Reason

81 5 2
                                    

Chapter 12

Zyrine's POV

After 1 hour umiiyak padin ako. Di ko nalang pinansin yung kamukha ni Rai. Ang sakit talaga, Nakakastress sa bangs. 

Di ko na alam kung gano ako katagal umiiyak, ang sakit na nga ng mga mata ko eh. After kong ilabas lahat ng sakit sa puso ko, nag decide na ako umuwi.

"Oh Khey, nandyan ka na pala. Ano bang ginawa mo sa mall at ang tagal mo?"-sabi ni Mosses ng super smile.

Nakakainis ka kung makasmile ka pa dyan. Di mu man lang napansin ung mga mata ko. 

"Wala ka na don, tabi nga diyan at antok na ako"-sagot ko. naiinis talaga ako. Nagseselos maybe. naiiyak nanaman ako so umakyat na ako sa room ko.

"Khey,........"-may sinasabi pa si Mosses pero di ko na napansin.

Mosses' POV

Ano kaya nangyari kay Khey, parang kanina lang okay kami tapos ngayon ang sungit na at namamaga pa ung mata. Tapos nung tatanong ko kung bakit ganun ung mata niya di naman niya ako pinansin.

Sayang may sasabihin pa naman ako sa kanya tungkol kay Nicole (Pinsan ni Mosses). DI bale may next time pa naman.

*Next Day

Maaga akong gumising kahit wala kaming class ngayun may lakad kasi ako ay kami pala ni Khey. Pupunta kami sa b-day ni Nicole, actually siya ung kausap ko kahapon sa Phone nung hinihintay ko si Khey sa labas ng room.

Kumatok ako sa room ni Khey para gisingin siya siguro naman di na siya BV diba?

TOK TOK

Wala paring sumasagot, so nag decide ako na pumasok nalang tutal di naman naka lock ung pinto at asawa ko naman siya.

Tulog na tulog padin siya at mukhang pagod na pagod siya kasi namamaga ung mga mata niya. Dahandahan kong hinaplos ung mga mata niya.

"Khey anong bang nangyari sayo? si Rai nanaman ba?"-kinakausap ko siya habang tulog siya.

"Bakit lagi mo siyang iniiyakan? Khey maawa ka naman sa sarili mo tama na?"

Patuloy ko padin nihahaplos si Khey nang may parang sumanib sakin at bigla ko siyang kinintalan ng halik sa kanyang mga labi.

Sa ginawa kong pagnanakaw ng halik naramdaman ko na parang bata akong may ginawang masama sa kalaro.

"hmn hmn"-umungol si Khey at mabilis naman ako nag ayos ng upo, para di ako mahuli. Secret lang natin un ah.

Zyrine's POV

Nananaginip ako at sa panaginip ko naglalakad daw ako sa isang gardeng maganda  na puno ng bulaklak. Tapos sa panaginip ko nadun din si Mosses at magkaholding hands daw kami. Tapos may sinasabi daw siya pero ung mata niya parang malunkot then linapit niya ung mukha niya after niyang magsalita. Unti unti niyang linapit ung mukha niya sakin kasabay ng pagpikit ng mga mata ko then naglapit ang mga labi namin. It was a majical kiss. At pag mulat ko nanaginip lang pala ako.

"hmn hmn"-ungol ko at nag blink blink ng mata

Nagulat ako ng parang nakikita ko si Mosses the playboy sa harap ko kaya  kinusot ko ung mata ko para makasigurado kung nandito ba talaga siya.

Nangmaka sigurado na ako na nasa harap ko siya tsaka ko siya kinausap ng naka poker face syempre di ko pa kaya nakalimutan ung ginawa niya. duh.

"Anong ginagawa mo dito? Anong kailangan mo?-.-"

"Ito naman ka-aga aga ang sungit mo"

"Ano ba kasi kailangan mo?"

"Magbihis ka at pupunta tayo sa b-day ni Nicole"- si Nicole ay pinsan ni Mosses na 7 years old pero parang matanda na kumilos. Actualy close kami nun kasi ang cute niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's My PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon