26

2.6K 69 21
                                    


"Why did you do that?"


Padabog kong sabi habang inaayos ang maleta ko. I'm pissed off! Really pissed! Lumalayo na nga 'ko eh! I don't want to develop feelings again. Ang hirap masaktan. Ang hirap bumangon na pinapanalangin mong wala nang maramdaman na sakit. Bakit ba niya 'to ginagawa sa akin? Hindi ko siya maintindihan.


"I just requested it. Why?" He looked at me, nakapamulsa pa siya. He unbuttoned his polo, revealing his white sando inside. 


"Huwag ka sa harap ko nga. Duon ka sa C.R." Iritado kong sabi, tinuro ko pa ang pinto ng banyo.


"Okay, fine! You're so grumpy." He said in monotone while walking inside the bathroom. 


I fixed my clothes that I'm about to wear for our rest here in this hotel. Mamayang gabi rin kasi ang lipad namin pabalik ng Manila. "So why did you do that? Kasama mo na 'ko sa condo, pati ba naman dito?" Iritado kong sabi. I walked towards the bathroom, still waiting for his answer. 


"Ayokong mawala ka na naman sa paningin ko," He glared at me. Parang ako pa may kasalanan. "Ang hirap hirap mo hanapin."


Ano naman ngayon? Ako ba 'yong umalis nuon? Siya lang ba nahirapan? Wow.


"Eh, ano naman ngayon kung umalis ako? Kung mawala ako sa paningin mo? Ha?" Kumunot ang noo ko. 


"I won't let it happen again." He glanced at me. 


I went inside the bathroom, still processing how it ended up like this? Pwede namang sa Manila na siya at hindi na siya bumalik... Kahit gusto ko siya ulit makita. Nakakainis. I just changed my clothes, mamaya susuotin ko na lang din naman ulit 'tong uniform. 


Nagsuot lang ako ng usual kong suot sa bahay, ganon din naman si Claude. Aalis na rin naman kami mamaya kaya ayos lang.


"I'll sleep. Gisingin mo 'ko mamaya," He looked at me, before fixing the blanket on him. 


"Okay, Cap!" I sarcastically said. 


Humiga na rin agad ako sa kama ko, Thank God! Dalawa ang kama dito, kung hindi, isa samin sa sahig o sa couch matutulog. My alarm rang and I turn it off immediately. I almost jump when I saw Claude standing in front of me. He crossed his arms when he saw I already opened my eyes. Nakaayos na siya. Naligo rin siguro. 


Tumingin ako sa oras, It's already 5pm. Hindi pala kami nakapaglunch. Mas pinili pa namin matulog kesa sa kumain.


"Take a bath. Bili lang ako pagkain. Lock the door." He said before leaving.


Tumayo naman agad ako at sinunod ko ang sinabi niya. I brushed my teeth and let my hair dry at the same time. After, I wear my uniform and tie my hair up. When I went outside the bathroom, nakita ko na agad si Claude na nasa harap ng vanity mirror, nakaupo. 

Soar High, AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon