"Tyra, paano nga ulit 'to?" Tanong ni Demi, nasa harapan ko kasi sila ni Tyra.
Basic Calculus namin ngayon, bakit ba 'to tinawag na basic, abnormal ata nagpangalan dito e.
Napabuntong hininga na lang ako habang tinitignan si Tyra na magsolve at i-explain kay Demi ang lahat ng nangyayari. Quiz kasi namin ngayon, buti na lang ay nagpaturo na ako no'ng nakaraan kay Pat kaya medyo hindi na ako nahihirapan.
"Xianne, pahiram ng correction tape," siko sa akin ni Pat.
"Kuhain mo na lang sa bag," walang ganang sabi ko.
Makalipas ng ilang minuto ay nagsalita ulit si Pat, "Uy, may extra pen ka? Naubos na tinta," sabi niya at pinakita pa sa akin ang g-tech niyang wala nang laman.
"Ano ba 'yan, Pat," naiirita nang sabi ko, ayaw ko kasi talaga na may nagengealam sa akin kapag nagso-solve ako, lalo na sa Math dahil hindi ko gamay.
Nilabas ko na ang buong pen pouch ko, para manahimik na siya.
"May pang-refill dyan," sabi ko at nilapag sa harap niya ang pouch at nagpatuloy na sa pagso-solve.
"Five more minutes," Ms. Vinluan annuonced.
"Shit, shit, shit," pagkakataranta ko.
Binilisan ko pa lalo ang pagsosolve dahil may dalawa pa akong hindi nasasagutan. Mas dumoble pa ang kaba nang tumayo na si Tyra na sinundan ni Pat.
Halos bumabaliko na ang pagsusulat ko dahil sa kaba at pagkataranta.
"Ballpens up!"
Halos mapatalon ako sa anunsiyo ni Ms. Vinluan. Napabuga ako ng hangin, hindi ko napansin na halos hindi na pala ako makahinga dahil sa sobrang kaba.
Tumayo na ako at ipinatong ang papel ko sa table ni Miss.
Pagkabalik ko sa upuan ko ay nakitang kong nagtatawanan si Pat at Tyra habang nakabusangot naman si Demi.
"Ang sama ng ugali niyo kahit kailan!" Pagtatampo ni Demi.
"Anong meron?" Tanong ko sa kanila.
"Eh paano kasi, 'yung nilapitan niyang guy kahapon, hindi pala legit number 'yung nilagay. Broken si gaga," asar pa ni Pat.
"Kung ano-ano kasing kaharutan ginagawa niyo e!" Sabi ko sa kanila.
"Kala mo naman kung sinong gwapo 'yon! Bahala siya, basta ang motto ko, hangga't may omegle, tinder at bumble may pag-asa gorl!" Sabi ni Demi.
Nabatukan tuloy siya ni Tyra, "darating din ang para sa'yo, antayin mo lang kasi. Atat na atat kayo e."
Napakamot sa ulo si Demi.
"Aray! 'Yung utak ko, naalog! Mabo-bobo ako lalo nito e!" Pang-aaway ni Demi.
Natawa na lang kami, dahil ginawa niya ang madalas ginagawa ng iba na aayusin ang pagkaalos sa pamamagitan ng paghampas ng mahina sa baba.
"Kahit anong ayos mo r'yan, wala na 'yan!" Pang-aasar pa ni Pat.
Nabatukan tuloy siya si Demi, "malipat sana sa'yo, tapos ako naman maging matalino!" Sabi niya pa.
Mga baliw talaga.
"Tigilan niyo na 'yan, tara sa infinitea mamaya, group study na lang tayo," suhestyon ni Tyra.
Tumango ako, "pwede. Tara, after class," sabi ko.
Tumango na lang sila at napaayos na kami ng upuan dahil nagsalita na si Miss Vinluan.
"We will check your papers tomorrow, class dismissed," she said and walked out of the room.
"Xianne! Hanap ka raw ni Sir Judio, about daw sa quiz bee," sabi ni Gio, class president namin.
YOU ARE READING
One Of The Reasons
Teen FictionAlexianna De Guzman, a girl who only wants to enter her dream school, University of the Philippines. Dahil sa pagsuporta sa kanya ng mga magulang niya ay pinasok siya sa isang Review Center sa Katipunan. First month of review went well, but everythi...