Continuation

3 0 0
                                    

"Sana sa pangalawang buhay ko kayo pa din ang makilala ko. Kasi kayo lang ang tumanggap sa buo kong pagkatao kasi naiintindihan nyo ako. Hahaha. Masaya naman ako kasi dinalaw nyo ako e. Sobrang saya ko lang kasi andyan kayo. Sana Wag nyo akong kalimutan. Makatapos kayo ng pag-aaral at matupad lahat ng pangarap nyo. Mahal na mahal ko kayo."

Niyakap nila ako isa isa. Ramdam ko na na sobrang hina ko na. Pinipilit ko lang na maging malakas sa harap nila. Parang hindi ko na kaya. Mahal ko kasi sila. Ayoko silang nag-aalala.

Tinawag ko si Deimiel. "Deimiel, bakit hindi mo kasama yung babae? Sabi mo papakilala mo sa akin? Ang daya mo naman!  Ikaw nga kilalang kilala mo kung sino yung mahal ko e."

"Jeirylle, sorry."
"Ulol ka! Hahaha. Okay lang ako. Gusto ko lang na malaman mo na mahal na mahal kita. Ang tanga ko lang kasi hindi ko inamin sayo kaagad edi sana ako ang minamahal mo ngayon. Hahaha. Oy! Mag-iingat ka ah. Alam ko na malapit na akong umalis at ikaw darating ka sa libing ko ah. Dapat kasama mo na sya at ipakilala mo ako sa kanya. Sobrang mahal kita, Deimiel. Kahit na mahal mo lang ako bilang kaibigan. Salamat sa mga ala-ala mong ibinahagi sa akin ah. Sobrang mahal na mahal kita. Deimiel,magtatapos ka ah. Wag kang mag aasawa hanggat yung sweldo mo hindi pa nasa 19,000 ah. Alam mo ba pangarap kong ikasal sa'yo kaso hindi na mngyayari iyon. Bukod sa iba na ang mahal mo, may sakit ako at hindi na aabot sa takdang oras na kakasal sana tayo. Wag kang malulungkot pag nawala na ako ah. Bantayan mo din yung mga kaibigan kong babae. Pag may pumoporma sa kanila kilatisin mo. Pakilala mo sila sa barkada mo. At ikaw, pag sinaktan ka nya sumbong mo sakin. Babangon ako sa libingan ko at aaluin ka. Mahal na mahal kita, Deimiel."

"Jeirylle, Mahal na mahal din kita. Sorry kasi nahirapan ka dahil sa akin. Pero pangako, lahat ng bilin mo sa akin tutuparin ko. Sorry kasi hindi ko nasuklian ang pagmamahal mo. Sana patawarin mo ako. Magiging mas masaya ako kung lalaban ka."

"Hindi ko na kayang lumaban. Mahina ako. Saka ayokong umasa kayo. Sige na kumain na kayo at magpapahinga na ako. Ay! Bunso abot mo nga yung notebook ko."

Niyakap ko si Deimiel. Nakapabilog sila sa akin at naririnig ko ang paghikbi nila. Ramdam ko ang lungkot sa mga puso nila. Gustong isigaw na maging masaya sila para sa akin.

Binigyan ko ng isang halik si Deimiel. Ngumiti sya. Our 2nd kiss and definitely the last.

Nagpaalam na ako sa kanila.
"Magpapahinga na ako. Pagod na ako e. Wag kayong mag-alala. Gigising ako mamaya bago mag hapunan. Magpaparty tayo e."

Habang busy sila sa pagkain nagsulat ako.

Huling sulat ko na ito.

Sana maging masaya kayo para sa akin. Masaya ako sa patutunguhan ko. Masaya na ako ngayon kasi nasa tabi ko ang taong mahal ko, si Deimiel.

Mahal na mahal ko kayo.

At sa huling pagkakataon ngumiti ako habang iginagala ang mata. Hindi ko alam kung aabot pa ako ng hapunan ang bigat na kasi ng mata ko. Parang gusto ko nang matulog. Sorry kasi sobra ko kayong pinag alala. Sorry sa mga luhang pinalabas ko nung pinakita ko ang sarili kong mahina na. Sayang lang at hindi ko na kayo makakasama hanggang sa pagtanda ko. Sayang din at hindi na ako makakatapos ng Kolehiyo. Pasensya na kayo, binigo ko ang mga pangako ko sa inyo.

Matutulog na ako. At matutulog na akong nakangiti, walang poot na nararamdaman at hindi na muling magigising. Ramdam ko na ang bigat ng mata ko. Sorry ah. Kasi hindi ko sinasabi sa inyo kung ano na nararamdaman ko at sorry kung papaasahin ko kayo na magigising pa ako. Sorry at paalam na. Hihimlay na ako ... Pupunta na ako sa dapat kong patunguhan at pangako ko, babantayan ko pa rin kayo.. Paalam, Mama, Papa, Mga kapatid at mga kaibigan ko..

Deimiel, mahal na mahal kita. Mamamatay akong nakangiti dahil nasa tabi kita. Wag kang mawawala sa libing ko ah. May ipapakilala ka pa sa 'kin e.. Matutulog na ako ng mahimbing. Alagaan mo sarili mo ah.
Mahal na mahal kita, Deimiel...
I love you, Goodbye.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon