PROLOGUE

95 8 2
                                    

I'm here at the school library with my best frienemy. (best friend-enemy)

Kaya lang naman ako nandito kasi nagpasama si Andria may kailangan daw siyang basahin. Wala naman na akong klase at pupuntahan pinagbigyan ko na. Sobrang bored na ko, naisipan kong kulitin siya.



"Andria" tawag ko sa kaniya ngunit hindi ako pinansin dahil abala siya sa pagbabasa.

Kinalabit ko siya ng maraming beses pero sinasamaan lang ako ng tingin.

"Huy, Alex" pangungulit  ko pero hindi pa rin ako pinapansin

"Alexandria Nataly!" mahina kong sigaw

"What the hell Jaxson Exequiel, can't you see? I'm reading!" she shouted back. Kitang kita ko sa kaniyang mga mata ang pagiging iritable dahil sa pag tawag ko.


Nagtinginan tuloy sa amin yung ibang students akala nila nag-aaway kami dito dahil sa pag sigaw ng babae na 'to.

"Shhhhh, nakakahiya ka ang ingay mo nakakaistorbo ka ng ibang tao" I whispered

"Ikaw nga iniistorbo mo ako dito hindi ka ba nahiya?" she replied

"Napaka pilosopo mo talaga kahit kailan, ikaw na nga lang nagpapasama dito ganyan ka pa" pa bulong kong sabi


"Ano sabi mo? may sinasabi ka ba?"

"Wala, ang sabi ko bilisan mo na dyan. May gagawin ka ba bukas?"

"Okay, weekend bukas so wala naman, why did you ask?"

"Punta tayo ng Hilltop Garden, alam mo ba yun?"


"Yes pero hindi pa ako nakakapunta dun nakikita ko lang sa post and pictures"

"Kaya nga punta tayo dun para makita mo tss"

"Fine, whatever"

Niligpit niya na ang kaniyang mga gamit at inayos ang lamesa hudyat na kami ay aalis na. Sa wakas makakaalis na din. Katabi kong naglalakad si Alexandria, tahimik lang naman siya kaya tumahimik na lang din ako. Marami pang estudyante yung iba nakaupo sa bench, nasa classroom pa, yung iba naman pagala-gala lang dito. Hanggang sa malapit na kami sa gate ng school at natatanaw ko na ang mga sasakyan na nakaparada na susundo sa amin.

Nasa tapat na kami, tumingala siya sakin at kumaway para mag paalam na.

"Ingat ka ha, yung alis natin bukas wag mong kakalimutan"

"You too, yes I promise I will not forget it, bye see you tomorrow"

"Bye!"

Nauna ng umalis ang sasakyan nila at sumunod na kami. Pag pasok ko ng bahay abala ang mga maid sa paghahanda ng dinner. Gabi na rin pala ng makarating ako dito sa bahay. Nasa sala naman ang nakababata kong kapatid na si Jameson busy sa panonood.

"Mom, Dad I'm home"

"Oh, Jaxson nandito ka na pala. Wala si Señorito umalis kanina lang" sabi sa akin ni manang Camila ang mayordoma ng aming bahay

"Ahh ganon po ba, sige po thank you manang"

Paakyat na sana ako ng hagdan papunta sa kwarto ko ng tinawag ako ni Jameson

"Kuya Jax! kuya Jax!"

"Yes, James?"

"Hinahanap ka po ni mommy kanina pa eh, ang tagal mo daw po"

Catch Me If I FallWhere stories live. Discover now