Panimula

24 3 3
                                    

flashback

"Tin-tin.." tawag ko kay Tin nang makita ko sya sa bakuran ng kapitbahay namin.

"Ayen..hihihi" lumapit sya sa gawi ko.

"Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko.

Nasa pagitan namin ang halaman ng gumamela na ginawang bakod. Hindi ito mataas at hindi rin ito ganoon kababa. Sapat na para makita ko si Tin sa kabilang bakuran. Pero dahil maliit pa kami ay nahihirapan kaming mag kakitaan. Medyo tumitingkyad pa kaming pareho para makita nya ako at ganun din ako.

"Hihihi...gusto ko kase makita si Kuya Gelo.." naka ngiting sabi nya.

"Bakit mo naman gusto makita si Kuya Gelo? Diba mag lalaro pa tayo? Ito na yung teddy bear ni Ate hiniram ko eh.." itinaas ko ang medyo may kalakihang teddy bear.

"Mamaya na tayo maglalaro pag nakita ko na si Kuya Gelo..hihihi" nagtataka naman ako sa pangiti ngiti nya nababaliw na ata sya.

"Bakit ba gustong gusto mo makita si Kuya Gelo?.." takang tanong ko.

"Eh kase.. Wag ka maingay ah sayo ko lang to sasabihin secret lang natin to ah?.."

"Sige sige.." tango tangong pagpayag ko.

"Crush ko si Kuya Gelo...shhh ka lang ah?" bulong nya sabay lapat ng kanyang hintuturo sa labi nya.

"Hala? Crush? Ang bata mo pa...tsaka binata na si kuya, payb years old ka palang ah? Pano nangyaring crush mo sya?"

"kahit na basta crush ko sya! Bakit ikaw walang kabang crush?" tanong nya.

"Ako?"

"Oo, Crush...wag mo sabihin wala ka non? Narinig ko sabi ng klasmeyt ko Crush is paghanga, hinahangaan ko si Kuya Gelo kase ambait bait nya,Kaya crush ko sya.. Eh, ikaw? Sino crush mo?.."

"Crush ko?" may crush ba ako? Bigla naman pumasok sa isip ko si Enzo. Mabait sya, tahimik, lagi nya ako tinutulungan tumayo pag nadadapa ako, at yun ang hinangaan ko sa kanya. Ibig sabihin si Enzo ay crush ko.

"Huy! Sino na? Hihihi excited ako!" natutuwa pang sabi nya.

"A-ahh kase wag mo sasabihin kahit kanino ah? Secret lang natin to ah?" pakiusap ko.

"Oo, sino na??"

"Si Enzo.." bulong ko.

"KYAAAAAAAAHH!" gulat ako ng mag huhumiyaw sya at mag tatalon. "Si Ayen Crush si Enzo.." lalo ako nagulat ng sabihin pa nya yon. Nagtatakbo sya sa loob ng bakuran nayon, habang kinakanta kanta pa yon. Naiwan naman ako dito nakatayo di alam kung maiiyak dahil sa ginawa nya sabi ko secret lang eh. Di ko mapigilan na mapanguso.

Biglang pumasok sa bakuran na yon si Ate Grace pinsan ni Kuya Gelo. Pinsan din nila si Enzo.

Lumapit si Tin sa kanya at tuwang tuwang kinuwento iyon. Napatingin si Ate Grace sakin at ngumiti ng pag ka tamis tamis. Lagot na makakarating na ito kay Enzo, baka hindi na nya ako tulungan sa susunod na madapa ako.

Yumuko ako sa hiya at niyakap ang teddy bear na hawak ko.

"AYEEEN!" tinig iyon ni Ate ko mula sa loob ng bahay namin.

"Andyan naaa...." sigaw ko.

Tiningnan ko pang muli si Tin na sagad ang ngiti. Bigla naman sumulpot si Enzo doon na ikina gulat ko.

Kaya dali dali akong tumakbo papasok ng bahay, pero nadapa ako at nasubsob. Iiyak na sana ako ng mapansin kong may humawak sa braso ko at tulungan akong tumayo. Nag teleport ba'to?

"Lampa.."

"Enzo..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crush Me BackWhere stories live. Discover now