Maraming salamat sa mga ala-ala, hinding-hindi ko iyon makakalimutan.Hindi ko alam kung tama ba tong naging desisyon ko, kasi magpahanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Ako naman yung nanghingi ng space eh, pero yung gusto ko lang naman ay lambingin mo at ipaglaban. Pero ito tayo, nauwi sa hiwalayan.
Halos gabi-gabi 'kong iniiyakan yung mga masasayang tagpo na tayo ang bida.
Pagod na akong masaktan, pagod na akong madurog ngunit bakit ayaw pang bumitaw. Sinubukan ko naman na maging masaya pero may kunting kirot pa.
Nasasaktan parin ako. Sana natuturuan ang puso, para naman maging masaya na ako ng tuluyan at matanggap kong wala na akong puwang sa iyo..
Sana may delete button nang sa ganun idedelete ko lahat ng pagmamahal ko sa'yo at magmamahal ako ng bago, sana ganun nalang kadali. Sana may magimbento.
Siguro ganun talaga yung pagmamahal. Masaya na malungkot. Masaya kasi naranasan mong magmahal at mahalin pero malungkot kasi kailangan mong pakawalan yung mahal mo kasi napagod na sya sa iyo at mas pagod kana sa kanya.
Naway, maging masaya kana ngayon. Lagi ko naman sinasabi sa'yo na mahal kita pero dahil sa pagmamahal ko sa'yo nasasaktan ako. Nadudurog ako.
Namimiss na kita.
Alam mo ba? Ngayon nalang ulit ako umiyak sayo. Hindi ko alam kung bakit. Wala kasi akong mapagsabihan.
Namimiss ko yung pagkademanding mo sa oras ko, yung kahit sa pagbabanyo. Yung tinatanong mo kung kumusta ang araw ko at ako rin sa'yo. Yung pagka-isip bata mo at mapilit na hindi ko kayang tikisin. Hay, hangang ala-ala nalang lahat ng iyon.
Minsan natanong ko sa sarili ko. Ano kaya tayo ngayon kung nilaban natin noh? Pero wala eh marupok ako. Mahal kasi kita kaya noong sinabi mo na ayaw mo na, nilulun ko nalang yung mga salitang gusto ko sana sabihin sayo.
Ibabalik ko sana yung mga pangako mo sakin nung sinagot kita, pero alam mo ba? Sa dami nun isa lang yung iniyakan ko. Isa lang yung nagpadurog sa puso ko. Yung pangako mo na ako lang, na tayo lang. Yun talaga yun eh. Doon ako pinaka nasaktan.
Siguro nga totoo yung promises are made to be broken. Pero mas pinaniwalaan kasi kita. Sumugal ako kasi akala ko kakayanin ko ang sakit pagdating ng oras. Mali pala ako.
Pero siguro nga pagod ka na din sakin. Napagod kana kakahintay sa sinasabi kong tamang panahon. Nakakapagod naman talaga yun. Nakakapagod din lalo pag alam mo sa sariling mong di kana sigurado sa'tin.
Kakayanin ko ito.
Mamahalin ko muna sarili ko.Nagmamahal,
Hindi naumaasa