Chapter 5

13 1 0
                                    

Aiana

"Pass your papers"nagmadali ako sa pag sagot ang hirap naman kasi dapat talaga nag aral ako kagabi may nalalaman pa kasing surprise quiz itong si sir

"Wag mo ng sagutan yung iba bumawi nalang tayo sa susunod"napapikit nalang ako ng mariin at binigay kay Janna ang papel ko tumayo naman siya at nilapag ang papel sa lamesa. Simula talaga ngayon mag aaral na ako kahit konti tuwing gabi

"Hey ayos lang yon tatlo o apat lang naman hindi mo nasagutan"nakabalik na pala si Janna napasimangot naman ako

"You know I hate failing grades para next year pareho na kaming section ni"d ko natuloy yung sasabihin ko dahil naalala ko yung mga sinabi niya sakin kagabi

"oh?napatigil ka jan?na realize mo na ba na hindi ka kailan man mamahalin ni Jayden?"sinamaan ko siya ng tingin sinuot ko na ang bag ko at iniwan siya sa classroom pupunta nalang ako sa garden ng school

Malaki ang school na ito kumpara sa ibang mga skwelahan.Umupo ako sa isang maliit na bench may katabi itong malaking puno kaya may silong nilapag ko ang bag ko at nilabas ang notebook ko mag aaral nalang ako baka may test nanaman mamaya nagsuot ako ng earphones para makinig ng kanta mas gusto kong nagbabasa habang nakikinig ng kanta.Habang nagbabasa ako ay may naramdaman ako kumakalabit sakin napatingin naman ako may sinasabi sya pero hindi ko narinig kaya tinangal ko ang earphones ko at tinaasan siya ng kilay

"Ang sabi ko umusog ka uupo din ako miss"sabi niya nataranta ako at umusog agad.Inayos ko na ang gamit ko pupunta nalang ako ng canteen medyo gutom na din ako

"Hala miss hindi kita pinapaalis pinausog lang kita ito lang kasi yung may silong na mauupuan"napatingin naman ako sakanya d ko matatangi may itsura siya

"Ay hindi pupunta ako ng canteen"ngumiti ako sakanya napatango naman siya at kinuha ang bag niya

"D ka naman pala masungit miss sama ako sayo hindi ko kasi alam papunta ng canteen kanina ko pa kasi hinahanap eh bagong lipat lang ako dito"ngayon lang siya pumasok?

"ah sige sunod ka lang sakin"tumalikod na ako sakanya at nagsimulang maglakad naramdaman ko namang sumunod siya sa akin malapit lang ang canteen sa garden kaya nakarating kami agad pagka pasok namin ng canteen ay nahagip agad ng aking mata si Jayden

"Salamat miss tara ililibre kita"napatingin naman ako sakanya

"Ano ba wag na ayos lang may pera ako"nahihiyang sabi ko umiling naman siya at hinila ako papunta sa two seater table

"Anong gusto mo?"tanong niya sakin

"Ako na magbabayad nakakahiya"sinimangutan niya naman ako

"Ang kulit mo miss ako na pasasalamat lang dahil dinala mo ako dito"I sighed at sinabi nalang ang gusto kong kainin sinundan ng mata ko ang paglakad niya papunta sa pila hindi naman ganoon kahaba ang pila napatigil ako sa pagtingin sa kanya ng naramdaman ko may nakatayo sa gilid ko

"Jayden?"nagulat ako ng makita ko siyang nakatayo sa gilid ko

"About last night"napakunot naman ako yung sa party ba?Gusto niya bang ulitin sa akin yung mga sinabi niya kagabi?Hindi naman kailangan e dinig na dinig ko at kabisado ko ang mga sinabi niya sa akin

"Miss!!eto ba yung gusto mo?"napatingin naman kami ni Jayden sa lalaking dinala ko dito

"Nevermind"tumalikod si Jayden sa amin at lumabas ng canteen

"Jowa mo?sundan mo hala jusko kakapasok ko pa lang may kaaway na ako"natatarantang sabi niya umiling naman ako

"He's not my boyfriend"natatawang sabi ko kung boyfriend ko lang si Jayden ay hindi ako aalis sa tabi niya

"Ano nga palang pangalan mo miss?"tanong niya habang binibigay ang pag kain ko

"Oh my name is Aiana ikaw?"

"Owen,let's eat"tumango ako at nagsimulang kumain hindi ko mapigilang isipin kung ano ba dapat ang sasabihin ni Jayden sa akin






:\

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mistaken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon