The Love Story I Never Expected

5 0 0
                                    

I dont hate boys, ayoko lang talaga pumasok sa isang relationship. I'm only 13 and magkakapera ba ako sa pagboboyfriend? Nah, mas gugustuhin ko na lang makasama ang mga kaibigan ko tapos sabay sabay kaming manonood ng laban ng iba't ibang schools sa basketball tsaka kami magkakaroon ng crush.

Enrollment na para sa incoming high school, panibagong achievement na naman ang narating ko. I graduated elementary, walang honors pero proud pa rin ako sa sarili ko at sinabing babawi na lang this time.

Nag audition ako sa iba't ibang activities na meron sa school, kailangan na kasi na member ka na ng group bago ka pumasok ng high school para hanggang last year mo, member ka pa rin ng group pero once na mag out ka, wala ng chance para bumalik. Choice mo naman kung sasali ka sa activities, kasi maganda ang benefits at kaunti lang ang makakasalamuha mo buong taon, hindi kailangang pagpalit palitin ang students every year.

"Audition ka na lang sa iba Lorie." Pinagaan ni Gani yung loob ko nang hindi ako makapasa sa theater organization. Bata pa lang ako, hilig ko na gayahin ang mga artista na nakikita ko sa t.v

Baka naman kinabhan lang ako kanina kaya hindi ako natanggap.

Patuloy kong pinapagaan ang loob ko at namalayang nasa music room na pala ako.

Dalawa na lang ang nasa loob, malapit na kasi mag lunch time kaya siguro kakain din siguro sila malamang.

Pero pinapasok na ako ng teacher, siguro ako na yung last.

Pumasa naman ako sa music organization, maalam naman ako kumanta kahit papaano, at yun din yung madalas mapansin saakin ng mga tao.

"Let's eat somewhere." Excited na sabi ni Gani, malaya na kasi kaming nakakagala dahil eto nga o, high school na kami.

Napagdesisyunan naming kumain sa Queen's, isa siyang restaurant na sikat sa lugar namin, kinalakihan ko nang kumain sa Queen's tuwing may special occasion or with honors ako, dito ako dinadala ng parents ko.

"May laban daw sila Justin next week."

"Oh talaga?" Nakuha ni Gani ang atensyon ko.

Justin is my crush, sino ba namang hindi magkakagusto don? Member siya ng varsity, gwapo, dancer ng school at matalino.

"Tss. Sa dami ng kwinento ko, yun lang ang naintindihan mo?"

"Kumakain tayo Gani."

"Buang, nung binanggit ko crush mo bigla ka na lang natigilan, malapit na ako magselos ha?"

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Mas crush kita kesa don no? Pero mas mahal ko talaga 'tong kinakain ko." Sabay subo ng meatball.

"Alam mo, I hate you." Nakita ko ang pag irap niya. Tapos na siyang kumain kaya madali para sa kanyang magkwento, palibhasa konti lang ang kinakain kaya payat. Kinuha na niya ang wallet sa bag niya at lalapit na sana sa Cashier para magbayad.

"Hoy buang! Sige na, makikinig na ako sa chika mo." Mataray niyang ibinaba ang wallet niya at dali daling bumalik sa table namin para ituloy ang kinekwento.

Nakinig na naman ako sa kwento niya, puro crush lang naman ang laman ng bibig. Bakit kaya kahit nagkakacrush ako, hindi naman ako ganon ka obsessed? Hindi naman ako yung tipong babyahe pa ng matagal para mapanood ang laban nila Justin, nanonood lang ako kapag nagkataon na nandito ako sa bayan at sa plaza ang venue. Bihira din ako magkwento kasi, ano ba naman ang ikekwento ko? Kung paano ako hindi mapansin nung gwapong yon? Sabagay, I don't do papansins no?

Nakinig na lang ako sa kwento ni Gani na paulit ulit lang naman, baka pagdating ng high school magkaroon agad siya ng boyfriend, wag naman sana.

Madalas ko kasing nababasa sa mga novels na kapag nagkaroon na ng partner yung kaibigan mo, bihira ka na nila mapansin, kasi aminin man natin o hindi once na nagkaroon ka ng ganyan, kaya mong iwanan ang kaibigan mo para sa kanya.

Selfish pero ano naman? Bata pa kami para sa ganon.

Ilang araw na rin ang lumipas nang magpasukan na. Napakadaming estudyante ang bumungad sa umaga ko, nandito pa rin kami sa covered court kung saan ginaganap ang flag ceremony at other occasions ng school.

"So enjoy your first day, wag ipressure ang sarili. Good morning students!"

Pumalakpak kami para sa speech ng principal na hindi ko naman naintindihan, naninibago pa kasi ako. Iba na ang pakikitungo ng mga tao dito, sana talaga maging maganda ang high school life ko.

Wala namang ibang nangyari sa umaga kundi puro pagpapakilala at announcements, bilang lang sa daliri ko ang natandaan ko ang pangalan besides ayoko ng kaibigan, I'm fine with Gani as my only friend.

"Ang cutie nung isang classmate natin." Nakaupo lang kami ni Gani sa bench malapit sa classroom para magkwentuhan.

"So ano? Bagong crush mo?" Nagpretend ako na interesado sa kinekwento niya, mamaya mag walk out na naman 'to.

"Uhm. No, hindi pa niya ako napapansin e."

Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"You listen to me okay? Hindi ka dapat magboboyfriend hangga't hindi mo masyadong kilala yung tao okay? Ang daming kumakalat na scandals, sana wag kang matulad, I know you're more than that." Tumango naman siya, I'm glad she's paying attention sa mga sinasabi ko.

"Nanonood ka ba non?" Biglang tanong niya.

"Ng ano?"

"Scandal."

Ready na akong mag walk out nang sabayan niya ako, malapit na din kasi matapos ang break.

Inakbayan ako ni Gani at sabay kaming naglakad papunta sa classroom.

"Hey I was just kidding, ang seryoso mo kasi kanina."

"Kasi seryoso naman talaga ako Gani."

Siya naman ngayon ang humawak sa kamay ko, nasa tapat na kami ng classroom at hinihintay na lang ang teacher na papasok.

"Okay okay, I appreciate that. Thank you for that, Love talaga kita!" Niyakap niya ako, wala namang pakialam yung mga nakakakita saamin. Duh? Wala din naman akong pakialam sa kanila.

"Pumasok na tayo bago pa ako umiyak dito."

"Iyakin!" Tukso ko sa kanya, she's so soft.

Science ang subject namin ngayon at pinag group kami into four, ako ang naging leader sa hindi malamang dahilan.

Nakinig pa ako sa mga instructions para sa mga activities na gagawin namin as a group sa mga susunod na araw.

"List down your names in a one fourth sheet of paper, I'll be collecting them tomorrow, goodbye."

"Hi I'm dannie, I hope we can be friends." Nginitian ko na lang yung babaeng groupmate ko, kailangan kong maging mabait sa kanila since sila ang kagrupo ko sa subject na 'to buong taon.

"Yo! Yohan." Tinapik niya ako sa balikat na para bang close kami, sinulat ko na lang din yung pangalan niya sa ilalim ng pangalan ni Dannie.

Inaasahan ko na lalapit pa yung isang groupmate ko para sabihin sa'kin yung pangalan niya pero uwian na't lahat, wala pa ring lumalapit saakin para makompleto ang listahan ko.

"Hoy Lorie, ano? Hindi pa ba tayo uuwi?" Kakamot kamot na sa ulo si Gani dahil halos 30 minutes na rin kaming naghihintay dito sa classroom.

"Wait lang Gani, bakit kasi ang tagal non?" Pinasadahan ko na ng tingin ang buong classroom pero kami na lang pala ang tao.

"Iniintay? May jowa ka na ba ha? Nako ikaw 'tong nagpapaalala saakin na wag muna sa mga bagay na ganyan pero ikaw pala 'tong—" hindi na natapos ni Gani yung sinasabi niya dahil may isang lalaking bigla na lang lumitaw sa harapan ko.

"Nathan Andrei Anievas. Taas ng pride mo ah?"  Yun lang at tinalikuran na niya 'ko.

"Jowa mo day?"

To be continued...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Love Story I Never ExpectedWhere stories live. Discover now