(Sol)
Malakas ang patak ng ulan na sinasabayan pa ng malakas na hangin. Walang katao-tao ang mga lansangan. Patay sindi din ang mga streetlights. Binilisan ko ang lakad para makauwi. Nanginginig na ako sa lamig habang tinatahak ang daan pauwi.
"Sana tulog na sila."
Pagkarating ko sa harap ng gate ay nakakandado na ito. Patay na din ang lahat ng ilaw sa bahay. Marahil ay tulog na sila dahil masyadong malalim na ang gabi. Ingat na ingat akong tumungtong sa bakal naming gate. Dahan dahan akong umakyat dahil masyadong madulas na. Di naman ako nakakaramdam ng takot na baka madulas or maano ako dahil halos gabi gabi ko na itong ginagawa. Nakalikha ng ingay ang pagbagsak ng aking mga paa sa basang semento. Nakuha ko naman ang atensyon ng aming aso na nakasilong sa teresa.
"Grrr.... Arrrf Arrrf."
"Tangina Porsche shhhhh. Porshe! Shhhh quiet doggie."
"Arf! Arf! Arf!"
Tanginang aso. Nakita kong bumukas ang ilaw sa sala. Bumukas ang pintuan at lumabas doon si Miguel na may hawak pang umuusok na kape.
"Anong ginagawa mo jan sa labas Solene? At anong oras na ha? Ano? Trip mong maligo sa ulan sa dis oras ng gabi?"
Inirapan ko lamang ito. Walang kwentang makipag usap sa mga taong walang sense kausap.
"May pake ka na pala sa mga trip ko. Bakit Miguel gusto mo ding sumabay?"
Namumula na ang kaniyang tenga sa inis. Tss.
"And last time I checked, wala ka namang pake sakin diba? Pangalawang asawa ka lang ng nanay ko. Di ako sakop ng pamamahala mo. I can do whatever I want in my life and you can't do anything about that."
Nanginginig na ang kaniyang mga kamay, di ko alam kung dahil ba sa galit o sa lamig. Nakatayo parin ako sa labas at nag papaulan habang siya nakaharang parin sa pintuan hawak ang tasang umuusok.
"Wala kang modong de puta ka. Wag kang magtapang tapangan dito ha. Ako nagpapakain sayo nasa pamamahay kita."
"Let me remind you Miguel, ikaw ang sampid dito sa bahay na to. Bahay to pinatayo ng tatay ko. At ano? Ikaw nagpapakain sakin? Nagpapatawa ka ba? Nanay ko nagpapakain sakin. Di pa nga sapat yang pera mo sa bisyo mo at sa luho ng anak mong hilaw. At wag na wag mo akong masumbat sumbatan baka nakakalimutan mo, baka nakakalimutan mo ng hilaw mong anak na sampid lang kyo dito sa bahay."
Mabilis ang lakad niya papunta sa gawi ko, visible in his eyes, his wrath. Nakakuyom ang kaniyang mga kamay.
"Wag na wag kang magsalita ng ganyan sa harap ko. Walang hiya! Ganyan ka pala pinalaki ng tatay mo walang respeto-"
"Gago ka pala eh. Ganyan ka din ba pinalaki ng mga magulang mo? Marunong maghanap ng respeto pero di alam kung paano magbigay ng respeto. At wag na wag mong itutulad ang tatay ko sayo. Dahil kung pagtatabihin kayo, parang kuto kalang."
Humakbang na ako papasok sa bahay. Bago pa man ako makahakbang sa hagdan ay may humawak na ng kaliwang kamay ko sanhi ng pagtigil ko sa paglalakad.
"Wala kang kwentang anak. Wala ka na ngang dulot di ka pa marunong rumespeto."
Pinapaiinit niya talaga ang ulo ko. Binaklas ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at hinarap siya.
"Sorry ha, di ka kasi marunong rumespeto kaya di ka rin nirerespeto."
Nagdadabog kong tinungo ang aking kwarto. Wala akong pake kahit magising pa ang hilaw niyang anak o ang magaling kong nanay. Eh di magising sila. Wala akong pake. Pabalang kong isinara ang pinto sinigurado ko talagang makaka likha ito ng ingay. Inihagis ko ang basa kong bag sa sahig at dumeretso na sa banyo.
Fully clothed I opened the shower. Hinayaan kong damaloy ang malamig na tubig sa buo kong katawan. Nag iinit ang sulok ng aking mga mata sa inis at galit. Galit ako sa mundo, galit ako sa mga tao, galit ako kay Miguel, kay Nika at Jerry pati na kay mama. I cried silently, hot tears streamed down my face. I cried all my heart under the cold shower.
Habang pinapatuyo ang buhok ko ay tinawagan ko muna si Siri. Naka ilang ring pa ito bago niya sinagot.
Maingay sa background malamang nasa family party pa nila ito.
"Kamusta jaan?" Tanong ko habang patuloy parin ako sa pagpapatuyo ng buhok ko.
Isang buntong hininga ang aking narinig bago siya nagsalita.
"Eto, naging star or the night na naman. Laman naman ng usapan. Sana di nalang ako sumama kay daddy."
Agad kong binaba ang blower at dinampot ang aking cellphone. Binuksan ko ang bintana at tinanaw ang patak ng ulan.
"Ayaw mo nun star ka ng buhay nila." Naka rinig ako ng mahinang tawa sakabilang linya.
"Kaya nga. Atleast diba may pake pa sila sa akin. Naka uwi kana? Sabi ni Jared nagabihan daw kayo kakatapos ng report."
Pinaglaruan ko ang ilang mga ballpen malapit na naka lagay sa aking study table.
"Di pa nga namin natapos. Kaso naulan sabi nila Kaye bukas nalang daw ulit. Dalawang oras din akong nag abang pero wala so nilakad ko nalang. Kakauwi ko ngalang eh." Natawa naman ako habang naalala kung gaano pala ako ka kawawa kanina.
"Sige na, magpahinga kana kita nalang tayo bukas." Tumango nalang ako sa hangin at binaba ang tawag.
Nahiga ako sa aking higaan at tinanaw ang kisame. Tanging tunog lamang ng mahihinang patak ng ulan ang maririnig. Tanging ilaw lamang sa poste sa labas ang nagbibigay ng liwanag.
Dinadama ang maikling katahimikan at unti unti ng dinadalaw ng antok. Ramadam ko ang pag bigat ng talukap ng aking mga mata. Ipinikit ko ito at tuluyan ng linamon ng antok.
Baka bukas okay na.
__
Photo from pinterest!
YOU ARE READING
Sol, Sirius, Rigel and Luna
Teen FictionHow can I see their hardships if I can't see anything. (Luna) How can I help them if I can't help myself? (Rigel) How can I make them feel alive, if I am dead inside. (Sirius) How can I fight for them if I can't even throw a punch. (Sol) (June 2020)