3

8.9K 124 2
                                    

Lumabas na ako ng kotse at hinintay na makaalis ito bago pumasok ng apartment.

-o0o-

3

Dumiretso ako sa kwarto ni mama at binuksan ng dahan-dahan ang pinto nito at napansin kung tulog pa rin ito.

Nilapag ko ang siopao na dala ko at sa side table at nagtungo muna ako ng kwarto.

Nilapag ko ang bag ko at tinanggal ang damit saka dinampot ang twalya para itapis sa katawan para makaligo.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko para di magising si mama sa kabila at tinungo ko na ang banyo.

Kailangan kung maligo dahil sa nanlalagkit ang parteng ibaba ko na parang may nagdikit-dikit na buhok sa bandang mga pinong balahibo sa pagitan ng bayag at hita.

Nasa ilalim na ako ng shower stall at ninanamnam ang katamtamang lamig ng tubig habang sinasabon ang katawan.

Sumagi sa isip ko si Bryan tungkol sa pupuntahan namin sa Tagaytay.

Alam kung mapera sya at kaya nya akong tustusan pero di yon sapat para samanalahin ko ang lahat ng pagkakataon.

Alam ko malubha na si mama at napansin ko ang malaking pagbabago sa katawan nito.

Pumayat sya ng bahagya at nagbago ang kulay ng balat nito na parang nangingitim.

Tanda ko pa noong una siyang nadala sa ospital ay umabot sa kwarenta mil ang gastos namin sa dalawang araw.

Nabaon kami sa utang ng dahil doon at hanggang ngayon ay pautay-utay ko pa rin binabayaran.

Pinatay ko na ang shower at di ko na namalayan ang oras dahil sa pag-iisip.

Dinampot ko na ang twalya at nagpunas na ng katawan at tinungo ko na ang direksyon patungo sa kwarto ko.

Nagbihis na ako ng pambahay at pimuntahan na ang ina.

Nadatnan ko na ito na nakamulat ang mata at nakatingin sa kisame.

"oh,andito kana pala anak" wika nito.

"opo ma, kumain kana at dala po na ang pasalubong sa'yo" wika ko.

Dinampot ko ang plastic na may lamang siopao at di na mainit.

Sabay kami kumain at nagkwentuhan.

"kumusta lakad mo anak?" wika nito

"okey naman ma, saka ayon sa susunod kasama ko punta ng tagaytay"wika ko.

"at saka pala ma, may magbabantay sa'yo pag umalis ako kasama sya, nurse yon at dapat sumunod ka ma sa sasabihin nya po ah!" dagdag ko

" ilang araw ba anak kang mawawala?" wika niya.

"mga dalawang araw lang ma" wika ko.

"ah, ganun ba? basta mag-ingat ka doon ha" wika nito

"oo naman ma, para sayo... dapat kaw nga ikaw ang magpagaling dyan ma at para naman maigala kita sa beach" wika ko.

"oo anak, pag gumaling ako, magbebeach tayo" wika nito.

Sa totoo lang ang bigat ng pakiramdam ko na parang pinipiga ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman.

Alam ko pilit ko pa rin pinapaniwala ang sarili ko sa di kailaman mangyayari.

Base sa napagtanungan kong mga may alam sa ganitong sakit ay dapat maoperahan or else pwedeng ikamatay at walang gumagaling sa ganitong karamdaman hanggang di natatanggal ang obaryo na sa katawan. Nagdudulot ito ng lason na kakalat sa buong katawan ng may sakit nito.

Renz,  Ang Masahista (Completed) BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon