05

0 0 0
                                    

Maaga akong nagising. 2am palang. Mamaya pa ako magaasikaso para pumasok. Nagbukas ako ng facebook ko. Wala namang bago. Hays.

Ewan ko. Pero bigla na lang akong nalungkot. Bakit? Dapat masaya ako. Kasi masaya yung nangyari sakin kahapon. Pero kahit anong gawin ko, lungkot pa din yung nasa isip ko. May tumutulo na palang luha sa mata ko. Bakit? Ang lungkot, ang lungkot lungkot. Can somebody help me with sadness? Nasasaktan ako, kahit di ko alam yung dahilan. Argh. Bakit?

Narinig kong tumutunog yung cellphone ko. Tumatawag si kumag sa IG. Pinatay ko yung tawag. Pero paulit ulit syang tumatawag. Sinagot ko kaso inooff ko yung cam?

"Bakit?" Baka mahalata nitong umiiyak ako. May pasinghot singhot pa ako.

"Umiiyak ka ba?" Halatang halata yung pagaalala kahit nasa cellphone lang.

"Ha? Hindi ha. Maaga pa." Pigil na pigil ako para di nya mahalata.

"Labas ka. Sa may pinto nyo." Seryosong sabi nya. Kaya agad akong pumunta sa may bintana para icheck kung may tao sa pinto. At si kumag nga.

Patay pano na 'to? Maga yung mata ko tsaka namumula ilong ko. Bahala na.

Agad akong bumaba para salubungin sya.

"Anong ginagawa mo dito?" Aga aga pa. Pero andito sya. Wag nya lang ako maasar.

"Gusto mo sumama?" May ngiting sabi nya. Pero di pa nga ako nakakapasalita hinatak na nya papunta sa sasakyan nya. Ewan ko. Pero di ako nagalit o nainis man lang sa ginawa nya. Gusto ko makatakas sa lungkot. Sa sakit. Na di ko man lang alam.

"Alam mo ba kung bakit gising ako?" Tanong nya habang nakatingin sa daan.

"Bakit?" Tanong ko habang nakatingin sa labas.

"Kasi sa gantong oras, nakakapunta ako sa gusto kong lugar ng walang nanghuhuli. "

Kaya pala. Ako, di naman talaga ako nagigising ng gantong oras. Ewan ko ba sa sarili ko.

"Ikaw? Bat ka gising? Nakita kitang nakaonline kaya tinawagan kita. Akala ko tulog ka nung nagriring yung cp mo. Kaso in-end call mo agad. Ibig sabihin gising ka." Agad syang tumingin sakin at ngumiti.

"Gusto mo malaman kung bakit?" Baka pagsinabi ko sa kanya, sabihan nya pa ako ng baliw.

"Oum." Sabi nya habang nagtatango tango.

"Nagising ako, kasi inaatake ako ng lungkot." Nakayukong sabi ko.

"Kaya ka ba umiiyak kanina?"
"Oum." Tipid na sagot ko.

"Bakit? May problema ka?" Agad naman syang tumingin sakin. Yung tingin na may halong pagaalala. Kitang kita mo yun sa mga mata nya ngayon.

Hininto nya yung sasakyan. Bumaba sya kaya bumaba na din ako. Huwaw. Ang ganda. Ang ganda dito. Merong mga semento na pwede mong upuan. Tapos may mga alitaptap. Kitang kita mo dito yung buong mga bahay.

"Ito yung sinasabi ko sayong gusto kong lugar. Overlooking tawag dito. " Pagkasabi nya nun agad syang umupo sa isa sa mga semento. Ako naman sumunod lang tsaka umupo sa kabilang semento din.

"Oo. Maganda. Sobra. Nakakagaan ng pakiramdam." Nakangiting sabi ko. Dahil sa lugar na'to nagkaroon ako ng peace of mind.

Nakitang king tumingin sakin si kumag. Kaya tumingin din ako sa kanya.

"So bakit ka umiiyak kanina?" Nakatingin pa din sya sa mga mata ko. Parang naglue yung mata ko sa mga mata nya.

"Di ko din alam. " Kumunot yung noo nya.

"Makakalimutan mo din yan. Tara kain. Libre ko. " Nakangiting sabi nya. Nang dahil sa mga ngiti mo, pati ako napapangiti na din.

"Ha? Saan naman? Wala pa atang bukas. Ang aga aga pa oh. " Umiling sya at hinawakan ako sa may pulsuhan. Naglalakad kami. Pero di ko alam kung saan patungo. Nakatingin lang ako sa buhok nyang black na medyo kulot. Sa ilong nyang matangos.

AbideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon