BAHAY-BAHAYANG HILAW

0 0 0
                                    

Sa sementadong kalsada ng maynila
Nagtatampisaw sa dilim ang mga bata
Bahay-bahayang hilaw, ika nga
Nilalaro ang para lamang sa matatanda

Napanood ko isang gabi, isang pelikulang kakaiba
Iisa ang eksena ngunit dalawa ang bida
Wala namang tugtog ngunit sumasayaw sila
Per 'di bale na, sabay naman silang kumakanta

May isang liriko sila sa simula ng abakada, napakadaling kabisahin
Naisip ko nga baka Pwede kongbgayahin
Naikwento ko sa syota ko, mukha naman syang interesado
Ang mga tunog naman kasi, nakaka-engganyo

Noong isang buwan, sinubukan naming gayahin
Maganda kasi yung pelikula, nakakapukaw damdamin
Grabe sa pakiramdam, mistula akong nakikipagkarerahan
Tulad ngayon, hindi naman ako tumatakbo, pero hindia ako inaabutan.

Panulat ni Sheila Isabel F. Ate

The  Stateans (CBSUA)Where stories live. Discover now