O63

235 9 6
                                    

S A O I R S E

Wala akong ginawa dito sa kwarto kundi umiyak ng umiyak.

Sobrang sakit eh, isang buwan din kami na ganon tapos bigla nalang masisira.

Siguro sasabihin nyo na "OA mo naman, M U lang naman kayo" but for me, hindi "lang" yun.

He always treated my nicely, he always makes me feel special but then he suddenly gave up.

That hurts, alot.

"hay nako, pag nakita ko talaga yang si Junghwan nako, humanda sya saakin" narinig kong sabi ni Yra.

Hindi ko nalang sya pinansin at pinunasan nalang ang aking mga luha.

I'm still young, marami pa akong mahahanap na lalaki na mas better sa kanya, yung karapatdapat saakin.

Maybe we're not meant to be.

I'll try to forget him, i'll try.

•••

"tapos yun, tinapos na namin yung M U thing namin" pagpapaliwanag ko kay kuya Hyunsuk.

Nandito kase sya sa bahay namin ngayon, ewan, baka na bored sa dorm nila.


"Hindi mo ba alam?" ha? ano sinasabi ni kuya? anong hindi ko alam?

"alin?" medyo napataas ang kanang kong kilay at napa straight ng upo.

Sandali kaming nanahimik, hindi nadin nag abalang lumingon saakin si kuya Hyunsuk.

"wala, wala" sagot nya at nagpatuloy sa banyo, naiihi daw kase sya.

Teka nga, anong hindi ko alam? may problema ba?

Naguguluhan na ako ah?

•••

"Matulog ka nga ng maaga sha, lagi ka nalang nagpupuyat dahil jan sa kaka wattpad mo, tignan mo mata mo, ang laki ng eye bags" agad ko namang tinakpan ang baba ng mga mata ko at inirapan sya

"bakit ba? ikaw ba nagpupuyat? ha?" inirapan nya lang ako at pumasok na sa guest room

bakla amp.

Pumasok na din ako sa kwarto ko at isinara ang pinto. Tumingin muna ako sa salamin bago humiga.

Hanggang ngayon masakit padin.

At dahil hindi ako makatulog, kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang aking wattpad, may hindi pa kase akong natatapos na story, eskeyel.

Makalipas ang dalawang oras, hindi parin ako makatulog.

Ewan ko ba pero kahit gusto kong mag focus sa binabasa ko sya parin naiisip ko eh, bumabalik lahat ng nangyari.

Ganto ba talaga ang feels kapag heartbroken? bakit sobrang sakit?

Nubayan, ang bata bata ko pa kase tapos pumapasok na ako sa ganyang relasyon tignan mo, eto ako ngayon, nagdadamdam.

Tatlong araw na din ang nagdaan simula nung hininto namin yung relasyon namin, tatlong araw nadin ang lumipas na hindi ko nakikita si Junghwan.

First, i thought na baka hindi ko lang sya makita kase hello? ang daming students sa YGTIS.

Pero nung sadya akong pumunta sa room nila, wala talaga sya.

Nagtanong nadin ako sa mga classmates nya pero ang sabi nila na yung adviser lang ang may alam.

Nagtanong na din ako sa mga hyungs nya kaso hindi nila ako sinasagot, tinanong ko na din si Haruto pero hindi nya daw alam.

Dahil doon, napapaisip ako na may tinatago sya at may family problems na ayaw nyang malaman ko dahil ayaw nya akong pag alalahanin?

Bakit kailangan nya pang hindi pumasok ng school?

Naramdaman ko naman na bumibigat na ang aking mga mata, hindi ko na din namalayan na nakatulog na ako.

•••

Nagising ako dahil sa alarm ko, kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na, tanghali na pala.

Ibinalik ko ang cellphone sa desk na nasa tabi ko at umupo, humikab ako na parang walang bukas bago tumayo.

Pumunta ako sa banyo at nag toothbrush sabay hilamos ng mukha, pagkatapos non ay nagsuklay ako at lumabas na ng kwarto.

Skin care ko? psh, skin care skin care pa mamamatay din naman, dejk.

Nag s-skin care din kaya ako kaso, yung sheet mask lang hehe.

Wala pa kasi akong alam sa mga ganon, sorreh.

"oh? aga mo nagising ah?" alam kong nang aasar sya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Oh? anong ginagawa ng mga kupal na yan dito?

"hello sha!! good morning!" umupo ako sa tabi nya at hinagisan sya ng unan.

"good morning ka jan? bakit kayo nandito? ha?" matapang kong saad.

Halos mapuno na yung sala namin dahil sa mga kupal na yan jusme.

Hindi malaki bahay namin boi tapos nakikisiksik pa mga yan dito jusme.

dejk, love ko mga yan noh!

"bakit? hindi ba kami allowed? sumbong kita kay tita eh"

"nyenyenye balakajan" tumayo ako at pumunta ng kusina, nagugutom na ako okeh?

"oh? gising ka na pala? kumain ka na, ikaw nalang ang hindi nakakakain" tumango ako kay kuta Hyunsuk at umupo

Emeged, my favorite Sinigang~

Hindi na ako nag atubili at sumubo ng pagkain, emeged, ang sherep.

Kahit gaano man kasarap yung ulam, yun naman ang kinapangit ng nararamdaman ko ngayon.

[ nu daw? ok, inaantok na talaga ako kaya bahala na.
-otornanaakitnidanielnanasai-land ]

Hays, hirap mag move-on pala noh? puro sakit muna madadaan mo bago ka makamove on.

I hope na kung nasaan man sya ng lupalop ng mundo, masaya sya.

killing me : so junghwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon