CHAPTER 8-STONES

14 2 27
                                    

DHANI'S POV
Kasama ko ang mga kaibigan ko habang naghihintay ng kung anong susunod na mangyayare. Nilibot ko ang paligid ng may makita akong batong may malaking butas sa taas non may nakaukit na V. "Anong tinitignan mo diyan Dhani?" rinig kong tanong saakin ni Maddie. Nakita niya siguro akong inoobserbahan itong bato. Binalikan ko naman ng tingin ang mga kaibigan namin nakaupo lang sila habang iniikot ang mga paningin. "Napansin ko kasi na may butas tong bato tapos nung nilapitan ko napansin kong may nakaukit na V hindi naman ako makaisip ng bagay na pwedeng simula sa letrang V na pwedeng may koneksyon sa nararanasan natin ngayon." paliwanag ko sakanya.

Napansin ko naman siyang napaisip. "Paano kung hindi ano kundi ilan?" sagot niya saakin. Oo nga no ang V ay roman numeral ng 5. "Bato! maglagay tayo ng limang bato" Kumuha kami ng limang bato at nilagay sa butas. May narinig kaming umangat na mabigat na bagay. Napalingon kaming lahat sa likod at nakita namin ang isang ahas? "Fudge anong ginawa niyong dalawa?! Bakit may ahas!?" Nagkatinginan kami ni Maddie. "Umakyat kayo sa mga batong nakikita niyo." Ngayon ko lang napansin na mayroon palang mga batong katulad ng nakita namin ni Maddie.

Sinundan namin ang sinabi ni Andres at nagkanya kanya. "Ang mga ahas na yan ay tinatawag ba inland or western taipan. Ito ang pinakamakamandag na ahas kaya wag kayong papatuklaw!!" sigaw saamin ni Carla. "Tignan niyo ang mga nakaukit sa mga bato niyo. Lagyan niyo ng bato sa loob kung ilan ang nakasulat." Sigaw ko sakanila. Nakita kong nilagyan ni andres ng 3 bato ang kaniya. May narinig kaming tunog parang tunog ng kung ano.

"MADDIE YUKO!!!" babala ni Andres. Tinignan ko naman ang nangyayare may mga mahuhulog na matulis na metal na merong matutulis na tusok sa gilid. Hindi ako nagdalawang isip na itulak si Maddie kaya nahulog ako sakanya.Agad ko siyang tinayo dahil nakita ko ang papalapit na ahas saamin. Agad kaming umakyat sa bato kung saan siya nakatayo kanina. Nawala na bigla ang nahulog kanina.

Cander                                            Carla

Aira                                                 Dhani
                                                        Maddie
Andres

ganyan ang pwesto namin. Agad ko silang binalaan na huwag munang maglagay ng bato dahil sa bawat paglagay ng bato may mangyayareng hindi maganda. "Maddie ayos kalang ba?" tanong ni Aira sakanya agad ko siyang tinignan kaya tumango nalang siya saamin. "Guys what the heck is happening here!" bulaslas ni Cander. "Tignan niyo kanina wala yang nasa taas na yan hindi ba?" tanong ni Carla.

Agad kaming napalingon sa sinasabi niya. Ngayon ko lang napansin na mayroon ng singaw ang taas. Ang nakakapagtaka niyan nasa isang malawak na lugar kami o yun lang ang alam namin? "Cander maghagis ka nga ng bato sa direksyon namin. Ihagis mo sa mga halaman banda roon." Sabi ko sakanya sabay turo sa mga halaman. Ginawa niya nga ang inutos ko sakanya pero nagulat kami ng bumalik lang iyon saamin. Hindi mangyayare yun kung walang nakaharang. "Ibig sabihin niyan wala tayo sa isang malawak na lugar kundi nasaisang kwarto tayo uli. Para tayong nasa isang kwarto na mayroong ilusyon. Ginawa siguro ito para isipin natin na hindi na tayo nakakulong." rinig kong sabi ni Maddie dahil magkatabi kami. "Kailangan lang natin lagyan ng nga bato ang butas and we can go" bulaslas ni  Cander.

