Black Session

6 0 0
                                    


I can see green grasses all around the field. Trees and flowers around. It's a nice view. Calming. The cold wind is giving me chills and at the same time relaxing. Ang sarap mamuhay sa ganitong lugar. Kaya nga lang wala naman ako sa bukid or saang lugar. Nasa school field lang naman ako. Hays.

I looked at my wrist watch and noticed na time na pala. Naku mahirap na ang late noh. Nakarating ako sa classroom na maingay ang paligid. Nakakasira ng ear drums. I saw Fely na kausap naman si Brie. Lumapit agad ako sa kanilang dalawa.
"Hey girls" agad silang napangiti. "Saan ka ba galing Leigh? Kanina ka pa namin hindi nakikita sa room eh," saad ni Fely. "Diyan lang sa may field" sagot ko naman. "Naku alam mo ba, hinahanap ka ni sir Nilo kanina. May iuutos ata sayo siz" sabi naman ni Brie. Hays ano kaya ang iuutos niya?

"Nga pala wala bang klase? Magulo mga tao sa classroom eh kala mo nakawala sa hawla" nagtawanan naman ang dalawa sa aking sinabi. "Hay naku it's Friday today girl! And it's already 4:07 oh" sabay tingin sa relo. Napakunot-noo ako sa sinabi ni Brie. " alam ko naman na Friday today and anong alas kuwatro na? Ala una pa lang ah. Diba may klase tayo?" Sila naman ngayon ang napakunot ang noo. "Sira ata yang relo mo eh. Alas kuwatro na. At tsaka wala ka nga sa klase ng tatlong oras nasa field ka lang pala." sagot naman ni Fely. Napatingin ako sa relo ko at totoo nga na alas kuwatro na. At wala ako ng tatlong oras? Bakit ganoon? Kanina noong nasa field naman ako ay ala una ang nakita ko. Anong nangyayari? "Anong meronba? Pinaglololoko niyo lang ata ako eh" Naguguluhan na talaga ako bakit hindi na lang ako diretsuhin ng dalawang to kainis. "Hindi kami nagbibiro. Vacant talaga natin every Friday 4 o'clock ng hapon bakit hindi mo alam? Ikaw pa nga ang nagsulat ng sched sa white board remember?" Saad ni Fely na sinang ayunan naman ni Brie. Whaaat? "First time mo mag skip ng classes ah astig hahaha" natawa pa ang loka.

"There's something wrong here" I said. "Bahala ka" naka ngiting sabi ni Brie at nag-apir pa ang dalawa. Nagkibit balikat na lamang ako. Di bale na. Pero something really is weird and wrong here. Ano yun biglang nag advance ang oras? Bahala na nga.

"Sige punta muna ako doon" tinuro ko ang hagdanan na papuntang hall way at doon naupo ngunit sumunod din naman ang dalawa. Nakatingin ako sa mga nagtatawanan at naglalaro kong kaklase, ang saya-saya nila. Dahil ba walang klase ngayong oras na ito? Ang iba naman ay nag sisiuwian na dahil wala ng klase

Mula sa kinauupuan namin nina Fely ay natanaw ko si sir Nilo, ang aming class adviser, may dala-dalang laptop at ibang mga gamit. Pumasok siya sa Faculty room na malapit lang sa classroom namin. Naroon din ang ibang mga teachers. Vacant time din nila siguro. "Sama ka ba mamaya?" Nawala ako sa aking iniisip nang magtanong si Brie. "Saan? May lakad ba?" Tanong ko naman. Sakto at friday naman ngayon. "Yeah diyan lang sa may plaza fishball tayo tapos kwentuhan saglit." I agreed to them. Namiss ko na din mag fish ball. Napadaan sa harap namin ang dalawang teachers na nag uusap at hindi ko sinasadyang marinig ang kanilang pinag-uusapan. "Mamaya na yun diba? Kailangan makauwi tayo ng maaga" sinang- ayunan naman iyon ng kasama niyang guro. Ano naman kaya yun?

Nagkekwentuhan kaming tatlo nang tinawag ako ni sir Nilo. Nilingon ko siya sa aking likod. "Leigh, ikaw ang in charge mamaya sa black session ha?"  Nakangiting sabi ng aming adviser. Black session? "Sir ano po iyon?" Nagtataka kong tanong. Napatawa naman si sir ng kaunti. "Every first friday ng March, may black session na nagaganap." Sagot naman nila ngunit nagtataka pa din ako at alam kong nagets nila na hindi ko maintindihan "basta alam mo iyong pintong iyon? Doon sa may dulo?" Tinuro ni sir ang pintuan sa may dulong room. "Yes po sir. Bakit po iyon?"

"Yun ang black room. Kailangan mong isara yan kapag sumapit na ang alas- singko ng hapon. Wala naman na kayong klase diba?" Napakunot ang noo ko sa sinabi nila. Bakit kailangan ako pa ang magsara? Nakakapagtaka naman. Pero sumang-ayon na rin ako. Isasara lang pala. "Sige po ako na po mag sasara." Umaliwalas ang mukha ng aming adviser sa akig sinabi. At siya ay nag paalam na pupunta muna ng office para sa mga documents. Bunalik naman ako sa puwesto ko kanina.

Black Session(One-Shot)Where stories live. Discover now