"At ano naman ang iniisip mo? Saan ka na naman pupunta, Cherry! Sumagot ka!" Singhal ni Ynigo sa kaniyang asawang si Cherry. Ilang linggo pa lang matapos ang kasal nila ay heto na naman ang babae at nag-iimpake ng kaniyang mga damit.
"Wala kang pakialam, Ynigo, I can do whatever I want!" Singhal pabalik ni Cherry.
"What?! Nakalimutan mo yatang ikinasal ka sa akin, at ako ang asawa mo!" sambit ni Ynigo sa babae.
"Huh? Asawa? C'mon, ano ba, bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako! Ano ba!"
"Dito ka lang! Hindi ka aalis!"
"Ayoko! Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo! Hindi ko gusto dito! Alam mo 'yan! You don't own me, Ynigo!" galit na galit na singhal ni Cherry.
Napahawak sa pintuan si Ynigo sa oras na iyon habang hinaharangan si Cherry na makalabas.
"Get out of my way, Ynigo!" sigaw ni Cherry.
"Once you exit my house, Cherry, tandaan mo, hindi ka na pwedeng bumalik dito." Ani ni Ynigo.
"Well, if 'yan ang gusto mo..." walang nagawa si Ynigo nang tuluyang lumabas si Cherry sa pintuan patungo sa nakaabang na taxi sa labas ng gate.
Alam ni Ynigo na hindi siya mahal ni Cherry, napilitan lang itong pakasalan siya dahil sa kagustuhan ng papa nito. It was an arranged marriage. Magkumpadre ang kanilang mga papa, at bilang panganay ng pamilyang Robertson, pumayag siya na ipakasal kay Cherry. Kakilala niya ito noong college sila, pero mailap ang babae at alam niyang kahit ano pa ang gawin niya, hinding-hindi siya nito kayang mahalin.
Napabuntong-hininga si Ynigo saka napasandal sa pader sa oras na iyon. Hindi siya sanay na makaramdam ng rejection, dahil sa tanang buhay niya, nakukuha niya ang lahat ng gugustuhin...bagay man 'yan, negosyo, ari-arian at iba pa. Si Cherry lang ang hindi niya mapaamo at makontrol, dahil sa bagay na iyon, kinamumuhian niya ito. Habang tumatagal ay mas nagkakaroon siya ng hinala na may ibang lalaki ito, at alam niyang kahit ano pa ang mangyari, hindi siya mamahalin nito, and that's the reason why he's furious.
Sa kabilang banda naman...
Madaling lumabas si Marika sa convenience store habang dala ang supot ng pagkaing binili. Tanaw niyang malapit nang bumuhos ang ulan kaya nagmadali siya. Nang patawid na siya sa kalsada ay hindi niya napansin ang humaharurot na taxi.
"Ahhh! Ano ba!" sigaw niya habang gigil na pinaghahampas ang bumper ng taxi.
Mabuti na lang at nakapagpreno ito, kundi baka nadisgrasya talaga siya.
Ilang sandali pa ay lumabas ang babaeng humigi ng paumanhin sa kaniya.
"Miss, I am so sorry..." narinig niyang sabi rito pero mas nagulat siya nang makita ang mukha nito.
Suot nito ang mamahaling damit na kulay pula, maganda ito at bumagay ang blonde nitong buhok. May suot itong mga abobot sa katawan at isama pa ang mataas na heels na nagpapatangkad dito ng husto.
"Oh my God, who are you?" tanong nito sa kaniya.
Para siyang namamalikmata, kamukhang-kamukha niya ang babae.
"Ikaw? Sino ka?! Alam mo bang kamuntikan mo na akong mapatay oh! Ang lakas magmaneho ng taxi na sinasakyan mo!" giit ni Marika.
"Uh, I'm sorry. By the way, I am Cherry, Cherry Robertson, how about you?" pakilala ni Cherry sa kaniya.
"Marika... Marika Collins."
"I am happy to meet you, teka magbabayad muna ako sa taxi." Saad ni Cherry saka kinuha ang dalang maleta. Bumaba ito sa kalsadang iyon habang gulat na gulat pa rin si Marika.
"Teka, bakit bumaba ka? Saan ka ba papunta?" tanong ni Marika sa babae.
"Actually, naglayas ako sa amin, pwede bang makituloy sa inyo... mukhang mabait ka namang tao eh." Ngiti ng babae sa kaniya.
"Hala, naku, eh ano kasi... maliit lang ang bahay naming tapos, marami kami doon..." protesta pa ni Marika.
"Please?"
