Nangyari to way back 2015.
Nasa probinsiya kami nito tapos yung bahay namin malapit sa dagat as in sa likod bahay namin dagat na agad. Eh di kami ng kapatid ko doon kami lagi natutulog kapag gabi na kasi malamig nga.Isang gabi nun naalimpungatan ako nun babalik na sana ko sa pag tulog nun kaso nakarinig bigla ako ng babaeng humihingi ng tulong. Alam ko na agad na multo siya kasi yung boses niya iba talagang malamig na nagsusumamo na boses na may pag iyak pa. Ginawa ko nag talukbong ako ng kumot tapos kinukurot ko kapatid ko para magising kaso ayaw talaga magising. Tapos kahit tinatakpan ko na tenga ko naririnig ko pa rin yung boses ng babae. Kinuwento ko sa mga tito ko yun pag gising namin kina umagahan pero ayaw maniwala mga oldies talaga di na masyadong nagpapaniwala sa mga ganun depende kung sila nakaranas. Ayun na nga...
Pangalawang araw dun na kami natulog ng kapatid ko sa loob ng bahay. Kasi nga natakot na ko eh. Naalimpungatan ulit ako madaling araw na nun narinig ko na naman yung boses ng babae. Nag iisip pa ko nun kung magtatanong ba ko kung anong tulong kailangan niya? Kaso naisip ko di naman ako ganun katapang eh. Kaya takip nalang ako ng tenga ko at naka tulog na ulit.
Eto na yung pinaka worst pangatlong araw simula nung narinig ko yung babaeng humihingi ng tulong. Kwento na lang sakin to ng kapatid ko kasi di ko naman alam ginagawa ko nito.Nakita daw ako ng mga pinsan ko na naglalakad patungo dun sa likod bahay namin. Nagtataka daw sila kasi yung tingin ko diretsong tingin lang talaga sa daan. Walang kurap kurap. Ang weird ko daw nung time na yun pero dinedma nalang nila. Meryenda time na nung hinanap daw nila ko ng kapatid ko. Nakita nila ko sa papag sa may likod bahay naka higa. Tawa tawa pa sila nun kasi ang weird ko daw yung higa ko diretsong diretso tas yung dalawang kamay ko naka patong sa ibabaw ng tiyan ko. Parang nasa kabaong daw ganun. Ginigising daw nila ko pero di ako nagigising. Hanggang sa dumilat daw ako pero yung mata ko puti lang. Natakot na sila kaya binuhat nila ko tapos ang tigas daw ng katawan ko kaya nahirapan silang buhatin ako. Nung nasa loob na ko ng bahay yung mata ko ganun pa rin. Tapos kinakagat na ng kapatid ko yung daliri ko sa paa pero di daw ako nasasaktan. Nagsasalita na rin daw ako ng "tulong tulong" pero iba boses ko. Umiiyak na daw kapatid ko sa takot tapos dinala ko ng tito ko sa albularyo nun. Sabi ng albularyo yung humihingi daw ng tulong sakin ay isang nurse na ni rape at doon daw tinapon ang katawan sa may bakanteng lote malapit saamin at sa dagat. Pinag suot ako ng rosary nun na may bendisyon wag na wag ko daw aalisin sa leeg ko kasi lapitin daw ako ng mga espirito. At pinag sindi kami ng kulay green na kandila sa may likod bahay namin. Sana nga mapayapa na ang kaluluwa mo Eunice. kung sino ka man.