Kaya agad niyang nilagyan ng 7 bato ang sakanya. Sinubukan namin siyang pigilan pero tuloy tuloy parin siya. Narinig uli namin ang pagbaba ng sementadong palapag. Naghintay kami ng pwedeng mangyari ng marinig namin ang sigaw ni Carla.
"Fudge anong nangyayari kay Carla!?!" sigaw ni Andres. Nakita ko naman ang pagsisisi ni Cander sa ginawa niya. Nakita namin si Carla na nangigisay habang nakatirik ang mga mata. Kinukuryente siya nakita ko na mayroong pangkuryente ang kinakatayuan niya. Namumutla na si Carla at parang wala na sa sarili. May lumabas na sign sa itaas ni Carla na nagsasabing
FINISH THIS LEVEL OR CARLA WILL DIE.

Narinig ko naman si Aira na umiiyak wala kaming choice kundi tapusin ang level na ito. "AHHHHHH!!! may ahas may ahas!!" sigaw ni Aira. Agad kaming napalingon sakanya at malapit na nga siyang tuklawin ng isa ahas. "Cander babatuhin ko ang ahas pagkatapos kunin mo agad si Aira ok?" sigaw ng katabi ko. Ginawa niya nga ang plano niya mabilis na kinuha ni Cander si Aira at bigla nalang naglitch ang ahas. Nakakapagtaka dahil bigla nalang nawala ang ahas ibig sabihin non hindi sila totoo. "Lagyan niyo na ng bato yung sainyo ni Maddie para makaalis na tayo dito at mahinto na ang nangyayare kay Carla!!" ginawa namin ang inutos ni Andres at bigla nalang napana sa braso si Maddie. May dugong tumalsik sa mukha ko galing sa braso ni Maddie. Mabilis ang mga nangyare at bigla nalang napahawak saakin si Maddie lumitaw uli ang isang note sa taas ni Maddie.
FINISH THIS LEVEL. THE ANTIDOTE WILL BE GIVEN TO HER AT LEVEL 3

May lason ang pana na nasa braso ngayon ni Maddie. "TAPUSIN NIYO NA TONG WALANG KWENTANG LARO NA TO!!" Nilagyan naman ni Cander ng bato ang lugar ni Aira kanina. Narinig uli namin ang pagbaba ng palapag. "ALIS NA CANDER!!" sigaw ko sakanya. Agad agad siyang bumalik aa pwesto nila ni Aira. Maya maya lang may nakita kaming bumagsak na malaking bato sa lugar ni Aira kanina. Kung hindi nakaalis agad si Cander paniguradong yupi na siya ngayon. "BAKIT DI PARIN GUMAGANA!!" sigaw ni Andres. Nalagyan ko na ng bato yung saakin, kay Maddie, Aira, Cander at Andres. "Paano natin lalagyan yung kay Aira?" tanong ni Aira. "Ako na maglalagay." presinta ko. Pinigilan ako ni Maddie kahit hirap na hirap na siya "Paano kung matuklaw ka ng mga ahas?" nagaalalang sambit niya. "Hindi sila totoo" kaya sinabi ko ang tungkol sa nakita ko kanina. Nakita ko parin ag pagaalinlangan sa mga mata niya pero sinigurado ko na walang mangyayari saakin. Bumaba ako at nagsilapitan ang mga ahas katuladng inaasahan ko hindi nila ako tinuklaw. Agad ko ng nilagyan ng 2 bato ang kay  Carla. Huminto na ang nangyayai sakanya at agad tinawag si Andres upang akayin si Carla. Bumalik ako kay Maddie upang alalayan din siya.

Nakababa na ang palapag pero hindi siya sobrang baba kungbaga kailangan mong pang tumalon para makaakyat. May narinig kami na tunog. "Bilisan niyo at sumisikip ang kwarto. Hindi natin nakikita ang pader ng kwarto kaya huwag na tayong mag aksaya ng oras". Nakaakyat na sina Cander at Aira. Binuhat ni Andres si Carla at inabot kay Cander. Nawalan na ng malay si Carla dahil sa pagkuryente sakanya. Umakyat na si Andres at iniabot ko na si Maddie. Tumataas na din ang palapag kaya agad agad akong umakyat. Nakita ko ang mga bato na unti unting nawawasak dahil sa pagsikip ng kwarto. Nawala na sa paningin ko ang kwarto dahil tuluyan ng sumara ang kinakatayuan namin. Tinignan ko ang mga kaibigan ko kung ok lang sila at agad na pinuntahan si Maddie at Carla. Hindi ko alam ang mangyayare saamin kaya isang buntong hininga nalang ang nagawa ko.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TRAP (HIATUS)Where stories live. Discover now