"Teka lang, h-hindi kita kilala e, tapos sa akin ka makikituloy?"
"Please help me, actually may mga taong gustong kunin ako, tumakas lang ako kaya ako nandito," sabi naman ni Cherry na uma-arte lang. In-fairness! Parang totoo ang sinasabi nito dahil napaniwala niya si Marika that time.
"Oh sige na nga! Pero, ngayon lang ha, kasi baka madamay pa ako sa problema mo e," paliwanag pa ni Marika.
"Yes, I promise." Sabi pa ni Cherry na halatang tuwang-tuwa. Cherry knew that Ynigo will send someone to catch her, at kung uuwi siya sa mansion ng papa niya, tiyak na wala ring magagawa ang papa niya kay Ynigo. Mas mabuting makituloy na lang siya sa babaeng ito.Nang makarating sa bahay ni Marika ay agad na sumalubong ang kaniyang nanay Tessie, nakasaklay ito habang naghahanda ng pagkain sa mesa.
"Oh nakauwi ka na rin, anak." Bati ng ginang kay Marika.
"Ah nay, may kasama po ako, si Cherry." Pakilala pa ni Marika kay Cherry.
Nagulat ang ginang nang makita ang dalaga na magkahawig kay Marika.
"Hello po, maam. I am Cherry Robertson po, pwede po bang dito muna ako sa inyo?"
"Teka, ba't magkapareho kayo ng mukha?" taking tanong ng ginang.
"Ah eh, ano po kasi, magkahawig lang po kami, actually kaibigan ko po si Marika." Arisgadang sabi ni Cherry na halatang gustong makipag-close sa mama ni Marika. Magaling itong makihalubilo at may pagkachismosa rin kaya madali nitong nahuli ang kiliti ng mama ni Marika. Naniwala naman ang mama ni Marika sa mga kwento ni Cherry. Nailing nalang si Marika that time dahil hindi niya alam kung saang lupalop ng mundo galing si Cherry tapos heto't pinapasok niya sa kanilang tahanan.
Magkatabi natulog sina Cherry at Marika sa gabing iyon. Tahimik lang si Marika habang nakikiramdam sa babaeng bago pa lang niya nakilala. Hanggang sa tumagilid ito at humarap sa kaniya saka nagsalita.
"Marika, pwede ba kitang alokin ng isang pabor?"
"Pabor?"
"Oo, may ibibigay ako sa'yo na trabaho, alam kong kailangan n'yo ng maintenance ng mama mo, kailangan n'yo ng pera 'di ba?" sabi pa ni Cherry. Nakwento kasi kanina ng mama ni Marika na sila nalang dalawa ang nagtutulungan sa pagbebenta sa bangketa, wala na ang papa ni Marika, namatay na raw ito sa ibang bansa bilang OFW. Ang nakatatandang kapatid naman umano ni Marika ay nasa Qatar at nagtatrabaho bilang OFW.
"Anong trabaho naman 'yan? Baka illegal ha..." medyo natatakot na saad ni Marika.
"No, it's not illegal."
"Ano ba kasing trabaho 'yan? Magkano naman ang sweldo?" tanong ni Marika kay Cherry.
"Gusto kong magpanggap ka bilang ako, gusto kong ikaw muna ang pumalit sa akin pansamantala...Malaki ang sahod, okey na ba sa'yo ang sixty thousand per month?"
Nalula si Marika sa narinig. "Sixty thousand per month?"
"Oo, this is just temporary, babalik din ako, may aayusin lang kasi ako at kailangan kong makaalis sa Pilipinas for meanwhile," sabi pa ni Cherry saka ngumiti.
"Baka, mahalata na nagpapanggap lang ako, baka mapatay ako ng pamilya mo..." medyo atrasado na saad ni Marika.
"No, wala kang gagawin kundi maglagi lang sa bahay naming, magpaganda, maging amo sa mga katulong naming at sumunod sa mga kailangang gawin..."
"Pag-iisipan ko muna, Cherry ha."
"Sige, I will wait for your answer tomorrow, sana makapag-decide ka na bago ako umalis." Ani ni Cherry.
"Oo, bukas. Sa ngayon muna... matulog muna tayo."
"Good night, Marika."
"Good night, Cherry."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Hired Wife
RomancePaano kung makikilala mo ang kakambal mo nang 'di sinasadya? Paano kung alokin ka nito na maging siya kapalit ang malaking pera. Meet Marika Collins, 24 years old, at ang inaasahang bread-winner ng kaniyang kinilalang pamilya. She has no way to refu...