CHAPTER 58

830 35 8
                                    

Chapter 58

Nandito na kami ngayon sa airport dito sa korea, saglit lang kami dito dahil nagmamadali si mama sa business nya sa pilipinas kaya mamayang gabi ay aalis din kami dito, nagsimulang magkwento si mama sa kung ano anong bagay na nangyari saamin dito, dito daw nya ako ipinanganak hindi alam ni daddy na buntis si mama nung mga araw na magkasintahan daw sila, dahil sa mommy ni daddy ay naghiwalay sila mama mahaba ang storya ng kanilang buhay pero ngayon ay napatawad ko na si daddy at masaya na kami ngayon bilang isang buong pamilya.

Pumunta kami sa dati naming tirahan doon, medyo luma na din iyon pero may nag aalaga dito, hindi iyon binenta ni mama dahil pagnag bakasyon daw kami dito ay ito ang tutuluyan namin, naging magaan saakin lahat ng sinasabi ni mama kahit di ko maalala ay pilit kong iniintidi kung ano ako dati.

Gusto kong maalala ang masasayang bagay na nangyari saakin at kalimutan ang masasamang alaala...

Dumating ang gabi at natapos kami lumibot sa lugar kung saan ako lagi pumupunta at mga bagay na gusto ko dito, ayaw ko pa sana umalis pero kinakaylangan para sa business ni mama, sa buong apat na taon ay pabalik balik sa pilipinas si mama, ganon din si daddy na sumasama, ayaw nilang sabihin saakin dahil sa sitwasyon ko pero ngayon ay handa na ko... sa kung ano mang alaala na naiwan ko doon...

Pagkalapag ng eroplano na sinakyan namin ay nagtungo muna kami sa isang hotel dito sa maynila upang makapagpahinga, malayo layo din kasi ang aming bahay mula dito iyon ang sabi ni mama, bukas nalang kami pupunta doon siguro susulitin ko nalang dito at makapasyal ng kaunti.

"Anak? san ka pupunta?" pumasok si mama saaking kwarto, tiningnan nya ang buong ayos ko at halata dito ang pagtataka.

"May nakita po kasi akong bar dyan sa malapit, pupunta lang po ako saglit," nawala ang pagtataka kundi napalitan ito ng pag aalalang tingin saakin.

"Anak, di mo pa alam-"

"Ma saglit lang po ako at tsaka po gusto ko lang po lumibot dito, wag po kayong mag alala," mukha namang nakumbinsi si mama kaya matapos magpaalam kay daddy ay tumulak na ko patungo doon.

Suot ang bistida na palagi kong isinusuot tuwing nasa bar isang itim at may kasexyhan na style labas ang aking dalawang braso tanging ang tube lang ang tumatakip saaking dibdib, hanggang tuhod ang haba nito at kita medyo ang aking likod, tumingin ako sa katamtamang make up na tama lang saaking mukha, nasanay na ko na ganto ang palaging suot at make up tuwing nasa bar.

Rinig ko ang isang malakas na tunog na nanggagaling sa labas nito, maraming tao dahil ata na sabado na dito, umupo ako sa counter at umorder ng maiinom, may ibang napapatingin saakin, may ilan na kumikindat at nang aaya ngunit tumangi ako, wala ako sa mood para don dahil gusto ko lang lumibot dito.

"Hi miss, are you alone?" tinig ng lumapit na lalaki saaking gilid, mukha sya isang banyaga at halata kung ano ang gusto, sa nagdaang taon ay nalaman ko ang iba't ibang tipo ng lalaki base sa itsura at salita ay masasabi mo kung matino nga ba ito o hindi.

"Oh, i with someone maybe next time," kinindatan ko ito at ngisi naman syang tumingin saakin, pagkatalikod ay inirapan ko ito, wala ako sa mood makipaglaro ngayon.

Nangangalahati na ang inorder ko at marami pa ding nagtangkang lumapit saakin at tinanggihan ko ito ng paulit ulit, nilibot ko lang ang aking mata at nilibang ang sarili.

Cheska:

Girl? I miss you!

Isang text na nagpangiti saakin, sya ang naging bestfriend ko, magkaklase din kami.

Ako:

I miss you too! How are you? flirting with someone again?

Cheska:

How did you know it?

Mas lalo akong napangiti sa kanyang mensahe, marami akong naging kaibigan at natuto kami ni cheska sa mga ganitong bagay dahil sa kanila, matino mang estudyante kung tingnan sa school ay ibang iba naman kami lalo na pagnasa bar.

Hindi kona nareplayan ang huling text nya ng biglang umingay ang parte ng isang vip table sa taas, napatingin ako doon at mayroong higit sampung katao na nagsasayahan don.

"Elsa?" napawi ang tingin ko ng may pumukaw saaking pansin, hindi lang sa pangalan na itinawag nya saakin kundi isa ito sa aming kaibigan sa states, elsa ang code name kong pang nasa bar ako lalo na pang nakikihalubilo sa mga tao, especially with boys.

"Francis? what are you doing here?" nagtataka kong tanong, nang umalis ako doon ay nakiparty pa sya saamin ngayon nandito sya?

"Oh, good to see you here!" niyakap at hinalikan nya ko saaking pisngi.

"Im here for my friends, they graduated and they invite me for the party, wanna join?" ngiti nyang ani, agad naman akong umiling nakakahiya at tsaka graduation party nung kaibigan nya.

"Oh, come on! join us," umiling ulit ako, matagal ko ng kaibigan si francis minsan nya na kong niligawan ngunit tumanggi ako dahil gusto ko lang sya maging kaibigan, masaya at magaan syang kasama kaya komportable ako sa kanya.

"Please elsa baby," hinapit nya ang baywang ko at pinakita ang nagmamakaawang pagmumukha, na ko matatanggihan ko ba tong playboy na to!

"Alright, saglit lang ah!" tumango sya at iginaya nya na ako papuntang taas, habang naglalalakad ay maraming mata ang nakatingin saamin hindi ko iyon pinansin at nakipagbulungan nalang kay francis ang lakas kasi ng tugtog sa baba, alam nya ang pagkatao ko at hindi din francis ang tunay nyang pangalan, just for playing you know.

Napansin ko na papunta kami sa tiningnan ko vip room kanina, so nandito pala sya kanina, pansin ko ang masayang pandiriwang ng mga tao sa loob.

Pumasok kami sa loob, patuloy na nagbibiro ng pabulong si francis kaya tawa ako ng tawa, nakahawak pa rin sya sa aking baywang, nang tuluyan na kaming pumasok ay napatingin at natahimik ang lahat ng tao doon.

Pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit parang nakakita sila ng multo?

"Su-sunny?"

Haters become LoversWhere stories live. Discover now