Una

12 3 0
                                    

Mico's POV

Umagang-umaga inis na inis ako sa sarili ko. Male-late na ako sa  presentation ko sa first period at talagang si Ms. Dimaculangan pa ang teacher, pagkahabang sermon na naman ang maririnig ko dun. Napasarap na naman kasi ako sa panonood ng mga series e.

Dali-dali kong hinablot ang bag ko at susi ng kotse ko. Ni-lock ko na ang condo ko at nagmamadaling sumakay sa elevator. Sa pagrereview ko sa mga slides ng presentation ko, hindi ko namalayan na may nakisabay pala sa akin. Nagulat ako at hinampas ako sa ulo, sobrang sama na nga ng umaga ko tapos hahampasin pa ako.

"Uy, ano ba? Hindi mo ba--" si Dylan pala yung humampas sa akin.

"Ano? Late ka na naman sa first period mo, akala ko ba may presentation ka dun? Ayan kasi lagi kitang pinaaalalahanan na kapag may presentation ka maaga kang matulog para fresh 'yang utak mo sa mga kailangan mong sabihin. Hindi iyang ngayon mo pa lang aaralin 'yang report mo" sermon nya sa akin. Agang-aga talaga iyon ang sinumbat sa akin.

" Napasarap akong panonood ng series kagabi, hindi ko namalayan na inabot na ako ng madaling araw" depensa ko sa kanya.

" Sus, nanood daw ng series. Baka ika'y may kausap na babae. Basta kapag kailangan mo ng tulong na manligaw o kaya mang-harana kahit hindi na uso, tutulungan kita" sambit nya pa sa akin.

" Sige aasahan ko yan ha, kapag ako'y hindi mo tinulungan ako na mismo bubugbog sayo" sabay pakita ng mga kamao ko

"Iyan na yon? Yung ipambubugbog mo sa akin?" Sabay pakita ng kanya braso na mas malaki sa akin. Oo nga pala nagwo-work out nga pala ito. E ako? Kapag walang ginagawa tamang nood lang ng mga series o kaya nagluluto. Nakababa na kami ng elevator. Nauna syang maglakad sa akin at saka humarap sa akin.

" Tyaka Mico, sa liit mo na yan? Hindi mo ako kaya." Sabay ginulo ang buhok ko. Langya, ang gulo na nga ng buhok ko sa pagmamadali kanina tas dinagdagan nya pa. Pero okay lang, medyo kumalma naman ako para sa presentation mamaya.
-----------------------------------------------------------

"Thank you Mr. Caldwell for your informative and creative presentation." Puri sa akin ni Ms. Dimaculangan. Buti na lang talaga nauna ako sa kanya ng isang minuto bago sya makarating sa classroom. Buti na lang din at tinulungan ako ng mga kaibigan ko na mag-set up at talagang kabado ako kanina bago mag-presentation.

"Buti na lang talaga ang umabot ka, kung hindi baka ibagsak ka na ni Ms. Paano ba naman? Nakakailang late ka na sa kanya bro." Wika ni Dion sa akin.

"Oo nga, tyaka kung hindi ka namin tinulungan mag-set up, yare ka na talaga, kaya may bayad yung ginawa namin sayo. Wala ng libre ngayon tol ha." Singit naman ni Ashton sa usapan namin ni Dion. Si Dion at Ashton ay mga kabarkada namin ni Dylan noong  high school. Kaming tatlo ay Business Management students. Si Dylan naman at isa pa naming kaibigan na si Grey na kakambal ni Ashton ay Civil Engineering students. Kaya mauuna kaming makatapos sa kanila dahil limang taon course nila.

" Lahat na lang yata ng tulong may bayad sa inyo aba." Apela ko sa kanila. Inakbayan naman ako ni Ashton at nagmamakaawang ilibre ko sila mamaya. Ewan ko ba kung anong meron sa tyan nito at palaging gutom. Minsan nagka-cutting talaga 'to makakain lang sa canteen.

"Sige na tol, kahit lunch lang sa canteen"

"First period pa lang tapos lunch na agad iyang nasa isip mo, mag-aral ka muna bago kumain tol ha" ewan ko ba bakit sobrang takaw ng kaibigan ko na 'to. Iniwan ko na silang dalawa at naupo na sa aking upuan dahil magsisimula na ang 2nd period.

"Napakapanget ng ugali mo tol" pahabol na sambit pa sa akin ni Ashton.
-----------------------------------------------------------

Lunch time na sa wakas at gutom na din ako, hindi pala ako kumain ng breakfast kanina sa pagmamadali tapos sinabayan pa ng presentation at surprise quiz kanina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon