Classroom

840 20 5
                                    

----

Okay this is based in real life. It is my own story with my friends. So here it goes...

It all happened last year (2011). After ng exam namin bumaba kame sa lobby tapos nilapag naming yung mga gamit naming sa sahig. Tinatamad pa kme umuwi kaya nagkayayaan muna kame na tumamabay muna sa school at mag-gala. 5 kame nun magkakasama. Sila Mia, Lyka, Elianah, Eunice at ako.

Habang nakaupo sa sahig ng lobby

"Tara gala muna tayo ! Maaga naman uwian eh ! Tinatamad pa ako umuwe ." Sabe ni lyka

"cge ! Tara !" Sabe namin. Iniwan nila ung bag nila pero dinala ko ung saken. Ewan ko ba pero mas gusto kong may dala dala ako kesa sa wala akong dala.

Tapos nun, naglakad kame papuntang oval. Dahil mainit, napagisipan kong pumunta nalang sa room kase alam ko malamig pa dun dahil bukas pa ang aircon ng mga ganoong oras.

"Tara punta muna tayo sa room !" sabe ko at Itinigil nila ang paglalakad

"Eh ? Anong gagawin naten dun ?" Sabe ni Lyka

"Ano ka ba ! May aircon pa nang gantong oras ! Ang init kase eh, palamig muna tayo" 'Yaya ko

"Sige sige ! Gusto ko rin magpalamig" Sabe ni mia at pumayag narin sila.

Ang classroom namin ay nasa second floor. Ang malas nga eh ! Yung room namen nasa may dulo. Madilim kase dapat dalawa ang ilaw na gumagana sa corridor pero sira ung isa kaya medyo madilim at sobrang malamok dahil doon. Kung titignan mo ang room namen, itsura palang nakakatakot na. Sobra. Madilim na nga, may mga kwento pa na mga experiences ng ibang estudyante. Syempre sa ganoong lagay, maalala pa ba namin ung mga kwento kwento tungkol sa classroom na un ?

Nakarating na kame sa may classroom. May liwanag sa corridor kase bukas na ang mga ilaw doon. Pumasok na kame sa room... Tama nga ! Bukas parin ang aircon at malamig parin sa room. Walang nang tao sa corridor dahil ang halos lahat ay nasa lobby at ang iba, panigurado nagsi uwian na ung mga un. Mga excited eh !

Ang class room namin ay may 5 rows and 10 columns. Nilapag ko muna ang bag ko sa may harapang upuan, pangalawang column.

"Tara open forum !" Sabe ko at pumayag naman sila.

Napag-usapan naming ung mga kaklase naming nakaka-inis, nakakaburaot, masama ung ugali, mayabang, malandi at kung sinu-sino pa. Kwentuhan, tawanan, uupo, tatayo at magsusulat sa board Kung anu-ano ung mga ginagawa namin pero naguusap usap parin. Naka-upo ako sa may sahig, tapat ang pintuan namin. katabi ko si elianah sa aking kanan at si mia naman sa kaliwa. Napirmi din si lyka at Eunice at umupo narin sila sa sahig. Naka-pabilog kame ng upo sa may gitna. Katabi ni mia si Lyka at katabi ni lyka si Eunice, at katabi ni Eunice si elianah.

"Nakakaasar talaga si Horsie(Nickname ng kaklase namin) noh ?" Sabe ni mia

"Ahahaha ! OO nga !" Sabe naman ni Eunice

"Mukahang kabayo!" Sabe ni lyka

"Kaya nga eh, chura eh !" Sabe naman ni elianah.

Tapos tawanan kamin lahat. Napalingon ako dahil bigalang tumunog ang aircon naming. Parang 'brrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr' Parang malakas na mahina. Di naman nila ata napansin kaya di ko narin pinansin kase parang wala lang naman. Edi humarap na ako sa kanila. Pagkaharap ko sa kanila, ilang sandal lang, parang may boses akong narinig. Boses ng isang lalaki. And sabe ay 'hooooooooo' mahina, malumanay pero parang papalapit sa kanang tenga ko ang bibig nya. Papalakas ng papalakas. Prang may hininga na lumalapet sa aking tenga. Hindi ako lumingon dahil iniimagine ko na ang ulo nya ay nasa braso ko dahil parang ang lapit lapit nya saakin. Parang pinagpapawisan ako ng malamig na pawis. Gusto ko na sanang tumakbo kaso parang nanghihina ako at ang bilis ng kabog ng puso ko. Parang lalabas na ata sa katawan ko ang puso ko dahil sa sobrang bilis at lakas ng kabog nito.Nagkatinginan kame ni elianah, narinig nya rin ata ang narinig ko. Tumahimik kame at nagkatinginan kameng lima. Narinig din ba nila ang narinig namin? Tumingin ako sa may pintuan dahil gusto ko nang tumakbo at biglang 'Bag !' biglang parang nagsara ang pintuan namin pero nakasara ito. Parang may nagbukas at bigalang isinara ito. At bigla kaming kumaripas ng takbo papalabas ng class room, nag uunahan. Di pa kame masyadong nakakalayo ay naalala ko ang bag ko.

"Sandali" Pigil ko sa kanila at tumigil sila. "samahan niyo ako sa room, naiwan ko bag ko." Kinakabahan na ako dahil hindi ko alam kung paano ko kukunin ang bag ko dahil nga natatakot na akong bumalik sa room . Pumayag naman sila. Bumalik kame sa tapat ng room.

"uyy ! di ba kayo papasok ?"

"Eh, Kunin mo na ! Bilis !" Sabe ni elianah. Nasa tapat sila ng room.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng classroom. Hindi ko inalis ang kamay ko sa may pinto upang mapanatili parin itong nakabukas. Lumunok at huminga muna ako ng malalim. Dahan dahan akong lumapit, medyo di abot ng kamay ko kaya pinangharang ko sa pinto ang aking paa atsaka ko mabilisang kinuha ang bag ko at nagsipag takbuhan na kame.Hindi na namin napatay ang ilaw ng classroom. Sa isip isip ko, papatayin din ung ng house keeper mamaya.

Nang makababa na kame at napansing marami nang tao ay tumigil na kame sa pagtakbo at nagtawanan dahil sa mga mukha naming takot na takot. Dumiretso kame sa lobby, napansin naming umuulan ng malakas, maraming stranded at nakatambay sa may lobby. Pumunta kame kung saan nakalagay ang bag namin atsaka nagkwentuhan.

"Grabe ! Narinig nyo ba un ?" Sabe ko

"Oo nga eh !" Sang-ayon ni elianah. Ibig sabihin ay narinig nya rin ang narinig ko.

"huh ? Anong narinig ?" Sabe ni lyka

"Wala ba kayong narinig ?!" Kinikilabutan na ako ah

"Wala kaming narinig." Sabe ni mia

"Edi kame lang nakarinig ?!"

"Baket ano bang sabe ?" Sabe ni lyka

"Walang lang. Prang 'hoooo' mahina lang pero parang papalapit ! Dun kaya ako natakot !" Sabe ko at sumang-ayon din si elianah.

"Oh ? Wala kameng narinig na ganun pero ung gumalaw na upuan ? Nakita nito un? " Sabe ni Eunice. At sumang-ayon sila lyka at mia. Gumalaw na upuan ? Wala akong nakita na gumalaw na upuan.

"Wala akong nakitang gumalaw na upuan" Sabe ni elianah.

"oo nga, wala akong nakita. Gumalaw saan ?" Sabe ko.

"Sa may 4th row !" Sabe ni lyka.

"Oh ? Grabe ! Tumakbo na ako nung biglang gumalaw ung pinto" Sabe ko.

"ahaha ! tumakbo ako nung tumakbo kayo eh " Sabe ni mia

"Grabe, gustong gusto ko nang tumakbo nun ! Nakalimutan ko pa ung bag ko ! Grabe ! Kala ko di ko na mababalikan un !"

Patuloy ang aming kwentuhan tungkol sa nangyare at ito nga ang tinatawag naming "Experience". Kinabukasan pagpasok, ay kinuwento rin naming ito sa iba naming kaklase.

Unang nagyare ay ang tumunog na aircon, ang boses na narinig namin, ang paggalaw ng upuan sa may 5th row at ang huli ay ang biglaang parang mahinang pagsara ng pinto kahit nakasara ito.

-------------------------------------------------------

Done ! :) Hope you guys liked it :D May part two pa to kase meron pa kameng iba pang experience sa classroom na un . at maski sa iba pang classroom :) di ko sasabihin ang pangalan ng school dahil baka di na kayo mag-aral dun. Ahahaha ! Joke lang :D abangan niyo ang part two :) Vote, Comment and Share :D Salamat ng marami :))

~~~

ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon