“Oh, Jhaymie…” ani Alexa, isa sa mga kaibigan at kamag-aral ko. “Sumunod ka na sa covered court pagkatapos mo diyan ha?” sabi nito at dumiretso na sa pupuntahan. Valentine’s Day kasi naming ngayon kaya nago-organize ang mga officer ng event para sa araw na iyon.
By the way, ako nga pala si Jhaymie Natividad. Fourth year high school na ako.
Palabas na sana ako ng classroom nang biglang pumasok si Ivan Ramirez at harangan ang aking daraanan.
“Hoy! Ano ba? Magsisimula na yung program ah! Kailangan ako doon!” inis kong sita sa kaniya. Pasaway eh.
Si Ivan lang naman ang crush ko mula pa noong first year pa kami at aaminin ko kahit inis ako minsan diyan mahal ko pa rin yan.
Alam iyon ni Ivan dahil nagtapat na ako sa kaniya noong second year na kami pero kahit na ganoon ay hindi niya ako nilayuan or iniwasan tulad ng kadalasang ginagawa ng other guys kapag may girl na nagtatapat sa kanila. Sa halip ay mas lalo pa akong napalapit sa kaniya pero di naman ako umaasang magkakagusto din siya sa akin eh. Sa gwapo ba naman nito panigurado akong madami akong makakalaban sa puso niya.
Maya-maya ay narinig naming ang pag-uumpisa ng programa sa may covered court.
Binalingan ko uli si Ivan.
“Ano ba?! Ang kulit mo naman eh! Paraanin mo ako isa! Sasaktan kita diyan eh sige ka” pagbabanta ko sa kaniya.
“Dalawa…” pang-iinis nito sa akin. “Subukan mong manakit at hahalikan kita diyan Makita mo” bigla akong pinamulahan sa sinabi niya.
“Ano ba kasing problema mo? Ba’t ayaw mo akong padaanin?” taking tanong ko sa kaniya para maitago ang pamumula ng mukha ko.
“Relax ka nga lang diyan. Gusto lang kitang maka-usap pwede ba?” tanong nito.
‘Ano kayang gusto nitong pag-usapan/’ napag-isip ko.
Ayaw niya sanang pumayag dahil naiilang siyang kasama ito pero wala siyang magawa dahil sigurado naman siyang kahit tumanggi man siya ay hindi pa rin siya nito paaalisin doon ng basta-basta.
“Sige, ano ba yon?” suko kong tanong sa kaniya.
Hindi ito sumagot.
Maya-maya pa ay bigla itong nagsalita.
“Paano ko ba uumpisahan ito? Uhmm…di ba sabi mo sakin noon crush mo ‘ko?” diretsong sabi nito.
Agad siyang pinamulahan sa sinabi nito. Kailangan pa ba niya iyong ipamukha sa akin?
BINABASA MO ANG
My Ex is My Angel (On-Going)
Teen FictionNiligawan mo siya... Minahal... Pero what if one day matukso ka sa iba habang ang girlfriend mo ay nagbabakasyon sa mga kamag-anak niya sa malayong lugar? At one day malalaman mong nasa coma siya dahil sa depression ng makipaghiwalay ka? Kakayanin k...