10:30 na nang matapos ang huling shift ko sa Coffee shop dahil sa dami ng customer. Sunday kase kaya ganun nalang karami ang dumumog sa Coffee shop. Ako rin kase ang nagsasarado ng shop kaya ako lagi ang anong oras na nakakauwi. Kahit sobrang bigat sa katawan dahil sa pagod ay nagtiis ako maghintay ng bus pero kakaunti nalang na mga transportasyon ang nakikita ko.
Wala rin ako nakikitang taxi or jeep na pwedeng sakyan kaya napagbuntong hininga ako.
Mukhang wala akong choice kung hindi mag tren.
Malalim na ang gabi kaya mas binilisan ko ang lakad ko para maabutan ang tren dahil pag nagkataon hindi ako makakauwi. Malapit na ako sa Train Station nang marinig ang tunog ng tren kaya kahit madulas ay tinakbo ko na papasok
*Ting* *Dudududu*
Mas binilisan ko ang pagtakbo nang marinig ang tunog na paalis na tren.
Nang makita ang malaking sulat na Station 4 ay agad na akong pumasok. At nang makarating ako sa sakayan ng tren ay halos malula ako dahil walang katao tao.
Kinikilabutan rin ako dahil sa kakaibang lamig na simoy ng hangin. Ito ang unang beses na sumakay ako ng tren dahil maaga naman lagi ang tapos ng shift ng trabaho ko. Isa pa, lagi kami may shuttle o kaya naman nagbabus ako kaya naman naninibago ako sa unang beses na sasakay ako ng tren pero walang katao tao pa at mukhang di ko pa naabutan ang last batch hays.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Inikot ko ang buong station pero wala talagang tao kahit guard wala. Tanging ilaw lang ang nagbibigay liwanag sakin at kasa-kasama ko pero bukod dun wala na.
Lumapit ako sa Schedule ng Train Station at nakitang manggagaling sa Station 6 ang last batch ng tren kaya agad akong tumakbo para pumunta sa Station 6.
Nang makarating sa Station 6 ay laking gulat ko nang makita na may tren na kaya diko mapigilan mapangiti. Mukhang inabutan ko ang last batch! sa sobrang pagod ay agad akong pumasok at umupo sa bungad at pumikit. Hindi ko napansin ang dilim at tahimik na paligid.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Napadilat ako sa gulat nang biglang umandar ang tren, aalis na agad? tiningnan ko ang relo ko at 11:59 na. Tiningnan ko ang paligid at diko maiwasan makaramdam ng kaba nang makitang ako lang magisa ang nakasakay sa madilim na tren kaya diko maiwasan na mapalunok sa takot kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at naglaro para bumaling ang attention ko doon. Pero ilang minuto pa ang lumilipas ay agad huminto ang tren at bumukas ang mga pinto.