Chapter 3

932 69 9
                                    

Chapter 3


"Here's your new pin." Iniabot ng assistant principal ang bagong enamel pin kay Hadria.


A - IV


'Yan ang naka-engrave sa kulay pilak na bagong enamel pin ni Hadria. Hindi na rin siya nagulat sa biglaang pagtaas ng kaniyang ranggo dahil kung bibilangin ang lahat ng A-Class students na pinatumba niya sa loob ng isang linggo, talagang makukuha niya rin ito.


'Kahit papaano, hindi na rin siguro ako guguluhin ng mga gunggong kapag nakita nila ang bagay na 'to sa uniform ko, 'no? Maliban na lang kung naghahanap sila ng sakit sa katawan.'


Tinanggal niya ang lumang enamel pin na nakalagay sa uniform at ibinalik ito sa assistant principal. Naka-engrave lang letter 'N' doon at walang number na nakalagay dahil wala namang ranking ang mga N-Class students. Inilagay naman niya ang bago sa uniform.


"Fill out that form before you leave," ani ng assistant principal habang may inaayos na mga papeles sa isang drawer.


Tumango lang si Hadria at kumuha ng ballpen para sagutan ang form. Kanina pa siya hindi komportable sa atmosphere dahil sa assistant principal na pagkakaalam niya ay Arisu ang pangalan. 


Unang pagkikita pa lang nila kanina, nalaman niya agad na cyborg ang lalaki. Hindi naman niya first time makakita ng cyborg kaya hindi na siya nagulat. Ang kaso lang, para siyang nakikipag-usap sa pader dahil sobrang tipid nitong magsalita.


"I'm done," she muttered after finishing writing.


Tumayo agad siya para sana umalis na ng office pero napatigil siya nang biglang magsalita ang lalaki, "Congratulations on your promotion, Ms. Montersen."


Wearing an awkward smile, she replied, "Yeah, whatever..."


Tumango lang sa kaniya si Arisu at bumalik sa ginagawa nito. Napakamot ng wala sa oras si Hadria sa ulo at tahimik na lumabas ng AP Office. 


Maagang natapos ang klase niya ngayon kaya nagkaroon siya ng oras para kunin ang enamel pin. Actually, kahapon pa ito naka-ready para sa kaniya pero ngayon niya lang kinuha.


"Nagawa na namin yung gusto niyo, bakit 'di niyo pa rin kami tinitigilan?"


Napahinto si Hadria sa paglalakad dahil maliit na boses na iyon. Tumingin siya sa paligid niya pero walang namang tao dahil nagkaklase pa ang ibang estudyante. Nakalabas na siya ng La Viel Building kung saan matatagpuan ang AP Office. Nasa mapunong parte na siya ng campus.


"Mga hunghang! Sa tingin niyo ba sapat na 'to? Kailangan niyong makuha lahat ng answey keys sa lahat ng subjects!"


Napansin niya ang isang backpack na nakalagay sa gilid ng isang matabang puno. Pinuntahan niya ito para kunin sana pero may nahagip ang mata niya. Nakita niya ang dalawang lalaki na mukhang mga first year pa na nakayuko sa harap ng tatlong lalaking na mukhang kaedad niya lang.

Hinton Academy: The Battle SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon