Tulala lang akong nakatingin sa madilim na kalangitan. Nakahiga sa likod ng pick up na sasakyan ko at nakaunan sa sarili kong kamay, iyak. hikbi. singhot. saka punas sa mga luha kong ayaw tumigil sa paglabas.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sabay kuha ng beer sa gilid at nagsisisigaw sa kawalan.
"AHHHHH"
"BAKIT BA KASI DUMATING KA PA SA BUHAY KONG TANG INA KA! HA? BAKIT?! bakittt?~" sigaw ko sa kalangitan sabay hikbi.
"Bakit ba kasi minahal kita ng sobra? Ang bobo mo talagang puso..." sabi ko sa sarili ko sabay hampas ng dibdib ko kung nasan ang puso ko.
"Dalawa. Dalawang taon kitang minahal, dalawang taon na ikaw lang... ni hindi ko nga namalayan na dalawa pala kami sa buhay mo dahil sa pagpapakatanga ko sayo~" sabi
"Tatlong beses mo kong iniwan, sinaktan at pinaasa... hindi ko man lang namalayan na nawala na pala ang tatlong mahahalagang bagay sakin. NAWALA KO NA! nawala ko naa~ dahil pinili kita. Nawala ko na ang sarili ko, pangarap ko, at higit sa lahat sina Syd at Sev~" sabi ko habang umiiyak.
"...nawala ko ang mga kaibigan ko." pagpapatuloy ko.
"Akala ko ikaw ang apoy sa buhay ko na magsisilbing liwanag sa madilim kong pananaw sa buhay, yon pala para sayo ako yung kahoy na pang gatong, ginamit mo na sinunog mo pa at ginawa mo pang abo." matigas kong sabi.
"FUCK YOU TO THE MOON AND BACK!!" malakas kong sigaw saka tungga ng isang boteng beer.
Bumaba ako sa sasakyan saka mariing tinitigan ang Mt. Mayon. Kahit pagod sa kakaiyak at halos wala na ko sa sarili I still tried to drive myself here. Sa lugar kung saan binigay ko ang puso ko sa lalaking paglalaruan lang pala ako ng ilang ulit. Ang bulkan nato na syang nakasaksi kung paano ako nagpakatanga sa pag ibig ng isang walang kwentang lalaki.
"Tama nga sya, ' you're such a beautiful disaster' at yon lang ang alam kong tama na sinabi nya sakin. Pagkatapos kong ilabas lahat ng galit ko at ayusin ang sarili ko at ibalik ang mga nawala sakin, I'll promise, I'm also gonna be like you someday-- I'll be a beautiful disaster too and be stronger than before." sabi ko habang nakatingin parin sa bulkan.
"I will become what I believe. Makakalimutan din kita. Maayos ko rin ang sarili ko. Maibabalik ko rin lahat ng nawala sakin and I believe in that. " sabi ko sabay punas ng luha ko.
Huling araw ko na to para sayangin pa ang luha ko para sa kanya. Panahon na para maging matatag ako.
Sumakay nako sa Ford Ranger Raptor ko sabay kuha ng phone ko na parang kanina pa nagvivibrate.
34 missed calls, 26 messages galing kina Syd at Sev. While reading their texts my phone vibrated again so I answered it immediately. It was Sev.
"Nix, hey. Where are you now? Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Sev.
"Oy Nix, magsalita ka naman. Are you okay? Tell us where you are we're going to pick you up." sabi ni Syd na parang maiiyak na.
Kahit nasaktan ko sila ng sobra nong pinili ko si Kenneth kaysa sa kanila, heto parin sila para pagaanin ang pakiramdam ko. Sorry talaga.
"I'm sorry. Sorry talaga..." I said then hanged up the call and started crying. Sorry talaga. Sana mapatawad pa nila ako.
Ilang beses pa nila akong tinawagan pero di ko na sinagot at nagdrive na lang pauwi sa family house namin sa Taguig. Di na muna siguro ako uuwi sa condo namin nila Syd at Sev, ayoko kong ipakita sa kanila kung paano ako naging bobo at tanga sa pag-ibig na mas pinili ko pa yong lalaking pangmadalian lang pala kaysa sa kaibigang panghabam-buhay.
YOU ARE READING
TRIPTYCH SERIES 1: FIRE HEART
Romance"Before, I was lost in the middle of nowhere. I didn't believe in love, and I didn't do serious relationships, just hook-ups. Why? Because, I thought that it was the only thing that you men need in a relationship. And I was so stupid because I just...