Requested Chapter

6 3 0
                                    

"Ate! Tara na ambagal mo kumilos." Inis na sigaw ni Asher sa'kin sa labas ng kwarto ko.

"Sandali! Kanina ka pa ha!" Inis kong sabi sa kanya pag bukas ko ng pinto palabas.

"Ang bagal mo kasi mag ayos eh. Magkakalahating oras na'ko nandito sa labas!" Sigaw niya sa pagmumukha ko. Nasampal ko tuloy.

Nagsorry ako sakanya pero galit daw. Nag piggy back ako sakanya at niyakap siya.

"Sorry na nga ito naman. Yung laway mo kasi eh tumatalsik." Sabi ko at nag pacute pa sakanya habang nakalapit ang mukha.

"Umalis ka nga, huhulugin talaga kita!" Inis na sabi niya at gumalaw galaw pa pero di ako natinag.

"Sorry na nga! Arte mo, ikaw na nga 'tong nilalambing ayaw pa. Tsk." Sabi ko nakayakap pa din.

Nagulat ako ng tumama yung pwet ko sa sahig. Puta! Ang sakit.

"Susumbong kita kay mommy at daddy! Tangina kang hayop ka!" Sigaw ako ng sigaw habang dinadamdam yung sakit ng pwet ko.

Bumelat siya sa'kin at agad tumakbo ng tumayo na ako. Hinabol ko siya kahit masakit talaga pwet ko. "Sasabunotan kita hayop ka!" Sigaw ko sakanya. Ang bilis naman tumakbo.

"Mommy, Daddy si ate oh kanina pa nagmumura." Sabi niya ng makita si mommy at daddy na pumasok sa loob ng bahay.
Nagtago pa sa likuran nila. Napatigil tuloy ako sa pagtakbo at ngumuso sa harap nila.

"Asher, ano na naman ginawa mo?" Tanong ni mommy sakanya na may pagbabanta ang tuno. Napasimangot tuloy si mommy at ako naman napatawa sakanya.

"Yan kasi mommy nag pipiggy back lang naman ako bigla ba naman akong hinulog. Napakasama." Sumbong ko at binelatan siya.

"Pero mommy, nauna siya. Sinam-" napatigil siya kasi nagsalita ako agad.

"Uy late na tayo. Tara na, bye mom and dad." At hinalikan ko sila sa cheeks. Hinila ko kaagad si Ash para di na makapagsumbong ako nag malalagot.

Pagpasok naming kotse inis akong tinignan ni Asher. "Asshole! Sipsip mo talaga kahit kailan. Ikaw ang pinakabwesit na bwesit sa lahat ng bwesit na nakilala at nakita ko sa tanang buhay kong tangina ka!" Sigaw niya sa pagmumukha ko. Natalsik na naman laway niya.

"Okay bwesit." Sabi ko na nang aasar pa ang tuno. Mas naasar tuloy siya at di na'ko pinansin at nag drive nalang paalis ng bahay.

Sinalubong agad ako ng mga kaibigan ko pagdating namin sa school. Naghihintay sila sa labas ng school. Nakangiti ko silang sinalubong at inakbayan ako ni Careen.

"Mall tayo maya, game ka?" Nakatinging sabi ni Seirra sa'kin. Ngumiti ako sakanya at tumango. Agad kaming nag plano kung ano bibilhin.

Bibili na din kami ng mga regalo namin sa parents namin dahil pasko na. Hanggang ngayon di ko pa rin nakakalimutan si Allen.

Pagkatapos ng gabing yun kahit dito sa pilipinas di ko siya nakita. Di ko na din alam kung okay lang ba siya kasi nag transfer ng school si Astrid. Yung kapatid niya.

Di ko alam kung bakit pero yun yung sabi ng mga classmates niya. Nawalan tuloy ako ng pag asa na makita siya ulit. Sabi pa naman niya ay "see you next christmas holiday". Wala naman na ata pag asa eh.

Pag tapos ng christmas party namin dito sa school ay agad kaming tumungong mall at dun na kami nag meryend at nagpalipas pagtapos namin gumala.

Bumili lang ako ng bagong coat kasi aalis ulit kami bukas. Papuntang US dun ulit naman icecelebrate ang Christmas Holiday at syempre new year na din. Last year hindi kami nag new year dun kasi may ginawa si daddy dito kaya umuwi agad kami.

Christmas HolidayWhere stories live. Discover now