"Oh mga bata, sa Marso na ang deadline ng CNF ninyo ha. Oh sya, ayun lang. Maraming Salamat! Mag ingat kayo sa pag-uwi!"
Nalalapit na ang pasahan at heto ako, wala pa ring naiisip na maibabahagi. Nahihirapan ako sapagkat masyado na akong makakalimutin at malabo ang aking memorya para maalala pa ang ibang kaganapan sa aking buhay.
"Sol may nasimulan ka na ba?"
"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre... wala. HAHAHAHAHHAHA. Bokgi naman, ako pa talaga tinanong mo?"
"Ayan, tama yan. Kaya tayo magkaibigan!"
Tanginang 'to, demonyo. Ayaw ata n'yang mag graduate kami ng maaga.
"Bakit ikaw? Meron ka na bang nagawa?"
"Syempre, meron. Gaya mo ako sa'yo. Pero, parang papalitan ko eh."
Putangina! Meron na pala s'ya nang demonyo pa.
"Ih! Bakit mo pa papalitan? Patulong ako, please. Wala na akong maisip please."
"Bakit hindi mo ilagay si B?"
OMG! Oo nga! Bakit nga ba hindi ko naisip yun?
"Oo nga no."
Hay, nawa ay lahat may naisip na. Pero paano kung si Hw– ay, 'wag na lang pala. Hindi pwede.
"Hala, thank you! Tama yan, tama. Ang talino mo do'n."
"Tsk! Nako ako pa ba?"
...
"Bokgi! Nagco-commission ka pa ba?"
"Oo bakit?"
"Joke lang, 'wag mo na ituloy. Gagawin ko 'to."
"Tara na nga umuwi na tayo nang masimulan mo na 'yan. Ang gulo-gulo mo."
Meron naman na kasi akong gustong ilagay no, kaso nakakahiya.
Hay nako, Sol. Anong ginagawa mo?

YOU ARE READING
Sol at Luna
Teen Fiction"Sol, may sasabihin ako." Handa na ako. Sol, Handa na akong sabihin sa'yo ang lahat ng nararamdaman ko magmula ng magkausap tayo. "Mahal kita." Pagkatapos ng limang taong pagkakakulong sa hirap at sakit ng pagmamahal, handa na ulit akong sumugal, S...