Paalam

1 0 0
                                    

Simula Senior high school ay boyfriend ko na si Baste.

Hanggang ngayong 4th yr college na kami.

Marami kaming pinagdaanan tulad din ng ibang couples. Lalo na at Ldr kami. Ako nasa province siya nasa Parañaque.

Naka ilang away bati, tampo suyo, break at balikan.
Kahit minsan di kami nag cheat sa isat isa sa pagda diet lang.
Yun ang isa sa katangian na gusto ko kay Baste.
Seryoso sa relationship.
Masasabi kong napaka swerte ko kase meron akong siya na mahal na mahal ako.

Siya yung tipo ng lalaki na di mahilig sa alak di mahilig sa yosi at pambababae.
Seryoso din siya as pag aaral niya. Mapagmahal na anak at kapatid.
Siguro nga masasabi kong napaka perpekto niya.
Oo nagkakamali din naman siya pero normal lang iyon sapagkat tao siya.

Madalas kaming mag away dahil sa mga kaabnormalan ko.
May mga time na nakakagawa ako ng bagay na nakakasakit sakanya ng diko alam or sinasadya.

Napaka mature niya mag isip siya madalas nagbibigay ng payo sakin.
Marami na kaming plano sa buhay.
Tulad ng makapag tapos makapag trabaho at bumuo ng pamilya.

Ngunit isang araw, naisipan ko magpunta sa OB kase madalas sumakit ang puson ko.
Dun ko napagtanto na may sakit ako sa uterus ko.

Di na ako pwede magbuntis sapagkat di kakayanin ng aking uterus.

Habang pauwi naisip ko mga pangarap ni Baste.
Kung ilan ang anak na gusto niya, kung anong pangalan ang ibibigay niya sa panganay namin or kung pano niya ako aalagaan habang nag bubuntis.
Ang sakit sakit isipin na di ko kayang ibigay yun sakanya.
Ang sakit isipin na baka iwan niya ako pag nalaman niyang di na ako pwedeng mabuntis.

Ang sakit sakit isipin na masisira ang pangarap niyang pamilya dahil sakin.

Nung gabing din yun chinat ko siya.

"Baste..."

"Bakit babe?" Kumain kana ba? Mag review kana may exam kapa bukas imissyou"

Grabe ang sakit sakit na parang di ko kaya to, pero ayoko siyang saktan kaya kailangan kong gawin to.

"Baste mag break na tayo"

"Hay nako babe gutom ka ba? Libre kita pag nagkita tayo kahit anong gusto mo babe kaya mag aral ka ng mabuti jan"

"Hindi Baste Seryoso ako. Ayoko na. May mahal na akong iba sorry. Meron na akong bago kaya itigil na natin to.Hindi na ako masaya."

"Babe naman.. may nagawa ba akong mali? Babaguhin ko babe alin dun? May pinagseselosan kaba? Di ko papansinin sino ba yun? Babe baka nangpaprank ka nanaman? Di nakakatuwa babe,"

"Tama na Baste. Ayoko na talaga. Paalam."
Idudugtong ko sana "MAHAL NA MAHAL KITA" pero di ko kaya kase baka bawiin ko lahat ng sinabi ko.
Blinock ko siya sa lahat ng social media na meron ako. Twitter, insta , fb at kahit na sa wattpad.
Ilang buwan din niya akong kinukulit at nakikisuyo siya sa mga kaibigan ko para masabi mga gusto niya pero talagang pinanindigan ko na ang desisyon kong iwan siya. Para din naman to sakanya. Sana mapatawad niya ako.

Lumipas ang limang taon. Isang ganap na guro na ako sa Parañaque at manunulat sa wattpad. Siya? Nasisiguro kong isang magaling na engineer na.

Habang pauwi galing sa SM napadaan ako sa Simbahan sa Baclaran.
Daming tao kaya naisipan ko na din pumasok para mag simba.
Pagpasok ko nakita kong may binyagang nagaganap.
Palapit ng palapit lumalakas ang tibok ng puso ko.
Nung malapit na ako napaluha ako.
Nakita ko sa Baste, naka ngiti halatang masayang masaya habang hawak ang batang 3 taong gulang na.
Katabi niya ay isang magandang babae na sobrang saya din habang nag vivideo sakanila.
Ang sakit pala makita siyang masaya.
Masaya sa iba.
Nandun lang ako nakatayo hanggang matapos ang binyag, palabas na ako ng may humawak sa balikat ko.

"Uy Faye!"

"A-aah uy Baste"

"Punta ka sa bahay binyag kase ng anak ko may konting salo salo"

"Aahh .. ehh s-san ba kayo nakatira ngayon?"
"Sama ka nalang samin"

Naka sunod lang ako sa sasakyan nila papunta sa isang subdivision.
Tumigil kami sa bahay na may ikalawang palapag at pinturang puti.

"Baste...." tawag ko sakanya.
"Pwede ba tayong mag usap?"

"Sige saglit lang Faye hatid ko lang mag ina ko"
Habang nag hihintay, tiningnan ko ang harap ng bahay niya, eto.... eto yung bahay na pangarap niya.. para samin dati.
Eto yung bahay na gusto niyang ipatayo para sa magiging pamilya sana namin.
Ang saya isipin na ang dating pangarap niya na bahay ay natupad niya masakit nga lang kase hindi ako ang kasama niya. Napapunas ako ng luha nung makita ko siyang palabas ng gate.

"Uy Faye ano yun?"

"Baste ilang taon na anak mo?"

"3 na yun HAHAHA pero di ko tunay na anak Faye"

Nagulat ako
"Pano.. bakit?"

"Ahh si Angel kase di pwedeng magbuntis kase maselan kaya nag ampon nalang kami"

Tanginaaaaa akala ko wala ng mas masakit pa nung iniwan ko siya pero etoo... eto na yata ang pinaka masakit sa lahat.

" ohh bakit ka umiiyak Faye? Okay ka lang ba?"

"Baste... hindi totoong may iba ako nung iniwan kita.. hindi totoong may mahal akong iba.. lahat ng sinabi ko sayo ng gabing yun ay hindi totoo"

"Faye... bakit mo ginawa yun kung ganun?"
Nakita ko yung sakit sa mga mata niya nung tinanong niya ako.

"Kase di ko maibibigay ang pamilyang gusto mo Baste, di ako pwedeng magbuntis sapagkat may sakit din ako sa uterus."

Napahagulgol na ako pagkatapos nun.

"Pero masaya ako para sayo Baste., at sa magiging pamilya mo.
Kahit kailan di ko pagsisisihan ang mahalin ka. Di man tayo hanggang dulo tatandaan mong mahal na mahal na mahal kita.
Paalam Baste"

Ganun talaga ang buhay nasa huli ang pagsisisi. Kaya wag kayong magsinungaling kase dapat lagi kayong handa sa magiging resulta wag mag assume agad para maiwasan ang pag gawa ng maling desisyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon