Chapter 4

405 13 0
                                    

CHARLIE POV.

Alas 5:00 palang ng Umaga pero gising na ako sobrang excited Lang ako kasi hahaha ngayon kasi Ang dating ni ate Abegail.

Yieee kinikilig tuloy ako kahit Wala pa si ate Abegail haha..Eh kese nemen kenekeleg eke se kenele ne keye hahaha..

Nangangamoy comeback kasi hahaha

Lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta sa kusina para Sana magluto pero naunahan na pala ako ni mom..
Isa pa to SI Mom mas excited pa SA akin ang aga-aga nagluluto na.Di na yata ito natulog matapos kong gisingin kaninang hating Gabi.

Parang ako Lang hahaha

Goodmorning mom,Yaya..bati ko SA kanila at humalik sa pisngi.

Goodmorning..sabay nilang bati pero di man Lang ako tiningnan.

Nakanguso akong umupo sa upuan at kukuha na Sana ng spaghetti pero pinitik ni mom Ang kamay ko.

Ouchhh..sigaw ko

Ay napalakas yata pag pitik ko hehe sorry..sabay peace sign Di Naman kasi Yan sa iyo Kaya wag mong galawin..Sabi ni mom at bumalik sa kanilang ginagawa

Ang damot Naman..Sabi ko narinig Kong tumawa sila mom at Yaya aawayin ko na Sana pero wag nalang baka di pa ako bigyan pagtapos nilang magluto.

Baby tawagin mo muna kuya mo pababain mo na..Sabi ni Yaya at binigyan ako ng hotdog

Barbeque ba to??..

Yaya bat may barbeque kayong niluto?..takang tanong ko

Ay oo mag swi-swimming kasi tayo..nakangiting sagot ni Yaya

Napatango nalang ako at tumalikod na sa kanila at naglakad paakyat sa kwarto si kuya..

Nandito na ako SA labas ng kwarto ni kuya kakatok na Sana ako pero napansin ko itong bukas.Dahan-dahan Kong binuksan Ang pinto at sumilip nakita ko si kuya na nakatalikod SA akin at narinig ko siyang suminghot-singhot.

May sipon ba si kuya?

Gaga umiiyak yan..

Papasok na Sana ako ng bigla siyang magsalita Kaya napahinto ako.

I miss you so much love.Miss na miss na miss na talaga Kita...umiiyak na Sabi niya

Napahugot ako ng hininga at dahan-dahang lumapit SA kanya.Umupo ako SA tabi ni kuya ng Hindi siya tinitingnan.Ayaw Kong nakikita siyang umiiyak ako Yung nasasaktan sa kanya.Naramdaman Kong tumingin si kuya sa akin pero mabilis siyang umiwas at pinahid Ang sariling pisngi.

Tumingin ako Kay kuya at nagtama Ang mga mata namin nakikita ko SA mga mata ni kuya Ang hirap at sakit na kanyang nararamdaman.Parang sinaksak Ang puso Kong nakikitang nasasaktan SI kuya.Niyakap ko SI kuya at ganon Rin siya naramdaman Kong may tumulong tubig sa balikat ko Alam Kong Hindi ito basta-bastang tubig Lang kundi luha ni Kuya iyon.

Mas hinigpitan ko Ang pagkakayakap Kay kuya at mas lalo Lang lumakas ang kaniyang pag-iyak naramdaman Kong namamasa Rin ang mga mata ko sinubukan ko itong pigilan pero letche nagsiunahan pang tumulo.

Sige Lang kuya umiyak kalang hanggang SA mawala na yang sakit na nararamdaman mo..basag Ang boses Kong Sabi

Umiyal Lang ng umiyak SI kuya Gaya ng Sabi ko.Di ko na Rin napigilan Ang sarili Kong umiyak.Ngayon ko Lang nakita SI kuya na nahihirapan ng ganito di ako sanay na makitang umiiyak SI kuya.

Nang magsawa na si kuya sa kakaiyak ay humiwalay na siya sa akin at inayos Yung sarili niya.Nang matapos na siya ay niyakap na Naman niya ako akala ko iiyak na Naman siya pero Hindi pala hehe..humiwalay SI kuya sa akin at hinalikan ako sa noo.

Ang Boyfriend kong SelosoWhere stories live. Discover now