©Quite_Behavior
061720“Assunta, anak.” agad kong ibinaba ang hawak kong cellphone ng biglang pumasok si mama sa kwarto ko.
“po?” tanong ko.
“matulog kana, hating gabi na oh.” wika niya, tumango naman ako.
“opo.” inilagay ko sa ilalim ng unan ko ang cellphone at nahiga na, pinatay ni mama ang ilaw at bago isinara ang pinto.
ng maramdaman kong inaantok na ako ay agad akong pumikit.
naalimpungatan ako sa ingay na narinig ko pero hindi ko maimulat ang mga mata ko, hindi ko alam pero may mabigat akong nararamdaman saaking dibdib.
hindi ako makagalaw pero may naririnig akong ingay mula sa labas, ingay ng mga nagsisisyahang mga tao at naramdaman ko din na matigas ang hinihigaan ko.
teka, panong—
“gising Janella! malapit ng mag 12 o'clock!” dahil sa taong gumising saakin ay agad akong napamulat, bumungad sakin ang magandang dilag, nakangiti saakin at hinahatak ako para makatayo.
“WAAAAHHH SINO KA?! NASAAN AKO?!” hindi ko alam bakit ako napunta dito, hindi kaya nananaginip lang ako? pero hindi ko maiwasang mataranta sa nakikita ko.
nasa kama ako nakahiga pero walang malambot na nakalagay, tanging kahoy lang.
“huh? pinagsasabi mo Janella?” nakakunot ang noo niya at tiningnan ako mula paa hanggang ulo. “may lagnat ka ba? sayang naman kung hindi ka makakalabas para makisaya at salubungin ang bagong taon.”
mas lalo akong nagtaka at naguluhan. “bagong taon? eh tapos na yung new year, march na!”
“anong march? december pa lang Janella—”
“AT HINDI JANELLA ANG PANGALAN KO! AKO SI ASSUNTA! ASSUNTA MORRISON!”
“ano? hindi ikaw si Janella? at ikaw si Assunta Morrison? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! grabe taas ng pangarap mo Ella ah HAHAHAHAHA!” tinaasan ko siya ng kilay sa pagtawa niya, taas ng pangarap?
“hindi ako nangangarap! ako talaga si Assunta Morrison!”
“alam mo Janella, naiintindihan ko naman na gusto mong maging mayaman at maging isang Morrison pero bakit mo naman pangangarapin ang isang patay na.” sabi niya na ikinatigil ko.
“a-ano? s-sinong p-patay?”
“si Assunta Morrison, ang anak ng mayor dito sa bayan natin.” sagot niya. “ano ka ba naman Janella, ulyanin kana ba o sadyang may lagnat ka lang?”
“hindi ko talaga naiintindihan ang nangyayare! anong patay nasi Assunta eh ako nga si Assunta Morrison at buhay na buhay! astaka hindi ko alam bakit ako nandito!”
“ngii? ewan ko sayo! kung ako sayo bababa na ako para salubungin ang bagong taon.” wika niya. “bilisan mo, sumunod kana din ah, naghihintay sayo sa baba si Gio.”
at heto ako, naiwan at pilit na pinoproseso sa utak ko kung bakit ako napunta dito.
pero teka! anong taon na ngayon at bakit paparating pa lang ang bagong taon?
agad akong tumakbo palabas ng kwarto, nakita ko na may kausap na lalaki ang babae na gumising sakin kanina.
“BABAE! MISS! KUNG ANO MAN ANG PANGALAN MO, ANONG TAON NA NGAYON!?” tanong ko ng pasigaw para marinig niya sa baba.
“ANONG BABAE—”
“YEAR 2000.” bigla kong naibaling ang tingin ko sa lalaking sumagot sa tanong ko.
YEAR 2000
YEAR 2000
YEAR 2000
?!
PERO YEAR 2050 NA!!!
...
I SLEPT YEAR 2050, I WOKE UP 2000?!