May isang dalagitang nag ngangalang Angela at nag iisang anak lang siya pero ang kasama niya na lang ay ang kaniyang Nanay. Nakatira sila sa maliit na barong barong at doon tumutuloy.
Mahirap lang sila at nag titinda lamang sila sa tabi ng palengke, ang mga bracelet na mismo sila ang gumagawa ng sa ganon ay makakain sila sa pang araw araw at iba pang kailangan nila.
"Nay! tara na at sabado ngayon maraming tao panigurado at sa tingin ko ay marami tayong mabebenta."
"Oo nak, Inaayos ko lamang itong dadalahin natin."
Matapos ay tumungo na nga sila sa palengke upang mag umpisa ng mag benta.
"Ale bili na ho kayo ng bracelet!"
"Kuya oh bili na kayo 10 pesos lang maganda pa pwede niyong ibigay sa girlfiend mo."
Sa hindi inaasahan bumili na ang lalaki at mukang nagandahan siya sa anyo nito ireregalo niya nga sa kasintahan niya.
"Maraming salamat kuya!"
Sa di katagalan ay marami na silang nabenta ng kanyang Nanay. At may isang dalagang lumapit sa pwesto nila upang mag tingin ng bracelet.
Napatitig si Angela sa babae at di mapagkakailang nakaramdam siya ng awa sa sarili niya dahil kung titignan pa lamang ang dalaga ay halatang mayaman at sa pananamit ay napaka gara ng suot mukang prinsesa ang dalaga.
"Ah Miss, magkano sa isang 'to?"
tinuro ng babae ang isang bracelet na puti at sa loob nito ay may mga glitters na siyang nag papakinang rito.
"ah ayan po ba lahat po yan ay 10 pesos ang presyo." ani ni Angela
"Ang mura naman kung ganon muka pa naman siyang mamahalin." sambit ng dalaga.
Maya maya rin ay binili na ng dalaga ang nagustuhan niyang bracelet. Maya maya pa ay may humintong kotse sa tapat ng pwesto nila yun ay hinahanap na pala siya ng kanyang Ama.
"Princess nandito ko lang pala tara na at hinihintay na tayo ng Mommy mo."
sambit ng Ama ng dalaga. Sa pangalan pa lang bagay na bagay na 'Princess' para talaga siyang isang prinsesa.
"Wait lang Daddy babayaran ko lang 'tong binili ko."
Naglabas ng 500 ang babae at sinabing sa kanila na ang sukli tutal napakaganda naman raw ng napili niya.
Pauwi na sana ang mag Nanay ng biglang may humintong matanda babae sa tapat nila.
"Iha may natira pa ba na inyong tinitinda?"
"Sakto Ale may natira pang isa."
"Sige Iha kukunin ko na 'yan."
"Huwag na 'ho sa inyo na po yan." sambit ni Angela sa matanda.
"Ang bait mo namang bata ka, sige para mabayaran ko ang nakuha ko kung ayos lang sayo Iha ito na lang ang kapalit."
Ilinabas ng matanda ang isang maliit na libro na kung titignan ay may kalumaan na.
"huwag na ho ayos lang."
"Sige na Iha tanggapin mo na."
Tinanggap ni Angela ang binibigay na kapalit ng matanda.
"Salamat po, mag-ingat po kayo sa pag uwi niyo."
-----
Nang makauwi sila sa bahay nila ay masaya ang kanyang nanay.
Naubos ang paninda nilang bracelet kaya naman tuwang tuwa ang Nanay ni Angela samantalang si Angela ay hindi."Mukang malungkot ka 'nak dat masaya ka naubos ang paninda natin."
"Na aawa lang ako sa sarili ko, ng makita ko kasi yung babae kanina nakaramdam ako ng inggit nay, muka siyang prinsesa. Gusto ko rin maranasan maging katulad niya at makasuot ng magagandang damit."
"Angela anak 'wag mong kaawaan sarili mo at lalo na 'wag kang maiinggit, para sakin isa kang prinsesa, ang ganda ganda mo anak."
---
Natulog na sila ng nanay niya pero maya maya ay naalala ni Angela ang ibinigay sa kanya ng matanda kaya tumayo uli siya sa pag kakahiga niya. Kinuha niya iyon sa bag na dala niya kanina. Nung una ay binuklat ni Angela ang maliit na libro pero wala namang naka sulat. Iniwan muna saglit ni Angela sa lamesa ang libro upang uminom ng tubig.Maya maya pa ay may biglang lumiwanag dahil kataka taka dahil ang nag sisilbing ilaw lang nila ay ang gasera at naphinto si Angela sa pag inom at napansing galing yun sa lamesang pinag iwanan niya ng libro. Binalikan niya ito upang tignan pero wala na ang liwanag.
Napansin niyang nag bago ang itsura nito at tila nay naka ukit na sa cover nito. Inilawan ni Angela ng makita kung ano bang naka ukit doon. Saka ay binasa ito.
"lu--ci--d dr--eam?"
takang tanong niya sa kanyang sarili ng binasa niya ito. Binuklat niya ito at kagulat gulat ng may sulat na ito.
Binasa niya ito at ang nakasulat rito ay:Ang librong ito ay gabay para matupad mo ang ang yung kahilingan maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng panaginip mo na ikaw mismo ang gagawa kung ano ang nasa imahinasyon mo. Tinatawag itong lucid dream kung minsan ay yung iba dito nakikita ang kasiyahan nila. Nakasulat rin dito kung paano magagawa ito.
-humiga ka at tuwid ang katawan mo
-ipikit ang mga mata mo hayaang irelax mo ang sarili mo
-mag isip ka ng mga nasa imahinasyon mo na pwede mong gawin
-mag concentrate ka at makakamit mo na ang pag lulucid dream.Inilipat pa niya ang ibang pahina hanggang sa may nabasa siyang paalala na kung saan ay naka sulat rito na hindi pwedeng abusuhin ang kakayahang magawa ito at hindi pwedeng gumawa ng masama dahil pwedeng hindi ka na makabalik sa reyalidad.
"Subukan ko kaya 'to? wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko."
napagdesisyunan ni Angela na subukan ang pag lulucid dream, ginawa niya ito at di sa kalaunan nag tagumpay siya sa pag lulucid dream.

YOU ARE READING
GIRL DREAMER (ONE SHOT)
Fantasy'wag mong hayaang manaig ang inggit matuto sa kung anong meron ka 'wag pansamantalahan ang kakayanan mo para tapakan ang iba. Date of Publication: June 11, 2020 Date Ended: June 12, 2020 COMPLETED