Sandali

0 0 0
                                    

Ako'y napapaisip

Ang buhay ba'y tungkol lang sa pagsilang, paglaki, pag-aaral, pagtatapos, pagtatrabaho, pag-iipon, pagbili ng ari-arian, pag-aasawa, pagpapamilya, pagtanda at pagkamatay?

Mayroon pa bang ibang uri ng pamumuhay na iba sa nakagisnan?

Maaari bang umiba ng daan at lumihis sa noon pa ma'y landasin na ng buhay.

May naghihintay bang maganda at ganap na buhay na malayo sa buhay ng nakakarami?

Gumugugol ng matagal na panahon na umuubos sa maikling hiram na buhay ang sistemang nakagisnan na.

Kung gayo'y bakit ito ang tinatakbo ng bawat nilalang.

Dahil ba wala ng ibang paraan o dahil ito lang ang alam?

Maikli ang buhay, oo, sadyang maikli.

Marahil ito'y hindi naiisip ng marami.

Mangilan-ngilan lang ang nagbabakasakali na umiba ng agos.

Lumikha ng sariling daan na bihirang maisip ng karamihan.

Ito'y hindi kilala ng kumukulong tiyan.

Ang alam lang nito'y dapat kumayod upang ang pamilya'y maiahon.

Oo, walang masama.

Ito'y mabuti at talaga namang dapat.

Obligasyon at ambisyon.

Dalawang konsepto na tila gasolinang nagpapatakbo sa katawan ng bawat tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon