The Last

2.8K 41 18
                                    

Pinipigilan niya ang kaniyang emosyon habang nakatayo sa pinto ng room #17. Hinahanda ang sarili sa makikita pagpasok sa kuwarto. Nagkasabay pa sila ng doktor sa pagbukas ng pinto na palabas na ng silid. Napaiyak ito ng 'di sadya nang makita ang dinadalaw na nakaratay sa kama.

"hi bie!" bulong nito sa boyfriend niyang payapang nakapikit.

Kamakailan lamang ay sinumpong ng sakit sa puso ang boyfriend niya, habang inahatid siya pauwi galing sa isang date - yon pa ang araw kung saan mismong nagpropose ito ng kasal sa kanya. Naisugod kaagad sa hospital ang boyfriend, pero malala na ang lagay nito. Pinarangka siya ng doktor, hindi na ito magtatagal pa.

Kinuha niya ang nakatuping papel sa kanyang bulsa. Kahapon ay bumisita ito sa bahay ng boyfriend. Hinalungkat niya ang kuwarto nito, kung saan lumuha ng husto ang kanyang mga mata. Puno nila ng ala-ala ang silid na yon, yun kasi ang lugar ng kanilang pagmamahalan. Sa pag-alala ng kanilang masasayang ala-ala sa photo album nilang dalawa, ay nakita niya ang sulat na nakaipit sa isang pahina. Napansin niya ang petsa sa itaas na bahagi ng papel, dalawang araw bago mangyari ang insidente. Sa ikalawang pagkakataon, binuklat niya 'to at binasa ulit ang nilalaman ng sulat sa harap ng nakaratay na kasintahan. Bigla itong humagulgol sa iyak. Napakapit pa ito sa kaniyang bibig habang nakatingin sa boyfriend niyang payapang nakapikit.

"Dear Bie,

Gusto kitang mayakap sa huling pagkakataon. Gusto ko hawakan mo ang kamay ko ng mahigpit. Hirap ako sa bawat paghinga. Kinakapos ako. Alam kong konti nalang ang oras ko. Natatakot ako bie. Pero alam ko may plano ang Diyos, at ako na ang nasa listahan niya sa pagkakataong ito. Nalulungkot ako bie. Nasasaktan ako. Hindi sa dinaramdam ng katawan ko. Kung hindi sa tuwing naaalala ko ang aking huling araw ay maiiwan kitang nagiisa. Ayaw kong habang umaakyat ako, ay nakikita kitang umiiyak. Mas masakit iyon kaysa sa kamatayan. Minsan nakakakita ako ng liwanag bie, ang sarap sa pakiramdam kapag tumatama ito sa akin. Tapos lahat ng nasa paligid ko ay puro puti. Nabibigyan ako ng pag-asa. Kaso alam ko, nakakontrata na ang pangalan ko sa Diyos. Hiling ko na bago niya pirmahan, mabigyan man lang sana kita ng huling halik. Pwede bang mag-stay ka sa tabi ko hanggang sa mawala na ako? Hahawakan ko ang kamay mo at sasabihing maghihintay ako sayo. Yayakapin kita hanggang sa huling hininga ko."

Hindi niya mapigilan ang kanyang pag-iyak. Niyakap niya ang kaniyang boyfriend sa huling pagkakataon, at muling bumulong "mahal na mahal kita bie. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Hinding-hindi kita malilimutan."

Tumayo ito mula sa pagkakayakap sa kanyang boyfriend. Dahil sa tindi ng lungkot, at unti-unting pagdurog sa kaniya ng nararamdaman niya, lumayo ito sa boyfriend. Labis siyang nalulungkot nang lumabas ng kuwarto. Nagkasabay pa sila sa pag bukas ng pinto ng doktor na kasalukuyang papasok, habang siya naman ay papalabas. Bigla naman ang siyang pagmulat ng mata ng kanyang boyfriend. Inikot ang tingin at tumingin sa babaeng kadadarating lang.

"M-Ms....Si Cath?" hirap niyang tanong.

Binigyan siya ng matulin na check up.. "How do you feel iho? You don't have to worry. Tagumpay ang maselan na operasyon mo. Buti na lang may nagdonate ng puso sa critical situation na iyon."

"s-si Cath? Narinig ko ang boses niya."

"wala pa akong napansin na dumadalaw sa iyo na ibang tao iho, maliban sa father mo kaninang umaga."

Pagkalipas ng ilang araw, maayos na maayos na ang pakiramdam ng lalaki. Pero, hindi parin siya dinadalaw ng girlfriend niya. Hanggang sa malaman nalang niya na ang donor ng puso na nasakanya ngayon ay ang puso ng girlfriend niya.

---May mga bagay na sa isang desisyon, lahat magkakatalo. Dalawa lang naman ang pagpipilian, yes or no (walang maybe). Depende na lang sa napili mong desisyon ang magiging ending.

--END--

The LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon