It's Me, Kimberly

9 0 0
                                    

Dear Diary,

                                 Ngayun ang unang araw ng klase, di ko alam kung anong mangyayari ngayun pero sure akong papagtripan nanaman ako nila, Sinong sila? Well malalaman nyo,
Ginagawa na nila yun sakin simula pa nung elementary, halos maka sampung notebook na ko ng mga diaries kakasulat ng mga bagay na hindi ko masabi sa iba, bakit? Nasulat ko narin yun, dahil wala na akong mga magulang, namatay sila nung araw na pinanganak ako, si mama namatay nung isinisilang nya ako at si papa, namatay sya dahil sa sobrang kaba at takot,
Alam mo ba kung anong masakit?
Iyun yung ako ang dahilan ng mga kamatayan nila, sabi nila isinumpa ako, sabi nila malas ako.
Walang nakikipagkaibigan sakin, sabi nila baka malasin sila pag kinaibigan nila ako, kaya ayun, wala akong mga kaibigan, tanging ang diary ko lang ang nasasabihan ko ng mga problema,
Eh ano paba? Napapatawa nalang ako sa katotohanang walang may gusto saken.
Oh sige, kailangan ko nang pumasok sa school ( 학교 )
bukas nalang!

" Lola ano pong niluluto nyo? "
Pagbaba ko sa kwarto nakita ko si Lolang nagluluto, Normal nyang gawain yan, gigising sya ng maaga para ipagluto ako, Medyo ulyanin naren sya kaya minsan nakakalimutan nya ang pangalan ko

" Oh Kassandra gising ka na pala "

" Lola ako po si Kimberly hindi po Kassandra~ "
Araw araw na routine ko naren ang pagpapa alala kay lola ang pangalan ko,

" Ano po ba yang niluluto nyo? Mukha pong masarap ah "

" Binobola mo nanamam ako apo, Oh sige na kumain ka na, ihahanda ko lang mga plato, sige na maupo ka na "

" Ako na pong maghahanda lola "
Sinasabihan ko ren si lolang wag nang masyadong magkikikilos dahil nga matanda na sya pero alam mo naman ang mga matanda, medyo mahirap pagsabihan.

" Salamat sa pagkain "
Pagkatapos kumain dumiretso nako sa school, medyo may kalayuan kami sa school kaya nag bibisikleta ako, mga sampung minuto bago ako makarating sa school kaya umaalis ako ng maaga pero di lang yun ang dahilan,
May dinadaanan ako araw araw at pinapakain malapit sa school, hindi yun tao syempre, mahilig ako sa mga pusa at aso pero may allergy ang lola ko sa mga balahibo kaya bawal akong mag alaga ng mga hayop.

" Uyu? "
I named him 'Uyu' ( 우유 ) from a korean word meaning milk cause he likes milk and also because kittens can't eat anything rather than milk.

" Meow "
Ginawan ko sya ng bahay gamit ang mga bagay na nakita ko sa paligid, medyo lumalaki naren sya kaysa sa unang araw ko syang nakita, hindi rin sya nangangagat at mahilig syang pumunta sa mga mababangong bagay lalong lalo na sa mga bulaklak ( 꽃 )

" Awwww~ ang laki mo na! Nagugutom ( 배고픈 ) ka na ba? Gusto mo ng gatas? "

" Meow Meow Meow "
Di ko alam ibig sabihin non but i'll take that as a yes

" Huh? Bakit may karne dito? Ikaw bang kumuha non ha? Ikaw talaga Uyu, bawal pa ang mga ganitong uri ng pagkain ( 음식 ) sayo "

" Whaaaaat are you doing? "
Huh? Sino yu--

S-si Lance?! B-bakit sya nandito?
Aaaaack!

Tumakbo akong palayo para di ako mamukhaan ng lalaking yon, baka ipagkalat nya pa na nag aalaga ako ng ligaw na pusa, bagong pang asar nanaman yun pag nagkataon!
" Nakita nya kaya mukha ko? Sana naman hindi "

" Huy sinong kausap mo dyan? "

" Ay kabayo! "
May babaeng sumulpot sa likod ko habang nagtatago ako sa isang puno, Grabe nakakagulat naman sya!

" Ah E-- wala m-may hinahanap lang "
* awkward smile **

" Hinahanap? Ano naman? "

" Y-yung..... hi-hikaw ko tama yung hikaw ko nawawala ' Hehe'  "
Bat sa lahat ng mga palusot bakit yun pa naisip ko!

Dear diaryWhere stories live. Discover now