Chapter Twenty-Four

44 3 0
                                    

Sunday morning came, nagmamadaling bumangon si Trust at ginawa lahat ang morning routines niya. Kung noon excited siya sa pagsapit ng Linggo dahil magsasamba siya sa Panginoon, ngayon naman ay mas lalong nadagdagan ang excitement niya dahil makakasama na niya sa pagsisimba si Faith.

It's one of his answered prayers. Ang makasama niya sa pagsisimba si Faith.

Pababa na siya ng hagdanan galing sa kwarto niya ay narinig niyang nagpaalam na ang ate Tristana niya sa kanyang ina.

Tumango lamang ang kanyang ina na para bang wala itong pakialam at nagpatuloy sa pamamalantsa. Napabuntong hininga nalamang siya saka tinawag ang kanyang ate.

"Hintay, ate. Sabay na tayo." tawag niya rito kaya napahinto ang kanyang ate sa labas ng pintuan nila.

"Ma, magsisimba rin ako ngayon." paalam niya sa kanyang ina at hindi lang ito umimik kaya tuluyan na siyang lumabas kasama ang kanyang ate.

Simula noong nalaman na ng kanyang ina na naging active na rin siya sa pagsisimba at naging katulad na ang pananampalataya niya sa kanyang nakakatandang kapatid, ay hindi na sila nito pinipigilan. Noong una ay pinapagalitan pa siya pati na ang kanyang ate pero kalaunan ay sumuko na rin ito at hindi nalang umiimik kapag nagpapaalam ang isa sa kanila ng kanyang ate patungkol sa church activities na pupuntahan nila.

"Ate, susunduin ka ba ni Kuya Noel?" tanong niya sa ate niya habang inihahanda niya ang motorbike niya.

Nang hindi sumagot ang kanyang ate ay tinignan na niya ito, at nakatulala lamang ito na para bang malalim ang iniisip.

"Ate?" tawag niya muli rito kaya napakurap-kurap ito at nginitian na siya.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya pa rito.

Umiling naman ito habang nakangiti pa rin.

"Nabalitaan ko kasi galing kay mama na naging active ka na rin sa mga church activites? Katulad ng ngayon, magsisimba ka na. Kailan pa, Trust?" masayang sabi ng kanyang ate.

Buwan na rin simula noong tinanggap niya si Jesus Christ bilang Lord and Personal Savior niya at simula nun ay palagi na siyang nagsisimba. At hindi pa rin pala alam ng ate niya iyon dahil sa ibang church siya nagsisimba. Sa nagdaang linggo rin ay hindi sila magkaabot-abot ng ate niya dahil maaga itong umaalis para magsimba. Himala nga ngayon dahil nagkaabot sila.

"Matagal-tagal na rin po ate, nakalimutan kong sabihin sayo." magaang sagot niya at isinuot na ang kanyang helmet.

Mas lalong lumawak ang ngiti ng kanyang ate.

"It feel so good right?" tanong nito.

Napangiti naman siya dahil sa sinabi nito.

"More than good, ate. Naiintindihan ko na ang sinasabi mo sakin noon na kakaibang kasiyahan na hindi ko mararanasan sa pagiging playboy ko,"

Lumapit ang ate niya sa kanya at tinapik ang kanang balikat niya.

"I'm so happy for you, Trust. You've finally met Him." nasisiyahang sabi nito.

"I'm sorry nga pala ate," madamdaming sabi niya sa ito.

Kumunot naman ang noo ng kanyang ate dahil sa sinabi niya.

"Para saan?"

Magsasalita na sana siya kaso may bumusina na sa tapat nila. And it's his sister's boyfriend. Kuya Noel.

"Ah, sa susunod ko nalang sasabihin sayo ate. Baka ma-late pa tayo sa church." bawi niya.

"Oh sige, mauuna na ako. Mag-ingat ka sa pagmamaneho." paalam nito sa kanya bago lumapit na kay Kuya Noel na kakababa pa lamang sa driver's seat ng kotse nito.

When Faith Meets Trust (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon