking iyon ay baka babae pa ang kusang maghubad sa harap no'ng la—aw!" hindi na natapos ni Dani ang iba nitong sasabihin ng hinila niya ang buhok nito.
"Looks can be deceiving, Danilalay. Sa panahon ngayon ay nag-level up na ang masasamang loob. Hindi porque gwapo mabuti. Hindi porque pangit masama na." sabi niya. Pagkatapos niyon ay muli siyang bumalik sa loob ng kwarto. Kinuha niya ang baseball bat na itinatago niya. Mayroon si Charry no'n for safety purposes. Panlaban niya iyon sa masasamang loob. Lalo pa't dalawa lang sila ni Dani na nakatira sa apartment. At parehong babae pa.
"Hey, Charita Bonita anong gagawin mo?" ani Dani habang hinaharangan nito ang dinadaanan niya. "Bakit bitbit mo iyang baseball bat mo?"
"For our protection. Mahirap na at baka masamang loob ang pinapasok mo. At kung totoong tama ang hinala ko ay papaluin ko siya nito" aniya sabay taas sa hawak. Nilagpasan na rin niya ito.
"Pwede kang makulong diyan ng illegal of firearms." Biro na wika ni Dani. "Hindi rehistrado iyang baseball bat mo!"
Itinirik ni Charry ang mga mata sa sinabing iyon ni Dani. "Sa gagawin mo ay pwede ka ding kasuhan ng physical injury? Pwede ding frustrated murder?"
Hindi na lang pinansin ni Charry ang pinagsasabi ni Dani. Sa halip ay nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad. Nagsalubong ang kilay ni Charry ng hindi niya mamataan ang sinasabing bisita ni Dani sa sala ng apartment nila. Mukhang tama ang hinala ni Charry? Mukhang masamang loob ang lalaking pinapasok ni Dani sa loob ng apartment nila.
Saang parte kaya ng apartment nila nagpunta ito? Baka sa kusina? Nililimas na nito ang mga plato nila!
Itinaas ni Charry ang hawak na baseball bat. Humigpit din ang pagkakawak niya ro'n. Nasa dulo na siya ng hagdan ng biglang sumulpot ang lalaki. Nagulat siya ng makilala niya ang lalaking tinutukoy ni Dani. At sa sobrang pagkagulat ay namali siya ng naapakan dahilan para madulas siya at napaupo siya sa dulo ng hagdan. Nabitawan din niya ang hawak na baseball bat at sakto pa iyon tumama sa paa niya.
"Aw!" daing ni Charry ng maramdaman niya ang sakit sa pwetan sa pagbagsak niya.
"Charry!"
"Miss Charry!" halos magkasabay na banggit ng lalaking bisita niya at ang kaibigang si Dani sa pangalan niya.
Mabilis na lumapit ang lalaki sa kanya. "You okay?" tanong nito.
"Anong ginagawa mo dito, Sir Carl?" wika niya sa halip na sagutin ang tanong nito. Si Carl kasi ang lalaking bisita niya sa sandaling iyon.
"I'm here to checked on you." sagot nito bago ito tumingin sa paa niya. Nakuha naman niya ang gusto nitong sabihin. Gusto nitong kamustahin kung okay na ba iyong bukong-bukong niya. "But it seems..." anito na umiiling-iling. Pagkatapos niyon ay walang sabi-sabing binuhat siya nito in bridal position. Mabilis naman niyang ipinulupot ang kamay sa leeg nito. Naglakad ang binata at dinala siya nito sa sofa nila. Maingat siyang ibinaba ni Carl ro'n.
BINABASA MO ANG
The Cursed Bride Series: The Groom wannabe (Completed)
RomanceOne month pa ba? Excited na kasi akong palitan ng apelyido ko ang apelyido mo."