Alaala

15 1 0
                                    

Yung feeling na nag-assume ka kasi nagbigay sya ng motibo? Sobrang sweet nya, sumasakay sa trip ko at lagi kang nginingitian pag nagkikita kayo. Masaya ako nung mga panahon na yan. Pero dumating na ang araw na kinatatakutan ko ..

Yung araw na kukunin na ako ng biglaan ..

Naalala ko pa nung enrollment. Ready na ko nun na maging College girl. Sobrang haba ng pila. Nagpunta ako sa dulo at doon ay pumila. Nakapukaw ng mata ko ang iyong mala-Adonis na mukha. Ang kinis, ang puti at nagtaka lang ako kasi hindi ka ngumingiti kahit na kinukulit ka ng kapatid mo. Nakapila tayo noon at ikaw ay busy sa pakikinig ng music. Naka-earphones ka. Naglagay din ako ng earphones at nakinig ng music. Umusad ang pila at nagkatinginan tayo, agad ko namang iniwas ang tingin ko sayo. Lumundag ang puso nung nakita kong napatingin kang muli sa direksyon ko. Hindi ko alam kung ngingiti ako o hindi. Ah basta! Yumuko na lang ako habang naghihintay ulit umusad ang pila. Matagal din ang paghihintay natin, hanggang sa makarating na tayo sa may mga upuan, doon ay naupo tayo. Hindi kita katabi bagkus ay may isang taong pumagitna sa atin. Nalungkot ako. How I wish to be next into you. Napabuntong-hininga na lang ako. Ipanasa na natin ang dapat ipasa. Nagtama ulit mga mata nating dalawa pero agad na naman akong umiwas. Hindi ko alam pero nung unang nagtama mga mata natin iba ang pakiramdam ko. Aaminin ko, CRUSH na kita agad. Nauna akong tumayo dahil naunang tawagin ang pangalan ko. Dumiretso ako sa dapat patunguhan dahil freshmen nga tayo. Hinahanap kita pero hindi kita nakita ng ilang mga oras. Hanggang sa magtagpo muli tayo sa loob ng Social Hall. Sa pagkakataong ito, nakapila tayong muli para hintayin ang printed schedule natin. Nasa likuran mo ako. Hindi ko alam ang pangalan mo pero gumawa ako ng paraan para malaman ko. Dahil matangkad ka, tumingkayad ako, may hawak tayong curriculum noon, diba? Binabasa mo ito habang naghihintay matawag ang pangalan mo. Pagkakataon ko na ito. Mas lalo pa akong tumingkayad, nakita ko na sa papel mo ang iyong pangalan. Deimiel Lanceth pala ang pangalan mo. Bagay sa'yo. Muntik na akong madulas nung gumalaw ka. Buti na lang napahawak ako sa braso mo. Napalingon ka. "S-sorry." yan lang ang nasambit ko at yumuko. Sakto naman tinawag ang pangalan ko at kinuha ang papel. Muli akong tumingin sa'yo nakatingin ka din. Wala akong reaksyon, nahihiya kasi ako. Ngumiti ka ng tipid sa akin na labis kong ikinatuwa. Nginitian din kita. Tumalikod na ako at naglakad palabas habang hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Alam ko ang ibig sabihin nito. Pero idedeny ko! Unang beses pa lang ito ng aming pagkikita, hindi pwedeng ma-inlove ako sa kanya. Grabe! Ang gwapo nya talaga. Habang naglalakad ako iniisip ko yung hitsura nya. Yung ngiti nya kahit tipid lang ito. Kinikilig ako.

Kinabuksan, medical naman natin. Nauna akong dumating at agad din naman natapos. Mabilis lang kasi. Nakita kita nakapila, hindi ko na tinangkang titigan ka kasi baka mahuli mo ako. Agad na akong lumiko at dumiretso pauwi. Naglalakad ako papunta ng sakayan ng may tumawag sa akin "Miss!" agad akong limingon at ikinagulat ko ng ikaw ang makita ko. Malayo-layo din ang sakayan kung saan ako pauwi. Tumakbo ka papunta sa direksyon ko. Habang tumatakbo ka parang tumigil ang oras, ikaw at ako lang ang nakikita ko. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko habang papalapit ka. May inabot ka sa akin. Ah! Naalala ko na. Panyo ko ito, pero paano nya nalaman na akin ito? "Salamat." Ngumiti ako at tumalikod pero pinigilan nya ako. Humarap ako sa kanya ng may pagtataka. Tinanong mo ang pangalan ko. "Jeirylle" Ngumiti ka ng malawak at inilahad ang palad mo. "Deimiel" Nakipagkamay sa akin. At sinabi mo sasabay ka sa akin sa paglalakad. Labis kong itong ikinatuwa. Daladala ko ang pangyayaring ito hanggang sa pagtulog ko. Napapangiti na lang ako pag naalala ko yun.

Pasukan na! Mag-isa pa lang ako sa room. Unti-unti nang dumami. Nagkaroon na ko ng mga kaibigan. Masaya sila kasama at kausap. Nag-open na din kami sa mga crush o kung may mga lovelife na ba sila. Pare-parehas kaming mga NBSB. Natuwa kaming lahat.

Ilang buwan na ang nakalipas, mas lalo kaming naging close ng mga kaibigan ko. Nakita ko na din mga crush nila. Ang gugwapo! As in. Yung sa akin? Gusto nilang makita pero hindi ko mahanap. Hindi na kami muling nagkatagpo. Nakakalungkot. Pero araw-araw pa din akong umaasang makikita ko sya. Sana hindi nya ako nakalimutan.

AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon