This story is exclusively fiction any resemblance from real life is purely coincidence. Watch out for the spelling and gramatical errors.
Started: June 17 2020
Completed:Cheating
Today is Thursday and today is also the third day of examination. That's why, maaga akong pumuntang school para duon magreview muli. Hindi ako pwede bumagsak dahil malaking kahihiyan para sa akin iyon.
And also, the only thing I can do here in school is studying. I don't have friends to be with and I don't have any problem being alone.
I don't like loud noise too much, tulad ng mga tiliian ng mga babae tuwing may dadaan na lalaki o hindi kaya sigawan ng mga lalaki tuwing may dadaan na babae. It's like an everyday cycle here in school.
Walang may kumakausap sa akin at minsan lang kapag may itatanong sila. Kawawa nga iyong katabi ko sa seating arrangement dahil hindi niya ako madaldal.
Inilabas ko ang calculus at physics book saka ibinuklat ang mga ito. Dahil maaga ang punta ko sa school hindi pa nakabukas ang aircon kaya naman binuksan ko ang bintana sa aking tabi.
Ang sarap sa pakiramdam ang malamig na simoy ng hangin. Every morning I always liked the sounds of the cold wind and the chirping sounds of birds.
Lalo tuloy ako makakapag focus nito bago pa dumating ang mga classmates ko. I reviewed the whole book and didn't realize that I felt asleep.
"May kodigo kana ba?"
"Wala pa"
"Anong wala pa! Gumawa kana bago pa dumating si Ms. Arizon!"
Nagising ako sa malakas na usapan. Teka lang nakatulog ako? Bumaba ang tingin ko sa nalukot na mga pahina sa dalawa kong libro dali-dali ko itong inayos saka sinarado.
Inayos ko ang mukha ko at inalis ang kung anong bahid na natira sa pisngi ko. Sa gilid ng mata ko nakikita ko ang isang taong palapit sa akin.
"Maddie!"
Isang masiglang bati ang narinig ko kay Cristopher jay o mas kilalang Ceejay. Kung paguusapan ang salitang kaibigan hindi ko siya maituturing ganoon. Matagal ko nang kilala si Ceejay mula noong elementary pa magkaklase na kami.
Hindi ko siya sinagot.
"Parang handa kang sumabak sa exam ngayon ah." ngiti niyang sabi sa akin.
Ceejay is way taller than me that's why he is part of the basketball team. He is gifted with a handsome physical figure that's why a lot of girls are after him. But I don't see him the way those other girls see him.
For me he is just Ceejay and nothing else.
I nodded still didn't answered him. Naglabas muli ako ng panibago kong libro at ibinuklat ito. I thought he would go away but he's still beside me.
"Wow! Perfectly covered ang books mo!" he sound amused.
I let out a deep sighed.
"Ano?" sa wakas lumabas ang boses ko.
Mas lalong tumaas ang ngiti niya at ipinakita sa akin ang history book niya.
"Pwede paturo?"
Sabi ko na nga ba, nilalapitan lang talaga nila ako pag may kailangan sila sa akin. Syempre hindi ko sila kayang tanggihan dahil kaklase ko sila.
Kinuha ko ang libro sa kanya at ibinuklat ito saktong bumukas ito kung saan nakalagay ang bookmark.
Inubos ko ang natitirang oras kakaturo kay Ceejay at base sa mukha niya parang wala pa siyang naintindihan. If I were him, aalis na ako sa basketball team because it only affects his grades! Playing basketball can be played forever but education can only last a limited time.
I wonder how, kung paano nakapasok dito sa class 2-B si Ceejay kung ang inaatupag naman niya ay paglalaro at hindi pagaaral. But yeah, scholarships exists.
Dumating si Ms. Arizon at nagsimula narin ang pagsusulit. I can hear the fustrations on some of my classmates. Even from my peripheral view I can see how they pass each others answer from their cheating techniques.
And one of them is Ceejay. Why is he doing that! Hindi ba't tinuruan ko na siya. Nakatalikod sa amin ngayon si Ms. Arizon kaya naman dali-daling kinuha ni Ceejay ang kodigo mula sa harapan niya ngunit dahil sa sobrang kaba niya nahulog ang papel.
Ang babaeng nakaupo sa harapan ni Ceejay ay pinagpapawisan na dahil siya ang source and once Ms. Arizon finds out about the cheating they are doom.
Nahuli ni Ceejay ang pagtingin ko sa kanya. I turned away my gaze from him and started finishing my last subject for this examination.
"Maddie.."
At kahit dalawang silya ang layo ko sa kanya narinig ko ang munting bulong niya. Hindi ko siya pinansin at patuloy ang pagsasagot ko.
No way, Maddison. Don't help him, siya ang may kasalanan kung bakit siya nasa ganyang sitwasyon ngayon. Better keep your hands away from the danger.
Biglang lumakas ang ihip ng ceiling fan dahil tinaas ito ni Ms. Arizon. Sa kalayuaan nakita ko ang paglipad ng kodigo palapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko pati narin ang mga students na sangkot sa pandadaya.
As if I were their only hope from saving them. And it's about second before Ms. Arizon would turn her gaze to us.
I can see how Ceejay is fighting his fear from failing his grades and also being kick from the basketball team.
Bumaba ang tingin ko sa kodigo dahil mas lalong lumapit ito sa akin. Namamawis na ang dalawa kong kamay at tila lumakas ang tunog ng wall clock.
Muli kong binalik ang tingin kay Ms. Arizon na paharap na sa amin. Pumikit ako nang mariin.
"Ms. Arizon!"
Tila kulog ang boses ko sa sobrang lakas nang pagkakasigaw ko. Tumaas ang kanan niyang kilay tila nagtataka kung bakit ko ginawa iyon.
"Ms. Sarmiento, are you even aware that your classmates are still taking the exams?"
Nagsimula na akong maglakad gamit ang kanan kong paa tinapak ko ang kodigo. Imbis na sa harap na ako maglakad talagang sa gitna pa ako dumaan.
"Ms. Sarmiento, you can proceed from your line not across the middle of the class!"
Lumakas ang tibok ng puso ko nang makalapit na ako kay Ceejay.
Oh God why am I even doing this?
I slide my right foot and before he could get the answers. Sadyang nagpadulas ako sa sahig at nabitawan ang exam paper ko.
Bumagsak ang examination paper ko malapit kay Ms. Arizona at sa pagyuko niya kasabay nito ang pagdampot ni Ceejay ng kodigo sa sahig.
“Ms. Sarmiento, are you alright?”
Bahid sa mukha niya ang pagaalala. “Yes po.” sagot ko sa kanya. She signed my examination papers which means I passed it in the right time.
Bago umalis ng room muli kong binigyan ng tingin si Ceejay na ngayon ay parang asong ulol sa sobrang saya.
I can't believe this, Maddison, helping the cheaters? This is beyond ungrateful! Hindi ko na muli itong uulitin. That's the first and also the very last.
Sa school park ako tumambay habang hinihintay ang uwian. Hawak ko ang hamburger at sa kabilang kamay ko naman ang juice.
“Anderson!”
“Dito ka sa akin, Anderson!”
Sa kalayuaan kita ko ang pagkumpol ng mga students malapit sa entrance ng school. A bunch of girls are screaming and wasting their voice.
Hinigop ko ang natitirang apple juice saka ito tinapon sa basurahan. Tumayo ako sa swing at sinulyap ang mga babaeng nagsisigawan sa entrance.
Then I saw a smiling unfamiliar guy. Is he a new student? If he is.
I gritted my teeth at nagpapa padyak sa damuhan.
Kung magtatagal siya dito ganon rin ang nakakairitang sigawan ng mga babae.
Malas ka, kuya. Kung sino ka ‘man.
* * *

BINABASA MO ANG
The Manager
أدب المراهقينWhen the group of role playing student needs the help of finding another capable manager, someone suggested a girl named Maddison from class 2-B. She then, accepted the deal but little did she know that she would working with the baddest boy in the...