Kinabukasan.
Nagising si Marika dahil sa mahihinang ungol mula sa kwarto ng nanay Tessie niya. Madali siyang nagpunta at doon nakita na natumba pala ito sa sahig.
"Nay! Anong nangyari, ba't natumba kayo?"
"Aray, ang sakit ng balakang ko, anak."
Madali namang tinulungan ni Marika ang nanay Tessie niya na namimilipit sa sakit.
"Hindi ko kasi namalayan eh, bumangga ang saklay ko sa kama, natumba tuloy ako..." paliwanag pa ni Aling Tessie habang hinahaplos ang balakang niya.
"Masakit pa po? Dadalhin na po kita sa Center, nay."
"Naku, huwag na... wala tayong pambili ng gamot, hihilotin ko nalang mamaya ng langis, magiging okey rin ako, anak."
"Pero 'nay."
"H'wag ka nang mag-alala, kaya ko pang tumayo."
"Magpahinga ka nalang po muna, nay. Simula po ngayon, ako na po ang magtatrabaho at dito na lang po kayo sa bahay." Paliwanag pa ni Marika.
"Trabaho? Saan ka naman magtatrabaho, anak? Hindi ka nakapagtapos ng High School, hindi ka matatanggap sa mga Mall." Nag-aalalang sambit ng ginang.
"Inalok po ako ni Cherry ng trabaho, kaya h'wag po kayong mag-alala."
"Gan'on ba? Saan ka naman magtatrabaho?"
"Sa bahay po nila, taga-linis." Pagsisinungaling pa niya.
"Gan'on ba, oh sige, kalian ka raw magsisimula?" nasisiyahang tanong ni Aling Tessie.
"Sa lalong madaling panahon po 'nay."
"Sige, anak. Pagbutihan mo ha, kaya mo 'yan." Ngiti ng ginang kay Marika.
"Salamat po, nay."
Sa sandaling iyon ay nakapagdesisyon na si Marika, kinausap niya si Cherry sa kaniyang desisyon. That time bago umalis si Cherry ay pinag-shopping pa niya si Marika. Binilhan niya ito ng magagandang damit, nagpa-salon din sila at kinopya ang buhok ni Cherry. May mga binilin din si Cherry kay Marika sa mga dapat na gagawin.
Hanggang sumapit na ang takdang araw na ihatid niya si Marika sa bahay ng Robertson at umuwi bilang si Cherry Robertson.
"Good luck, Marika." Ani ni Cherry na hindi na bumaba ng taxi, nakasuot ito ng itim na balabal sa ulo at isang itim na shades para hindi makita ang mukha niya. Lumabas ng taxi si Marika suot ang magandang damit at ang maleta ni Cherry. Tanaw niya ang malaking mansion na iyon, dahan-dahan siyang naglakad papasok at doo'y sinalubong ng mga maids.
"Naku, good morning po senyorita Cherry, ako na po ang magdadala ng mga gamit mo po, maligayang pagdating po, maam." Bati ng ginang na tantya niya'y edad singkwenta. Kung hindi siya nagkakamali, iyon si Manang Bebang.Hindi siya sumagot, bagkus ay nagpatuloy sa paglalakad. Iyon kasi ang itinuro sa kaniya ni Cherry.
'Never say anything to the maids, be silent all the times, doon sila sanay... sa pagiging ako.'
Nang makarating sa salas ay nagulat siya nang makita ang lalaking nakatayo. Nakasuot lang ito ng boxers habang walang suot na pang-itaas. Pawis ito at may suot na benda sa magkabilang kamay. Tila nag-eensayo ito ng kung ano.
"So, you're here. Tama ako, hindi ka makakatiis at babalik ka rin sa akin." Saad ng lalaking mala-Adonis ang kakisigan.
Nawala siya sa postura habang nakanganga, mabilis siyang umayos saka nagsalita.
"It's my house, of course." Pag-iingles pa niya.
Mahinang natawa ang lalaki saka dahan-dahang lumapit sa kaniya. Ginapangan siya ng kaba that time dahil nakikita niya ang mapanuyang mukha ng lalaki. Parang may galit ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Hired Wife
RomancePaano kung makikilala mo ang kakambal mo nang 'di sinasadya? Paano kung alokin ka nito na maging siya kapalit ang malaking pera. Meet Marika Collins, 24 years old, at ang inaasahang bread-winner ng kaniyang kinilalang pamilya. She has no way to refu...