Her

12 2 1
                                    

Naglalakad ako sa hallway ng school habang inaayos ang laman ng bag ko ng biglang may bumangga sakin kaya nahulog tuloy yung ibang gamit ko. Ano ba yan nakakainis naman.

Yumuko ako para pulutin ito ng biglang may mga kamay tumulong para mas mapadali. Sana all tumutulong yung kamay kahit walang katawan. Chos!

Tumayo na ako at pinagpagan muna ang skirt na suot ko bago pinasok sa loob ng bag ang mga gamit na nahulog.

"Miss ito pa,"

"Ay, kamay!" Pasigaw na sabi ko. Puta sino ba yun? Nakakagulat naman. "Ano?" Tanong ko habang inaayos ng mabuti yung mga gamit sa backpack ko.

"Yung ibang nahulog na gamit may nandito pa," dugtong niya kaya nilingon ko siya.

"Ay ito pa ba? Akala ko kasi kanina kamay lang yun di ko alam may katawan pala." Sabi ko at di man lang tiningnan yung mukha niya at kinuha agad yung mga gamit ko.

Pagkatapos kong ayosin yun ay aalis na sana ako ng magsalita na naman yung nasa tabi ko. Bat di pa kasi to umaalis?

"Ano na naman?" Tanong ko. At lumingon na sakanya. Ay putcha! Gwapo naman. Pero wala na akong oras sakanya kailangan ko na umalis.

"Di ka man lang mag t-thank you?" Tanong niya. Tumingin ako sa wrist watch ko at ilang minuto nalang malelate nako ng uwi. Mamaya pa naman alis naman excited lang ako.

"Ay oo nga pala. Salamat ha! Sige uwi nako. Bye pogi!" Sabi ko at tumakbo na paalis doon at sumakay na agad sa kotseng sumundo sakin. Iniisip ko pa kung nakita ba niya ang pag talisod ko o hindi. Tsk anubayan kahiya! Di ko pa natignan ng mabuti yung mukha hays ano ba yan Staccey sayang sana minemorize ko yung mukha eh.

Pagdating ko sa bahay ay nakaready na ang mga gamit namin. Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis ng pang alis. Pupunta kasi kaming New york ngayon.

Tutal christmas break naman na kaya kailangan naman magbakasyon. Makakapagrefresh din ako ng mind. Bat kasi hirap maging college student. Katamad tuloy mag aral.

Kinuha ko na ang sling bag na susuotin ko mamaya sa eroplano pag umalis na kami para dito ko nalang lalagay yung phone at liptint na gagamitin ko pag nahaggard na yung mukha ko. Nag lagay na din ako ng wet wipes para sakaling maging oily ako mamaya. Beauty queen si mother rainbow kaya dapat maganda din ako noh. Kahiya yun sa mga fans ni mommy pag ang anak niya ay pangit. Tsk, tsk.

Biglang nag ring yung phone ko bago ko pa malagay sa sling bag kaya sinagot ko na kahit di tinitignan ang caller nag mamadali ako eh.

"Hello?"

(Di ka naman ganyan pag tumatawag ako ah. Di mo tiningnan yung caller's id no? HAHAHA) sabi niya kaya agad akong napatingin sa phone ko.

"Nagmamadali ako, ano ba kailangan mo?" Tanong ko sa ate kong nakakainis.

"Just want to ask if nasa airport na kayo." She anwered.

"Di pa, pababa palang akong hagdan. Nagmamadali ka naman ata." I said at tumawa pa.

"Oh, okay." At agad pinatay ang tawag.

I just rolled my eyes at her kahit di naman niya makikita.

Umupo ako sa sofa at tinignan ang maleta na nandito sa sala ngayon. Tatlong maleta lang naman yun atsaka backpack. Kay mommy at daddy iisa lang ang maleta, tas sa bunso kong kapatid na lalaki na si Asher. Color black na maleta lang ang kanya na medium size. May backpack siya para naman yun pag nasa eroplano na kami nandoon ang mga gamit niya na kailangan niya palagi.

Tapos akin. Barbie yung design ng maleta ko. Charot! Syempre purple lang to na medium size lang wala din naman masyadong laman yan kasi may mga gamit naman ako doon sa US kaya di na kailangan. Di na din ako nagdala ng backpack slingbag lang.

Christmas HolidayWhere stories live. Discover now