Gerald,
"Bakit ka naniniawala kay God?"
Yan yung tanong mo sakin noong isang gabi. Di kita nasagot ng ayos non kasi di ko rin alam ang sasabihin. So now, I'm giving you not so clearer but better answer.
Para sakin, sa ngayon, ang paniniwala kay Lord ay isang sugal na sure win. Sa sugal, kailangan munang tumaya bago makasali—bago manalo.
Sa faith ko kay Lord, I first believed in Him before I see the reason to believe so it will be so hard for a non-believer to understand while it was very easy to explain. Kumbaga itinaya ko muna yung paniniwala ko. Nagtrust muna ako. Nagsurrender muna ako ng lahat kay Lord. Sa larong poker, all in ang taya ko kaya labis labis ang bumabalik sakin. Siksik, liglig, at umaapaw pa, sabi nga ni Tito Bet. Naovercome ko yung insecurity ko. Nacocontrol ko na ang temper ko. Nababawasan na rin isipin ko. Naging confident ako. Ganon. I'm not saying na hindi ako nagkakaproblema. Being a believer doesn't give you a ticket to be problem-free. Pag believer, mas maraming problema. Kasi dun natetest yung faith kung hanggang saan ang paniniwala kay Lord.
Tapos may ishishare rin ako sayo. This is something too personal but I think you have to know this because this is one of the biggest factors why I believe in the Lord. Ikaw, meron kang Sophia. Sanggang dikit. Partner in crime. You share secrets together while growing up. Ako? Lumaki akong insecure. Laging pinagcocompare ng mga tao kaming magkakapatid kesyo mas maganda si ganto, mas matalino si ganyan, kseyo ako lang mapimples, mataba, etc. So as an insecure kid, nagging distant ako. Hindi lang sa ibang tao kundi sa mga kapatid ko. So pag may problema ako, kanino sa tingin mo ako tatakbo? Sa mga kaibigan, who, back then, I wasn't really comfortable? No.
Alam mo kung kanino?
Kay Lord. Kay Lord lang. Kay Lord ko lang sinasabi lahat. Kay Lord ako sumandal. Hindi nya ako pinabayaan noong sa Kanya ako tumakbo dahil wala akong matakbuhan.
Ngayong college ako, nagkaroon na ako ng maraming tunay na kaibigan. Nagkaroon na ako ng maraming sandalan. Nabawasan ang time k okay Lord at nagging distant ako sa Kanya. Kaya nga naging wakeup call tong pandemic na to para sakin para magbalik-loob sa Kanya.
Nakakaamaze dahil hindi naman ako ganto before ECQ. Siguro kasi review lang naman ang isipin ko ngayon kaya marami akong time kay Lord. Before covid na yan, marami akong org duties, thesis, aralin, etc. punung puno ang sched ko na minsan kahit Sunday di ko maibigay kay Lord. Pero ngayon, mas marami na akong time para magbasa ng bible, ng devotion, manood ng sermons or preach sa yt. Ganon. Siguro ganon talaga. May mga tinanggal sakin si Lord para magka-space para sa Kanya. Minsan ipinaparanas sakin ni Lord maging empty para sya ang magpuno sakin.
So yun nga. You may see me post random devotions or bible verses online because I believe na meron someone out there na wala ring masandalan kagaya ko noon. And I want to make a change. I want him/her to know that there's God. There's God na even when no one is there for him/her, there is Someone up there. Hindi ko sya pipilitin maniwala kay God kung sino man sya. S/He must take his/her time. Naghihintay lang si Lord always. Nandyan lang Sya lagi. Never Syang magbabago. He is the same yesterday, today and forever!
Hindi ko alam kung naexplain ko ng maayos yung faith ko. Hindi rin ako magaling sa essay tsaka magconstruct ng maayos na paragraph nagnagkakasundo ang content. Hindi naman kasi talaga ako magaling mag-explain. HAHA pero as I type this, naluluha ako ng beri beri light. Di ko alam kung bakit. Siguro sa sobrang blessed. HAHAHAHA pero thank you for the question. I hope I can answer it better in action. As the cliché goes, 'Action speaks louder than words.'.
GOD IS GOOD! ALL THE TIME!
BINABASA MO ANG
The Reason
Spiritual"Bakit ka naniniwala kay Lord?" Dear Gerald, here's THE REASON.